Chapter 5

806K 26K 7.2K
                                    

Agreement

Keila's point of view

Patapos na ako sa pag-aayos ko nang makita ko si Cloud na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. As usual, ang cold nang mukha niya. Kahit nga sa harap ng camera hirap pa din siyang itago ang pagiging cold niya pero ayos lang trademark niya na ata 'yon sa showbiz at wala naman pakialam 'yong mga fangirls niya dahil ang nakikita lang nila ay ang gwapo niyang mukha. Kinuha ko ang gamit ko at lumapit ako sakanya. "Yes, my twin brother?"

"Dwayne is here." I know, he texted me. I looked at Cloud and I know there's something wrong. Mukhang hind siya pleased na makita si Dwayne dito dahil nakakunot na naman ang noo niya. "May hindi ka ba sinasabi sakin?" ang seryoso ng mga tingin niya at mukhang big deal sakanya na makita si Dwayne dito. Hindi ko pa nasasabi sakanya 'yong tungkol sa amin ni Dwayne dahil busy kami pareho sa mga ginagawa namin. "I'm fine if you'll going to be friends but I don't want you to get close to him."

Ito na naman po siya. Ang overprotective kong kakambal.

"We're just friends, okay?" Depenss ko. Well, totoo naman, eh. Magkaibigan lang naman talaga kami. "I'm a big girl now, you don't need to worry. I know what Imm doing." Tumahimik siya sandali pagkatapos pinatong niya sa ulo ko 'yong kamay niya at ginulo niya 'yong buhok ko.

"Sinaktan ka na dati ni Dwanye at ayokong maulit 'yon. Hindi porket pinapasaya ka niya ngayon ay hindi ka niya masasaktan ulit. Alam mo naman na ikaw lang nag inisip ko, eh. Ayoko lang na makikitaka ulit na umiiyak." lumapit ako sakanya at niyakap ko siya. Ang sweet talaga ng kakambal ko. Sinungitan niya agad ako. "Sige na, bumaba na kanina pa siya nag hihintay."

"I love you twin, bye!"

Bumaba ako habang si Cloud dumiretso sa kwarto niya para matulog. Kakauwi lang niya galing shooting. Minsan tatlong oras na lang siya natutulog. Naaawa ako sakanya pero 'yon naman 'yong gusto niya, eh. Isa pa, kasama naman niya 'yong girlfriend niyang si Julianne kaya ayos lang din sakanya. Matagal na din sila at tuwang tuwa ang fans nilang dalawa kasi naging off screen lovers din sila.

"Good Morning." Bati ni Dwayne. "Nagdala ako ng brownies, gawa ni Grandma." Grabe dalawang malaking box na puno ng brownies. Palagi akong dinadalhan ni Jenelle ng brownies at talagang masarap siya. Specialty daw talaga 'to ng lola nila. "Meron na akong maliit na box dito para madala mo sa cafe."

Naisip ko tuloy na ilagay sa menu namin ang brownies nila. 'Yon ang kung papayag si Lola Candy. "Can you ask your grandma if we can add her brownies to our menu?"

"Really?" Parang hindi pa siya makapaniwala. For sure naman bebenta 'tong brownies dahil masarap talaga. "Grandma will be happy to hear that. I'll ask later, okay?"

"Thanks, Dwayne." Sumilip ako saglit sa kusina at nakita ko don si Mama. "Ma, aalis na po kami ni Dwayne. Ito oh," nilapag ko sa mesa 'yong brownies na dala ni Dwayne. "Gawa ng grandma niya. Masarap yan, tikman mo." May kakaiba ng ngiti sakin si Mama. Hindi ko na lang siya pinansin. "We got to go, bye Ma!"

"Bye anak, sabihin mo kay Dwayne, salamat sa brownies!" Kilala ko si Mama at for sure naiisip na niya na baka magkakabalikan kami ni Dwayne pero sa ngayon, malabong mangyari 'yon.

Habang nag di-drive kami tumikim na ako ng isang piraso. Mas sumarap pa nga lalo 'yong brownies na gawa ni Lola Candy. Sana naman pumayag siya na ilagay sa menu 'yong recipe niyang 'to. Malakas ang paniniwala ko na magiging best seller 'to sa shop namin.

"Susunduin na lang kita mamaya." Sambit ni Dwayne ng makadating kami sa cafe. "Eight nandito na ako, tatapusin ko agad lahat ng trabaho ko ngayon."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon