P R O L O G U E

50.7K 1.2K 123
                                    

Cold's POV

Bago pa makalipad ang private plane na sinasakyan ko ngayon ay may nareceive akong text message. Binuksan ko naman agad ang cellphone ko at tinignan kung sino ang nag text.

Si dad pala. Nabanggit ko na lang sa sarili ko ng makita kong si dad ang nagtext sa akin. Binuksan ko ang message at binas ako ito.

Princess natunugan na nila na pupunta kang Australia at inaabangan ka nila dun so 2nd option nalang don't worry alam na ng mga pilot kung saan. I love you Princess and be safe.

From: Dad

Talagang updated sila saakin, lahat alam nila. Bantay sarado ang mga kilos ko. Well, what do I expect?

Pumikit na lang ako at sumandal sa kinauupuan ko pero napamulat din ako agad ng magsalita si butler James.

"Ma'am sabi po pala ni sir---" Hindi na naituloy ni butler James ang sasabihin niya dahil nagsalita ako.

"Oo alam ko na nagtext siya" Sabi ko at hindi man lang siya binigyan ng sulyap.

"Nagtext po siya?" parang inosenteng tanong ni butler James.

"Ay hinde hinde tumawag, nagtext nga diba." pilosopo ko namang sagot sakanya.

"Tumawag po ma'am?" Napatingin ako ng malamig sa kanya dahil sa sagot niya at nakita ko naman ang paglunok niya.

"Hehe alis na ako ma'am, ang cold niyo talaga." At tuluyan na ngang umalis si butler James.

Tss, napaka slow talaga ni Butler.

Cold? Ako? Natural lang dahil pangalan ko yun. I am Iseah Coldeigh M. Park at tulad nga ng sabi ng lahat, I'm cold like my name.

Walang rason ang pagiging cold ko, sadyang noong nagpasabog si Papa God ng kalamigan eh nagdala ako ng isang drum at nasalo ko lahat 'yon.

Kaya ako aalis ng bansa ngayon ay dahil sa mga kalaban namin. Ilang taon na akong palipat lipat ng bansa dahil sa dami ng gustong pumatay sa akin. Bakit? Dahil sa titulong meron ako. Ang Rank 1 sa lahat ng organisasyon.

*yaawwn*

Napahikab ako at nakaramdam ng antok kaya ipinikit ko uli ang mga mata ko. Itutulog ko na lang ang biyahe na 'to.

*****

" Ma'am gising na po. " Naalimpungatan ako dahil sa boses ni butler.

Minulat ko ang mga mata ko at nakalapag na nga ang jet na sinasakyan ko. Mabilis naman akong tumyo ay kinuha ang isang backpack ko at saka naglakad palabas ng eroplano.

Pagbaba ko hinangin agad ang blonde kong buhok. Yap blonde ang buhok ko pero natural yan, half american ako.

Napakunot ang mga noo ko ng makita ang paligis. Asan kami? Ba't ang init dito?

" Butler where are we? " tanong ko habang tinatakpan ang mata ko mula sa sinag ng araw.

" Ma'am MABUHAY!!! WELCOME TO PHILIPPINES WHERE IT'S SUNNY EVERYDAY! " masayang sabi ni butler with matching taas kamay pa.

So Philippines eh?

Well, it's good to be back.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now