Chapter 41

593K 17.8K 5.2K
                                    

Announcement

Pagmulat ko ng mata ko, akala ko panaginip lang lahat ng nangyari kagabi pero hindi. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Kean sa luma nilang bahay at suot-suot ko ang ben ten na t-shirt niya. Umupo ako at inabot ko ang tray na may sandwich, pancake at hot chocolate at may isang pirasong rosas pa.

Good morning to the most beautiful girl.

Napangiti agad ako sa note niya. Kahit kailan talaga, palagi niya akong napapangiti kahit sa maliit na bagay lang.

"Hungry?"

Napahawak ako sa dibdib ko sa pagkagulat.

"How's your sleep, babe?"

Ngumiti ako habang inamoy ko ang rosas na binigay niya. "Kasing ganda ng rosas na 'to ang tulog ko."

Tumabi siya sakin at agad niya akong niyakap. "I miss hugging you." Inamoy niya ako at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "I miss you so much, Keila Jin."

"Talaga? Palagi mo nga akong hindi pinapansin, eh." Pang-aasar ko. "When I'm seeing you, it seems like I'm nothing."

Sinamaan niya ako ng tingin at nag pout pa siya na parang bata. "You're my everything, babe." Hinawakan niya ang mukha ko at tumingin siya diretso sa mata ko. Nakita ko na naman ang mala tsokolate niyang mata. "Kung alam mo lang. I'm dying to be with you every day but I don't want you to get in trouble because of me. Ang hirap mag panggap na parang wala ka lang sakin. Ilang beses ko nang nasaktan si Dwayne sa isip ko dahil sa pagiging malapit niya sayo. Ang hirap pero kinakaya ko para sa'yo."

Hinawakan ko ang kamay niya na hanggang ngayon ay nakahawak pa din sa mukha ko. "Thank you, Kean. Thank you for your sacrifices. Thank you kasi pinili mo pa din na bumalik at ipaglaban ako."

"Hindi mo kailangan magpasalamat, Keila. 'Yon naman talaga ang kailangan kong gawin, eh. Patawarin mo ako kung kailangan mo pang umiyak at masaktan. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako bumalik. Naging duwag ako pero wag kang mag-alala, ipaglalaban kita kahit na ano pang mangyari." Inilapit niya sakin ang mukha niya at hinalikan niya ako sa noo ko. "I love you, babe."

Bigla na lang tumunog ang tyan ko dahil sa gutom. Tumawa si Kean pero tinignan ko agad siya ng masama kaya nag peace sign siya sakin. "Let's eat? I'm hungry." Pag-aaya ko.

Pagkatapos naming kumain, nagpalit lang ako ng damit ko at hinatid na niya ako pauwi.

Pagdating namin sa bahay, saktong naabutan namin si Cloud na nakatayo sa pintuan at umiinom ng kape. Tinignan niya agad kami ng masama.

Paglapit namin sakanya hindi siya nagsalita.

"Good morning, Cloud." Bati ko.

"So you're with Kean now?" Iritable niyang tanong. "What happened?"

"It's a long story but yeah we're back together." Sagot ko.

Matagal kaming nagkatitigan. Maya-maya tinignan niya ng masama si Kean. "Isa lang naman ang sasabihin ko sa'yo, Kean. Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko dahil kapag 'yan nakita kong umiyak dahil sa'yo, mangheheram ka ng mukha sa aso. Naiintindihan mo?"

"Bro,kahit hindi mo pa sabihin ang mga 'yan, hindi ko sasaktan si Keila."

"Good."

Hindi na siya nagsalita at pumasok na lang siya agad sa loob. Kahit kailan talaga, ang over protective sakin ni Cloud.

"Mas nakakatakot siya ngayon, ah." Singit ni Kean. "Wag kang mag-alala, hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit."

"Parte na ng relasyon ang minsan nagkakasakitan kayo pero ang mahalaga naman matabunan ng kasiyahan at pagmamahal ang lahat ng sakit."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon