Chapter 6

749K 25.5K 6.6K
                                    

Late night visit


"Hindi mo ba ako papapasukin?"

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Nakatingin lang ako kay Kean na pakiramdam ko nagmumukha na akong tanga sa harapan niya. Ano bang nangyayari sakin?

"Ayos ka lang ba?"

"Oo," Finally, nakapagsalita na ako. Ano ba kasing nangyayari sakin? "Sorry pero close na talaga kami, naiwan ko lang na open 'tong sign. Bumalik ka na lang sa susunod." Sinubukan kong isara ang pintuan pero hinarang ni Kean 'yong kamay niya. Ano bang ginagawa niya? Nababaliw na ba siya? "Ano ba?"

"Sige na last call, nagugutom na ako." Pinagbuksan ko siya ng pinto. Ibang Kean pa din 'yong nakikita ko ngayon. Hindi pa din siya 'yong katulad ng dati pero kahit papaano may nakikita na akong emosyon na sa mukha niya sa tuwing titignan niya ako. Dati kasi sobrang cold niya kapag tumitingin siya sakin. "Kasalanan mo naman, iniwan mong open 'tong sign mo."

"Ano?!" Ako pa talaga 'yong sinisi niya? Pwede bang nagkamali lang ako? "Sarado na nga kasi kami kaya--" pinutol niya agad 'yong susunod na sasabihin ko.

"Bitter ka pa din ba sa nangyari satin kaya ayaw mo akong papasukin?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Eh bakit naman ako magiging bitter? "Ikaw naman nakipag break sa ating dalawa so dapat hindi ka na affected sa presence ko."

"Sino bang nagsabi na affected ako? Hindi, noh." Ngumisi siya. Ano bang problema ng lalaki na 'to? Inaasar niya ba ako? Hindi siya nakakatuwa.

"Bakit hindi mo ako papasukin? Customer pa din naman ako." Ayaw niya talagang tumigil. "Ano?" Mukhang hindi niya talaga ako titigilan.

"Sige na pumasok ka na nga."

For the first time since nag break kami, ngayon ko lang siya nakitang ngumiti. Bigla na lang tuloy bumilis 'yong tibok 'yong puso ko. Keila, umayos ka.

Umupo siya sa table sa tabi ng bintana. Binigyan ko siya ng menu. Nakatayo lang ako sa gilid niya habang hinihintay ko siyang mag order. Medyo overwhelmed pa din ako sa mga nangayayari. Pakiramdam ko hindi totoo lahat ng 'to. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na pupunta siya dito. Kung umasta pa siya parang wala lang nagyari samin. Hindi ko din alam kung paano ko siya papakisamahan. Ayokong isipin niya na bitter ako. Hindi naman kasi talaga ako bitter. Nagulat lang ako sa pagdating niya.

"Spicy chicken na lang." Sambit niya. Pareho pa talaga sila ni Dwayne ng order. "Thank you." Kinuha ko sakanya 'yong menu pagkatapos pumunta ako sa kusina.

Pinagmasdan ko si Kean mula dito. Cool lang siya habang naghihintay. Nakatingin siya sa labas at mukhang malalim ang iniisip niya. Naguguluhan pa din ako. Bakit ba siya nandito? Alam naman niya na cafe ko 'to at bakit ko din naman kasi siya pinapasok? Ang bilis ng mga pangyayari.

Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang text ni Dwayne.

Running a little late, I'm still doing some paperworks. Sorry, I'll be there in thirty minutes.

Sa lahat ba naman ng pagkakataon ngayon ka pa na late, Dwayne. Huminga na lang ako ng malalim. "Pinaglalaruan mo na naman ako tadhana." Bulong ko sa sarili ko.

Tinabi ko muna 'yong pagkain ni Dwayne tska ko niluto 'yong kay Kean. Ten minutes lang luto ko na siya. Dinala ko agad siya sa table ni Kean. "Here's your order." Pagkalapag ko pa lang ng pagkain sa table, tumalikod na agad ako.

"Keila sandali, pwede mo ba akong samahan kumain?" Hindi ako lumingon sakanya. Bakit ko siya sasamahan? Normal ba na samahan ng may-ari ang customers nilang kumain? Hindi naman, 'di ba? "Gusto din kitang makausap." Napataas ang kilay ko dahil sa sinavibi niya. Hinarap ko siya at tumingin ako sa mata niya. Seryoso 'yong mga tingin niya sakin. Umupo na lang din ako sa harapan niya.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon