Chapter 29

652K 21.6K 12.4K
                                    




Nawalan na pala ako ng malay. Pag mulat ko ng mga mata ko, bumungad sakin si Rave. Mukhang nag-aalala siya sakin. "Ayos ka lang ba, Keila?"

Umupo ako. Nasa hospital pala ako. Ganon ba ka grabe 'yong nangyari sakin? "Ayos na naman ako. Talaga bang kailangan akong dalhin sa hospital?" Kaming dalawa lang ang tao sa kwarto.

"Ang totoo, si Kean ang nagdala sayo dito. Sumunod lang kami ni Carla kasi nagmamadali siya at naiwan na niya kami. Alalang alala siya sayo, eh." Napabuntong hininga pa siya. "Ano ba kasing nangyari kanina?"

"Nasira 'yong elevator at na-trap kami. Nahirapan akong huminga tapos ayon nawalan na ako ng malay." Paliwanag ko. Naisip ko ulit 'yong sinabi sakin ni Kean kanina. Totoo ba 'yon o baka mali lang ako ng dinig o baka panaginip lang since nawalan na naman ako ng malay. "Asan si Kean?"

"Umalis na siya kasama si Carla."

Siguro nga, panaginip lang ang lahat ng 'yon. Mabuti pa kalimutan ko na 'yon.

May kumatok sa pinto at pagpasok niya bumungad sa amin si Dwayne. Lumapit agad siya sakin pagkatapos niyakap niya ako. "Keila, ayos ka lang ba?"

Humarap siya sakin at ngumiti ako. "Ayos lang ako, Dwayne."

"Sorry, hindi kita nasamahan kanina." Alalang alala ang mukha niya. Feeling ko sobrang stressed niya. "Hindi ba 'yon mauulit. Palagi na akong nandito kapag kailangan mo ako."

"Uhm," singit ni Rave. "Kailangan niyo ba ng alone time?" Tanong niya.

Bigla akong natawa sa sinabi niya. "Oo nga pala Rave, siya si Dwayne. Dwayne si Rave, siya 'yong manager ni Dana."

"Kilala ko na siya, pinakilala siya sakin ni Dana." Ngumiti si Rave kay Dwayne. 'Yong ngiting may pagnanasa. Lalaki si Rave na may pusong babae, in short gay. "Sige na, maiwan ko muna kayo ha." Kumindat pa siya kay Dwayne bago umalis. Pinigilan ko na lang matawa.

"Pasesnya ka na don kay Rave, baka kasi type ka niya. Tingin ko nga bagay kayo, eh." Tinignan ko ng masama ni Dwayne. "Nagbibiro lang, ito naman ang seryoso."

"Seryoso ako sayo, Keila."

Natigilan ako sa sinabi niya. Mukha nga talaga siyang seryoso. Gusto ko lang naman patawanin siya. "Sorry na po."

Ginulo niya ang buhok ko. "Ikaw talaga, pasalamat ka mahal kita." Tumawa siya pagkatapos hinawakan niya 'yong kamay ko. "Kapag may nangyaring masama sayo, hindi ko alam ang gagawin ko."

Natigilan ulit ako. Naalala ko na naman 'yong mga sinabi sakin ni Kean kanina. Ganon na ganon din 'yong sinabi niya sakin.

"Keila?"

"Ha? Ah, sorry."

"Ayos ka lang ba talaga? Gusto mo magpahinga ka na."

"Siguro nga kailangan ko ulit magpahinga," sumasakit ang ulo ko sa tuwing naiisip ko 'yong mga pangyayari sa elevator. "Sorry Dwayne, gusto pa sana kitang kausapin pero sumasakit na kasi 'yong ulo ko."

"Ayos lang 'yon Keila. Dito lang ako sa tabi ko hanggang sa magising ka."

Ngumiti na lang ako. Hindi ko na kasi alam ang sasabihin ko. May part sakin na nalulungkot dahil maiiwan ko siyang mag-isa at nag hihintay sakin magising, may part na masaya kasi hindi niya ako pinabayaan.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Nakatulog nga ako pero mas lalo ko lang naisip si Kean. Ayoko siyang isipin lalo na 'yong mga sinabi niya sakin. Isa pa, hindi ko alam kung totoo ba 'yon o hindi.

Habang natutulog ako, narinig ako ang boses ni Mama at Cloud. Pinilit kong dumilat. Una kong nakita si Mama. "Keila, anak." Niyakap niya agad ako. "Alalang alala ako sayo. Akala ko kung ano nang nagyari sayo, eh."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon