Chapter 32

642K 20.7K 8.5K
                                    

Break up

"Good mor--" natigil sa pag-sasalita si Aly nang makita niya si Dwayne. "Wow ang aga natin pogi, ah?" Ngumisi siya sakin at halatang inaasar niya ako.

"Dinalhan ko kasi si Keila ng breakfast. Gusto mo ba?"

Umiling si Aly. "Busog ako, salamat."

"Sure ka ba, Aly? Malayo 'yong set at mahaba ang byahe. Sige ka, baka magutom ka."

Huminga siya ng malalim at wala na din siyang nagawa kung hindi kumain. Ang sarap ng ginawang pancake ni Dwayne at ang lakas niya makabusog. Busog na busog kaming dalawa ni Aly halos hindi na nga kami makatayo.

"Sure ka ba talaga na kaya niyo na ni Aly?" Nag-aalalang tanong ni Dwayne. "Pwede naman akong hindi pumasok ngayon. Sa bahay ko na lang tatapusin 'yong project na ginagawa ko."

"Wag na, ayos lang kami. Isa pa baka makasama sayo ang byahe ng malayo. Dwayne, wag kang pasaway. Okay?"

Sandaling natahimik si Dwayne. Alam kong gusto niyang ipilit ang gusto niya pero alam din niyang hindi ako papayag. "Sige basta mag ingat kayo ha? Text me and keep me updated. Okay?"

Tumango ako at nagpaalam na kami kay Mama at kay Dwayne. Si Aly na ang nag drive para sa akin. Nasa tabi niya lang ako at nakasandal sa upuan.

"Keila, bakit makakasama kay Dwayne ang pag byahe ng malayo? May sakit ba siya?"

Hindi agad ako nakasagot sakanya. Hindi ko kasi alam kung nasa position ba ako para sabihin ang kondisyon ni Dwayne.

"Okay lang, hindi mo kailangan sagutin ang tanong ko. Pasensya na, curious lang kasi ako."

Ngumiti na lang ako sakanya at pinikit ang mata ko. Pakiramdam ko stress na stress ako nang mga nakaraang araw. Ang daming mga nangyari na hindi ko inaasahan. Mula sa pag-amin ni Kean hanggang sa sakit ni Dwayne.

Pagdating namin sa set, nandoon na si Kean. Tinignan niya ako pero umiwas ako ng tingin. Hindi ko din alam kung bakit pero siguro dahil iyon sa nangyari kagabi.

"Keila," tawag ni Rave. "Nakita ko 'yong pag-susungit mo kay Kean ha. Magkagalit ba kayo?"

Umiling ako. "Hindi, hindi lang talaga kami close." Ibubuka pa sana niya ang bibig niya pero tumahimik na lang siya.

Nag ayos na kami para shoot ngayon. Nandito kami sa Batangas, sa tabing dagat. Gagawin namin 'yong scene na maghihiwalay na si Gaile at Kyle.

"Action!" Sigaw ni Direk.

Magkatapat kami ni Kean at hawak niya ang mukha ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Gaile, please don't do this to me." May lungkot na sa mga mata niya.

Inalis ko si Kean sa isip ko at inisip ko na siya si Kyle. Siya ang boyfriend ko. Ang lalaking pinakamamahal ko. Ang lalaki na hindi pwede para sa akin.

Kahit anong gawin ko, si Kean pa din ang pumapasok sa isip ko.

"Cut!" Sigaw ni Direk. "Ano ba 'yan Keila? Concentrate naman!"

Huminga ako ng malalim. Nanginginig na ang buong katawan ko.

"Ayos ka lang ba, Keila?" Tanong ni Kean. "Gusto mo bang mag break muna?" Hinawakan niya ang kamay ko pero inilayo ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Umiling ako at sumigaw ng, "Take na po ulit Direk!"

"Okay good, break up scene take two! Action!"

Pumikit ulit ako at huminga. Kailangan maayos ko 'to ng mabuti.

Ako si Gaile. Siya si Kyle.

"Kyle, hindi na talaga tayo pwede." Sambit ko. "Engaged na ako kay Dan at isa pa ayoko siyang masaktan." Bumitaw ako sa pagkakahawak niya.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon