Chapter 28

605K 22.4K 12.5K
                                    

Presscon

Agad akong nag drive papunta sa hospital. Hindi ko maipaliwanag 'yong nararamdaman ko pero alam kong masaya ako. Ito naman 'yong pinagdadasal ko sa Diyos, na sana gumising na si Dana.

Habang nag di-drive ako, tumawag sakin si Dwayne. "Good morning, Keila. Nasa bahay ka ba? Gusto sana kitang gawan ng breakfast, eh." Bungad niya.

"Sorry Dwayne pero wala na ako sa bahay. Gising na daw kasi si Dana kaya papunta na akong hospital ngayon."

"Talaga? Sige susunod na din ako sayo. Mag i-ingat ka ha?" Sambit niya. May mga sinasabi pa siya sa huli pero hindi ko na masyadong narinig pa. "See you later."

Pagdating ko pa lang sa labas ng kwarto, ang dami nang media. Hindi ko alam kung paano ako makakapasok. Buti na lang nakiya ako ni Kean. Hinila niya ako papasok don. "Next time, magsuot ka ng eye glasses para hindi ka nila agad makilala." Pangaral pa niya.

Hindi naman ako sanay sa ganitong buhay, eh. Sana nga matapos na 'to.

Nakita kong nakaupo si Dana habang kausap niya ang Mommy niya. Napatingin siya sa amin ni Kean at bigla siyang ngumiti. "Keila!" Sigaw niya. Lumapit agad ako sakanya at niyakap siya. "I miss you, Keila."

"I miss you too, Dana." Tinitigan ko siya at mukhang okay na naman siya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ko. Lumapit siya sakin at umiyak.

"I can't move my legs." Patuloy pa din siyang umiiyak sa balikat ko. "Hindi ko alam kung makakalakad pa ako, Keila. I'm so scared. Ayokong maging lumpo."

"Hindi, hindi ka magiging lumpo. Gagaling ka din agad. Wag ka na umiyak, okay?" Pinunasan ko ang mga luha sa mata niya. Mukhang alalang alala talaga siya sa mga paa niya. "May sinabi na ba ang doktor tungkol dito?" Tanong ko.

"Wala pa," singit ng Mommy ni Dana. "We'll find out soon." Mahinahon lang siya magsalita pero hindi ko pa din maiwasan matakot sakanya.

"Tinawag ko na ang doktor at papunta na siya dito." Sambit ni Papa. "Salamat sa pag punta mo dito, anak."

Kasabay ng pag dating ng doktor ang pagdating ng manager ni Dana na si Rave. Tinignan ng doktor ang mga papa ni Dana at kinumpara 'yon sa result na nakuha nila. "We can treat this, Dana. Don't worry about it but I won't allow you to do any tapings for three months. You should do therapy on that time."

Parang nabunutan ng tinik si Dana pero kita pa din sa mukha niya ang pagkalungkot. Niyakap agad siya ng mommy niya at sabay silang umiyak. "Everything is going to be okay, anak." Sambit niya.

Pag labas ng doktor, kinausap kami ni Rave. "Dana, gusto kong sabihin sayo na pinalitan ka muna ni Keila sa role mo." Nagkaroon ng katahimikan. Nakatingin lang ako kay Dana at hinihintay ang sagot niya. "I hope you're okay with that?"

Tinignan niya ako pagkatapos tinignan niya din si Kean. Kinabahan ako bigla. Baka kung anong isipin ni Dana at magalit siya. Baka hindi siya payag sa lahat.

"I'm good with that," sambit niya. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. "Keila, gusto mo talagang gawin 'to? Baka kasi napipilitan ka lang. Kung hindi mo kaya, okay lang naman. Kakausapin ko 'yong management." Nag-aalala niyang tanong.

Si Rave na ang sumagot para sa akin. "You don't have to worry about her. She's actually good at maganda ang feedback sakanya ng mga tao."

Tinignan ako ni Dana at mukhang hinihintay niya pa din ang sagot ko. "Okay lang sakin Dana. Para naman sa'yo 'to, eh. Isa pa ayoko din naman na mawala 'yong character mo sa series. Kapag okay ka na, aalis na din naman ako."

"Are you sure?"

"Wag ka mag-alala. Madami naman tumutulong sakin sa set at isa pa nag e-enjoy naman ako kahit papaano."

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon