Chapter 15

672K 23.9K 8.5K
                                    

Favor


"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko. Hanggang ngayon nakatingin pa din siya sa mata ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos. "May problema ba?" kinakalma ko lang 'yong sarili ko dahil ayokong makita ni Kean na apektado pa din ako sakanya.

"Hindi ito tungkol sakin, Keila. Tungkol 'to kay Hailey." kinabahan ako sa sinabi niya lalo na nang makita ko 'yong lungkot sa mata niya. Sana mali 'yong iniisip ko na may nangyaring masama sakanya. "Sinugod namain siya sa hospital, inaatake na naman siya ng sakit niya at kaya ako nandito dahil hinahanap ka niya. Nangako ka daw kasi sakanya na dadalawin mo siya." nakita ko na sinara niya 'yong kamay niya. Galit ba siya? "Keila, nakikiusap ako sayo. Puntahan mo si Hailey, kailangan ka niya. Please, Keila."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko kayang tanggihan si Hailey, mahalaga na siya sakin.

"Sige, pupuntahan ko siya ngayon. Nasaan ba siya ngayon?"

"Traffic ngayon kaya hindi magandang idea kung mag ko-kotse ka pa. Sumabay ka na sakin, sa motor." kumunot agad 'yong noo ko. Ako aangkas sakanya? Ayos lang ba siya? "Keila, aangkas ka lang naman sa motor ko, walang ibang ibig sabihin 'yon. Kailangan ka na ni Hailey."

Kung hindi lang para kay Hailey, hindi ko 'to gagawin. "Sige, bilisan na natin."

Inabot sakin ni Kean 'yong extra helmet niya. Bago na 'yong motor niya pero ito pa din 'yong helmet na palagi kong sinusuot dati, may sticker pa nga ni Ben10 'tong helmet. Siguro may mga bagay pa din siyang hindi binabago pero kahit ganon, matagal na niyang tinapos ang lahat sa amin. Tanggap ko na naman, eh. Wala na kami ni Kean.

"Kumapit kang mabuti, baka malaglag ka." sambit ni Kean.

Humawak ako sa balikat niya. Ramdam na ramdam ko 'yong hangin na dulot ng mabilis na pagtakbo ng motor ni Kean. Ang tagal ko na din palang hindi nakakasakay ng motor at oo, nakaka-miss.

Traffic nga sa dinaanan namin pero dahil magaling sumingit si Kean, wala pang fifteen minutes nasa hospital na kami. Pinababa muna ako ni Kean pagkatapos pinauna na niya ako sa kwarto ni Hailey. Ayaw niya daw kasing may makakita sa amin. Tama naman si Kean, wala dapat makakita sa amin na magkasama lalo na mainit pa 'yong issue tungkol sa aming dalawa.

Pagkatok ko sa pintuan, pinagbuksan agad ako ng pinto ni Tatay Ken. Sinubukan niyang ngumiti sakin pero alam kong nasasaktan siya ngayon. "Salamat Keila at pumunta ka. Hinahanap ka talaga ng anak ko. Pasensya ka na sa abala."

"Wala po 'yon Tito Ken, para po kay Hailey."

"Halika," sinamahan niya ako papunta kay Hailey. May kung anong kumurot sa puso ko ng makita ko siya. Halos makalbo na siya at hinang hina na ang itsura niya. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi dapat ako makita ni Hailey na umiiyak at mahina. "Hailey, nandito na si Ate Keila."

Tumingin siya sakin at ngumiti siya, wala na talaga siyang lakas. Nadudurog ang puso ko habang pinagmamasdan ko siya. "Ate ganda, buti dumalaw ka.. kanina pa kita hinahanap eh." Tumabi ako sakanya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Sorry Hailey, ngayon lang dumating si Ate ganda." Nakangiti lang ako sakanya. Gusto kong makita niya ako na masaya. "Kamusta ka? Anong nararamdaman mo?"

Bigla na lang bumuhos 'yong mga luha sa mata niya. "Masakit Ate.. ang sakit pero ayaw ko pa mamatay. Ayaw ko pa iwan sila Tatay at Kuya Kean. Gusto ko pa na mabuhay."

Hindi ko na napigilan 'yong pag-iyak ko. Para marinig ko mismo 'to sakanya, nadudurog ang puso ko. Pinunasan ko agad 'yong luha sa mata ko. "Hailey, hindi ka pa mamamatay. Mabubuhay ka pa, okay? Lalaban tayo. Wag kang susuko, ha? Nandito lang kaming lahat para sayo." Hinawakan ko ang kamay niya ang ngumiti ulit ako. "Mag ce-celebrate pa tayo ng Christmas at New Year 'di ba?"

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon