21: Friend Request

23.6K 656 14
                                    

FRIEND REQUEST

Hello readers! I just wanna say 'Happy Birthday to me!' February 27!

Eeksena lang ako!

Cold's POV

Anong oras na pero hindi pa rin kami natutulog dahil hinahanap pa rin namin ang poser ko.

"Empress!!!" sigaw ni Rae.

"Oh?" Habang nakatingin sa laptop ko.

"May nagfriend request sayo!" Huh? Friend request?

"Huh? Ano yan?" taka kong tanong at saka siya binigyan ng nagtatakang tingin.

"Facebook yan emp, ginawan ka namin ng account at nagfriend request sayo si Grey." page explain naman sakin ni Hazel.

Kinuha ko naman ang laptop at tinignan 'yon. Ang cover photo ko ay nakapokerface ako at yung apat ay nakapose. Kuha ito ng nagpicture picture kami nila Andrea, Rae, Hazel at Ailee sa kwarto noong Official School Ranking event. Yung profile ko naman ay picture ko habang tulog ako.

Bago ko inaccept ang friend request niya, vinew ko muna ang account niya at nagulat ako ng makita ang post niya.

Pero imbes na maasar ako, ewan ko ba kung bakit pero parang okay lang sakin.

Nagscroll ako at binasa ko ang mga comments.

[Ang pangit niya naman!]

[Mas bagay tayo!]

[Mas bagay ko ang blonde.]

Wala naman sigurong masama kung magcomment ako diba? Kaya nagtype ako sa laptop.

[Kung pangit ako anong tawag mo sayo?]

[Sabagay bagay mong magblone magmumukha kang baklang ita. Ang itim mo kasi.]

Matapos akong mag comment ay nagpaalam na akong aakyat na ako sa kwarto. Hawak ko pa rin ang laptop ng makaupo ako sa higaan ko at bago ako natulog ay pinindot ko muna na ang accept button.

KINABUKASAN

Naghahanda kami ngayon para pumunta sa Underworld Arena. Ito ang lugar kung saan lahat ng mga gangsters ay nagtitipon at kung saan sila naglalaban.

Nahack kasi namin ang Gangster site at nakita doon na dun lagi pumupunta ang impostor ko.

Naka all black kami ngayon at mukha kaming mga ninja. Meron rin kaming itim na mask pero ilong at bibig lang ang natatakpan.

Matapos naming maghanda ay sumakay kami sa kanya kanya naming mga motor at nagdrive papunta sa Underworld Arena.

Pagpasok namin ay may nagaganap na agad na laban kaya naupo na kami sa sulok para magmasid muna.

After one hour, wala kaming nakitang ni anino ng impostor ko kaya tumayo na kami at tumalikod na para umalis ng biglang tumahimik ang paligid.

Tinignan ko ang mga audience at nakatingin silang lahat sa iisang direksyon at mababakas ang takot sa mga mata nila.

Tiningnan ko ang tinitignan nila and there I saw the bitch. Bumalik kami sa pagkakaupo para bantayan ang mga kilos niya.

Naka mask rin siya tulad nung akin at ilong at bibig lang rin ang natatakpan.

"Who wants to fight with me?" mayabang niyang sabi ng makarating siya sa bilog na ring na nasa gitna.

Tinignan naman ako ni Ai, Haze at Rae at binigyan ko lang sila ng isang iling at muling itinuon ang tingin ko sa harap.

"Tss cowards! Sabagay mahihina naman kayo." Fallen Angel Wannabe

Ang layo ng pigyura ko sa kanya. Yung height lang siguro ang parehas pati yung katawan pero mas sexy ako.

Hindi ko muna siya gagalawin. Sapat na sakin ang makita siya ng personal ngayon, sunod kong aalamin ang motibo niya sa panggagaya sa akin bago ko siya tuluyan.

Tumayo na ako kaya sumunod naman sila. Napansin ata ni Fallen Angel Wannabe ang pagtayo namin kaya napatingin siya parte sa amin.

"At sinong may sabing pwede kayong umalis?" Napatigil kami sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Hindi kami nagsalita at nagderederetso lang uli sa paglalakad.

"I'm talking to you, kaya harapin mo ako!" sigaw niya pero wala lang kaming pakealam.

Naramdaman kong may ibinato siya pero walang kahirap hirap ko lang itong sinalo at ibinalik sa kanya habang nakatalikod.

"No one dares to command me. Do it again and you'll face the worst devil in me." malamig kong sabi at lumabas na ng Underworld Arena.

Fallen Angel Wannabe's POV

Hindi ko inaasahang maibabalik niya yun sa akin at nadaplisan pa ang tenga ko kaya napahawak ako sa tenga ko dahil sa hapdi.

Who the hell is she? Ang lakas naman ng loob niya para kalabanin at bastusin ako.

"What are you all looking at? You wanna die?" pananakot ko sa mga andito dahil nakatingin sila sa akin habang nagbubulungan.

Nagiwasan naman sila ng tingin at naglakad ako paalis. Tss badtrip! Nawalana ako bigla ng gana para makipaglaban. Pag nakita ko talaga ang babaeng 'yon papatayin ko siya.

Pagpasok ko sa kotse ko ay inalis ko na ang maskara ko.

"But it really feels good to be her." sabi ko habang nakatingin sa sarili kong repleksyon.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now