49: Accidents

17.8K 423 0
                                    

ACCIDENTS

Cold's POV

Maraming nangyari ngayong week na to. Siguro normal lang sa iba dahil hindi sila aware pero para sa amin lantaran na ang kapahamakang dinadala nila.

Kumikilos na nga talaga si Alexius at ginagamit nila sila Grey para mapatumba kami pero sinisigurado kong hindi sila nagtatagumpay.

Lagi namin silang binabantayan dahil maraming pwedeng mangyari.

FLASHBACK

Pauwi na kami dahil galing kami sa mall, napagtripan kasi nilang magliwaliw lang.

Nasa parking lot na kami ng biglang may sasakyang mabilis ang takbo at papunta ito sa direksyon namin ngayon.

"Tabi!" Sigaw ni Andrea.

Agad agad kong hinila si Grey at nagpagulong gulong kami. Ganun din sila Raeri, Hazel at Ailee.

"Hoy tarantado ka ah!" sigaw ni kuya pero hindi man lang tumigil yung sasakyan bagkus ay mas tumulin pa ang takbo nito hanggang sa makatakas ito.

Tumayo ako agad at saka napahawak sa bewang ko kung saan naroon ang baril ko. Gusto kong ilabas ito pero alam kong mas gugulo lang ang lahat kapag inilabas ko ito kaya bumuntong hininga na lang ako at saka ibinaba ang kamay ko.

"Grey okay ka lang ba?" tanong ko kay Grey ng makabangon siya mula sa pagkakatumba.

"Oo ikaw Iseah my labs, okay ka lang ba?" balik na tanong niya naman sa akin.

"Oo." Bwisit ka Alexius. Talagang seryoso ka sa mga banta mo.

END OF FLASHBACK

Meron pa nga minsan na may mga humarang kay Raeri at Ian habang magkasama sila.

ANOTHER FLASHBACK

Raeri's POV

Andito kami ngayon ni Ian sa isang park dahil may date kami.

"Raeri tara iuwi na kita maggagabi na." At saka tumayo si Ian mula sa pagkakaupo sa bench kaya napatayo na rin ako.

"Sige hayy gutom na rin ako." Ako

Nagsimula na kaming maglakad ng may mga humarang sa amin. Sampu sila ng bilangin ko at base sa mga itsura nila mukhang hindi sila andito para magpahangin lang. Mukhang andito sila para gumawa ng masama.

"Sino kayo?" seryosong saad ni Ian at saka hinawakan ako ng mahigpit.

Shit, mga tauhan 'to ng DSM. Tsk, wrong timing sila.

"Ian umalis na tayo." madiin kong usal sakanya at napatingin lang si Ian sa akin.

"Wala na kayong takas." sabi ng isa sakanila.

Baliktad naman ngayon, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Ian at saka sumigaw.

"TAKBO!"

Takbo lang kami ng takbo at nakasunod pa rin naman sila. Kumuha ako ng shuriken sa bulsa ko at habang nakatalikod si Ian ay pinagbabato ko sila.

Natamaan ko naman sila pero hindi lahat. May nakita akong maliit na space at sa tingin ko ay kasya si Ian doon.

"I'm sorry Ian." bulong ko at pinalo siya sa batok kaya natumba siya.

Hinila ko siya at inilagay sa espasyong nakita ko. Madilim naman kaya hindi siya makikita.

Paglabas ko ay nakita ko na yung mga natitirang kalaban. Medyo lumayo ako at nag-abang sa kanila.

Nangg makita ko na sila pinagbabaril ko sila at ng maubos ko sila ay binalikan ko si Ian dun at kinarga hanggang sa park uli.

"Ian gising na." Nagising naman siya sa pagtapik ko.

"Asan na yung mga lalake?" Taranta siyang bumangon at saka luminga linga sa ibat ibang direksyon.

"Anong pinagsasabi mo? Nakatulog ka kaya, nanaginip ka lang ata. " pagrarason ko naman at nakita ko ang pagseryoso niya. Kumunot pa ang noo niya at parang nag-iisip pa siya.

Sana gumana yung palusot ko.

"Talaga? Akala ko totoo." Nakahinga naman ako ng maluwag ng ngitian niya ako.

END OF FLASHBACK

Cold's POV

Pati kila Hazel at Ailee meron ding nangyari.

May sniper na tinatarget si Zach at nakita 'yon ni Hazel. Napansin niya kasi ang red na laser na nakatutok sa puso ni Zach kaya hinarang niya ang paa niya para madapa si Zach. Saktong pagkadapa niya ay tumama yung bala sa isang upuan ng caf.

Yung kay Ailee naman ay muntik makidnap si Kaizer. Buti nalang at nakita niya agad at nahila niya si Kaizer mula sa van ng kalaban.

Lahat ay sinadya at si Alexius ang may gawa. Doble ingat kami ngayon at bantay kila Grey dahil baka may mangyari sa kanila.

"Iseah my labs ang lalim ata ang iniisip mo." Nagulat ako ng magsalita si Grey sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko.

"Wala, tara na mag lunch na tayo."

Tumayo na kami at pumuntang cafeteria para kumain.

Kailangan kong maging alerto sa lahat ng oras para sa mga pwedeng mangyari. Alam kong nagdududa na rin sila pero it's not the right time to tell them about us.

It's not the right time for them to know who we really are.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon