35: Ano?!

21.9K 599 14
                                    

Ano?!

Imaginine niyo nalang po na blonde si Sandara dun sa pic!

Ian's POV

Sino kaya ang andito? Baka naman alien?

Hayy makapasok na nga lang para malaman. Sabay sabay kaming pumasok sa mga kwarto.

Pagsara ko ng pinto, nakita ko agad ang isang babaeng nakatalikod sakin habang nakahiga.

Ahm pano ko ba to gigisingin?

"Miss gising na." Pero walang effect.

Lumapit ako at tinapik lang ang balikat niya.

"Gising na po." Pero wala parin.

Niyugyog ko na siya para magising na pero kinuha niya ang kamay ko at inikot yun tapos idiniin ang mukha ko sa sahig.

"A-raay masakit! Bitawan mo ako miss!" sigaw ko at binitawan niya naman ako.

"Babaliin mo ba ang kamay ko?" Pagharap ko sa babae at nagulat ako ng malaman ko kung sino siya.

"Raeri/Ian?" sabay naming sabi.

"Sorry Ian sorry talaga akala ko kasi kung sino eh sorry talaga."

Ngayon alam ko na kung bakit nag goodluck si Cloud sa amin kanina.

Zach's POV

Pagbukas ko ng pinto nakita ko agad ang isang tulog na babae.

Nilapitan ko siya at narealize kong si Hazel to. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at tatapikin na sana siya ng bigla siyang nagmulat at hinead bat ako.

"Aww shit ang sakit!" Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit.

"Zach ikaw ba yan? Sorry nagulat lang ako sa mukha mo eh."

Hindi man lang ba siya nasaktan? Tsk tsk may bukol ako sa noo.

Kaizer's POV

Pagpasok ko nakita ko ang isang babaeng nakatalukbong at natutulog.

Anung gagawin ko? Ayun may alarm clock! Iriring ko nalang yun then boom gising na siya.

Nagring na nga yung alarm clock--- BLAAG!

Anong nangyari? Ayun kinuha nung babae yung alarm clock at saka itinapon ayun wasak tapos tumayo siya at sinipa ako sa tyan.

"Aray, kabayo ka ba?"

Parang di babae kung sumipa ang sakit talaga promise para isusuka ko yung laman loob ko!

"Ow Kaizer ikaw pala yan! Masakit ba? Sorry di ko sinasadya!"

Tinulungan niya naman akong makatayo. Nanghihina ako dahil sa ginawa niya!

Grey's POV

"Good aftern----"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko eh may nagliparang mga shuriken papunta sa akin at tumama ito sa damit ko.

Yung itsura na parang ipinako ako sa pader dahil nasama ako sa damit. Hindi ako makagalaw dahil ang dami ng shuriken na tumama sa damit ko.

Di ako makapagsalita. Tumayo yung babae at hinarap ako at nagulat ako dahil si yelo yun.

"Oh Abo ikaw pala yan good afternoon." Parang walang nangyari dahil ang kalmado niya magsalita.

Lumapit siya at basta basta nalang akong hinila mula sa pagkakadikit ko sa pader. Ano pa nga bang inaasahan. Gutay gutay ang damit ko dahil napunit nung hinila ako ni Cold.

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now