Chapter 21

806K 23.2K 17.5K
                                    

Job interview


Ang sabi ko hindi ako kakabahan sa interview na 'to pero hindi ko maiwasan. Na-interview na naman ako dati pero ito pakiramdam ko first time ko ulit 'to. Ayokong ma disappoint sakin si Dwayne na mas lalo pang nagpapakaba sa akin.

What am I going to do?

"Inhale," huminga ako ng malalim. "Exhale." Para na akong tanga sa labas ng recruitment room pero wala na akong pakialam. Pare-pareho lang naman siguro kaming kabado, eh. "Kaya mo 'to Keila, relax ka lang."

Tinignan ko 'yong phone ko kung may text o tawag si Dwayne pero wala. Mukhang busy pa din siya hanggang ngayon. Sana makita ko siya bago ako ma-interview baka mawala na 'yong kaba ko pero okay lang din naman kahit hindi. Alam ko naman na may hinahabol siyang deadline sa issue ng magazine ng unit nila.

"Next, Keila Mendoza." Sigaw nung mag i-interview sa akin. "Come in please."

Tumayo ako at huminga ulit ng malalim. Papasok na ako ng room pero pinigilan ako bigla ni Dwayne. Hingal na hingal siya habang nakahawak siya sa kamay ko. "So.. Sorry.. kakatapos lang ng meeting namin." Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil hinahabol pa din niya 'yong hininga niya. "Good luck, ipapasa mo yan." Ngumiti siya sakin pagkatapos kinindatan niya pa ako.

Tama ako, mawawala talaga 'yong kaba ko kapag nakita ko na siya. Ngumiti ako pabalik sakanya tska ako pumasok sa room.

Isa sa mga bagay na natutunan ko sa interview, kapag tell me something about yourself na, wag mo ng sabihin 'yong mga bagay na nasa resume mo naman. Dapat eye to eye contact tska wag mag mumukhang scripted 'yong mga sagot mo kahit na matagal mo siyang pina-practice.

Syempre nag research na ako tungkol sa company tska sa mga bahay na gagawin ko kung sakaling matanggap ako.

Okay naman 'yong interview ko. Ayoko mag assume pero mukhang maganda naman 'yong naging resulta ng interview. Maghihintay na lang ako ng result after one hour.

"How was it?" Tanong agad sakin ni Dwayne. "Did you pass?"

Natawa ako sa tanong ni Dwayne. Alam naman niyang hindi agad agad ang resulta ng interview. "For me it's okay but I don't know the result yet, it will be posted after an hour."

"Alam ko naman na papasa ka kaya mag early celebration na tayo!" Hype na hyper siya akala mo naman talaga pasado na ako. "Come on master babe, wag kang kill joy dyan. Where do you want to eat? My treat." Sa energy ba meron siya for sure, hindi na ako makakatanggi.

"Pasta?"

Ang laki ng ngiti ni Dwayne. "Okay come on. I only have an hour."

Pumunta kami sa favorite kong restaurant na katapat lang ng office nila. Medyo nagutom ako kanina kaya ang dami kong nakain. Mas madami pa nga sana akong makakain kung hindi lang sana ako tinitignan ni Dwayne habang kumakain ako. Kahit anong gawin ko, na co-conscious ako. Kakaiba kasi siya tumingin.

"Are you excited to work with me?"

"With you?" Tanong ko.

"I mean, with us." Medyo namula 'yong pisngi niya at mukhang nahihiya pa siya. "Uhm, sorry."

"Syempre excited akong mag work sa inyo pero 'yon ay kung papasa ako."

Hinawakan ni Dwayne 'yong kamay ko. "Keila, I know you will. Trust me, okay?"

Sabagay, feeling ko naman maayos ko nasagot 'yong mga tanong kanina. Hindi na ako makapaghintay sa result. Excited na akong mag work. Baka ito 'yong maging way para tuluyan ko nang makalimutan 'yong sakit na dulot ng pagsasara ng cafe ko. Hanggang ngayon kasi masakit pa din siya sa akin. Miss ko na silang lahat lalo na si Aly at Mommy Karen. Kamusta na kaya sila? Hindi ko pa sila nakakausap.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon