Chapter 20

774K 22.5K 7K
                                    

Beginning


Walang tigil sa pag-iyak si Mommy Karen habang binababa 'yong kabaong ni Hailey. Nasa tabi niya si Tito Ken at si Kimmy.

Si Kean nasa dulo, tahimik lang siya at parang walang emosyon 'yong mukha niya pero alam ko deep inside sobrang nasasaktan siya.

Kilala ko siya at alam ko na hindi siya sanay na ipakita sa ibang tao 'yong kahinaan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kilala ko siya at alam ko na hindi siya sanay na ipakita sa ibang tao 'yong kahinaan niya. Ayaw na ayaw niyang umiyak sa harap ng ibang tao, sakin lang siya umiiyak.. dati.

Biglang pumasok sa isip ko na lapitan siya pero hindi ako 'yong kailangan niya. Kung may tao man na dapat mag comfort sakanya maliban sa pamilya 'yon ay ang girlfriend niya, si Dana. Isa pa, may mga media ngayon dito at hindi nila pwedeng makita na lumalapit ako sakanya dahil magkakaroon na naman ng issue sa amin.

Ang pagkakaalam ko, ayaw ni Kean na may media sa libing ni Hailey pero hindi pa din sila napigilan. Kahit na hindi ako kapamilya ni Hailey, hindi ko pa din maiwasan na mainis. Alam ko naman na kapag nag artista ka, mawawala na sa'yo 'yong privacy mo pero ibang bagay na naman kapag libing na 'yong pinag uusapan.

"Nag-aalala ka ba kay Kean?" tanong ni Dwayne. Hindi agad ako nakasagot sakanya. Hindi ko kasi alam kung anong dapat kong sabihin. "Kanina ka pa kasi nakatingin sakanya." dagdag pa niya. Hinawakan niya ako sa balikat ko na para bang sinasabi niyang magiging maayos din ang lahat.

"Nangako kasi ako kay Hailey na hindi ko papabayaan si Kean sa oras na mawala siya." sagot ko. Ingat na ingat ako sa isasagot ko kay Dwayne dahil ayoko na masaktan ko siya. Alam ko naman kung anong nararamdaman niya para sakin kaya ayokong maging sensitive sa feelings niya. "Don't worry about me, okay?" ngumiti ako sakanya at hinawakan ko ang kamay niya.

Natapos na 'yong libing ni Hailey at may kaunting salo-salo sa bahay nila Kean at kahit kami ni Dwayne, imbitado duon. Nag decide ako na pumunta since para naman 'to kay Hailey. Palagi lang nasa tabi ko si Dwayne at kahit minsan hindi siya umalis sa tabi ko.

Hanggang ngayon hindi pa din kinakausap ni Kean si Mommy Karen at kahit pa si Kimmy. Naiintindihan ko naman siya at hindi naman siya pwedeng kwestyunin sa mga ganitong panahon dahil nagluluksa siya sa pagkawala ni Hailey. For sure, si Hailey lang ang nasa isip niya ngayon. Damang dama naman namin 'yong sakit na nararamdaman niya. Para bang may black aura na nakapalibot sakanya kaya matatakot ka na kausapin siya. Buti na lang nasa tabi niya ngayon si Dana.

"Maraming salamat sa pag-punta niyo ngayon dito." sambit ni Kean sa lahat. "Napakabait na bata ni Hailey kaya alam ko na madami tayong ngayon na nasasaktan sa pagkawala niya pero alam ko, ayaw niyang nakikitang nasasaktan 'yong mga taong mahal niya kaya kahit mahirap kailangan ko, kailangan natin na mag move forward. Alam ko na walang ibang gusto si Hailey kung hindi ang makita tayong masaya dahil 'yon din ang naging purpose niya sa buhay natin ang pasiyahin tayo. I hope everything will be okay for us kahit na wala na si Hailey. Para sakin naman palaging nasa puso ko si Hailey at sana ganon din sa inyo. Salamat sa mga pakikiramay niyo."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon