Chapter 31

583K 21K 15.2K
                                    

Chapter 31

Bumitiw na ako sa mga halik niya. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga ginawa niya at sa mga sinabi niya.

"Keila, mahal na mahal pa din kita." Pag-uulit ni Kean. "'Yan ang totoo."

Nakatingin lang ako sakanya habang siya seryosong nakatingin sakin. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko.

"Wala ka bang sasabihin?" Tanong niya. "Mahal mo pa din ba ako?"

Mahal ko pa ba siya?

Sa nangyari ngayon masasabi ko na, mahal ko pa pala siya. All this time, naging in-denial lang ako pero mahal ko pa din pala siya. Kaya hindi ko maibigay ang puso ko sa iba kasi nasakanya pa din 'yon, hanggang ngayon.

Gusto kong sabihin sakanya 'yon pero naisip ko ang kapatid ko. Paano siya? Mahal pa din pala ako ni Kean pero bakit naging sila ni Dana? Niloko niya ba 'yong kapatid ko? Nakaramdam tuloy ako ng pag-kainis.

"Paano si Dana?" Umiwas siya ng tingin sakin. "Girlfriend mo siya tapos ako 'yong mahal mo? Okay ka lang ba? Anong ibig sabihin non, niloko mo siya?"

"Let me explain," hinila niya ako papunta sa upuan. Tinignan niya ulit ako sa mga mata ko. "Hindi totoo na girlfriend ko si Dana. Palabas lang 'yon para sa love team namin at para na din sayo."

"Para sakin?"

"Gusto kong magalit ka sakin, gusto kong ikaw na mismo ang kusang lumayo sakin dahil sa tuwing napapalapit ka sakin, palagi ka na lang napapahamak." Hinawakan niya ang mukha ko. "Keila, hindi ko kayang makita na napapahamak ka lalo na ng dahil sakin." Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "Mahal na mahal kita, Keila."

"Kung 'yon pala ang gusto mo bakit ngayon sinasabi mo nang mahal mo ako? Bakit nagbago ang isip mo? Bakit sinasabi mo na sakin ang lahat ng 'to."

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Sobrang tagal na panahon na nang huli niya akong yakapin ng ganito.

"Ang tagal ko nang pinipigilan ang sarili ko. Tiniis ko na wag kang lapitan, na wag kang yakapin, na wag halikan at ang tagal kong tinatago sa puso ko ang katotohanan na mahal na mahal kita."

Humarap siya sakin at nagulat na lang ako may mga luha ng pumapatak sa mga mata niya.

"Keila, handa akong mag sakripisyo para sayo dahil ganon kita kamahal. Alam mo bang ang sakit sakit kapag nakikita ko na kasama mo si Dwayne? Para akong dinudurog pero ang mas masakit don, 'yong wala akong magawa kasi mas kaya ka niyang protektahan kaysa sakin. Mas maayos ang buhay mo kapag siya 'yong kasama mo. Mas sasaya ka sakanya."

Hanggang ngayon umiiyak pa din siya at ramdam na ramdam ko 'yong sakit na nararamdaman niya ngayon. Hindi ko na din tuloy maiwasan na maiyak. Hindi ko alam na ganito pala 'yong nararamdaman ni Kean. Ang dami na pala niyang ginawang sakripisyo para sakin. Hindi ko man lang napansin 'yon. Ganon nga siguro talaga ako kamanhid. Hindi ko man lang nakita na nasasaktan na pala siya.

"Kaya wala ako kanina kasi nag isip-isip ako. Ang daming pumapasok sa isip ko, Keila. Nang mawalan ka ng malay, takot na takot ako na baka mawala ka na ng tuluyan sakin." Pinunasan niya ang luha sa mata niya at hinawakan niya ako. "Kaya ko 'to sinasabi ngayon kasi naisip ko na hindi ko pala talaga kaya na wala ka. Keila, ayokong tuluyan ka nang mawala sakin."

Hindi ako nagsasalita. Hinahayaan ko lang siya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"Ang hirap para sakin na sabihin na hindi kita mahal, alam mo ba 'yon? Nang tumalikod ka sakin kanina, pakiramdam ko habang buhay ka nang mawawala sakin kaya hinabol kita at sinabi ko na ang totoo."

Biglang nagkaroon ng katahimikan. Pareho lang kaming nakatingin sa mata ng isa't-isa. Magsasalita na sana ako pero bigla na lang lumuhod sa harapan ko si Kean.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon