37: Screams

20.9K 535 34
                                    

SCREAMS

Cold's POV

Katatapos lang namin magmeryenda at nainterview na rin namin si manong Erny.

"Manong Erny pwede po ba naming libutin itong mansion para mavideo naman namin yung lugar." pagpapaalam ni Raeri.

"Ah okay lang naman basta ingat ingat lang ha baka maligaw kayo, medyo malaki laki rin ang mansion at maraming pasikot sikot." paalala naman ni Manong Erny.

"Ah sige po salamat po." At umalis na nga si manong Erny dahil may gagawin daw siya.

"So gawin na natin yung project natin." Hazel

Nilabas na nila yung mga vid cam nila. Kaming girls lang ang nagdala so by partner para lahat makuha.

Ako at si Abo, Ian at Raeri, Kaizer at Ailee, Zach at Hazel, Shawn at Andrea and Kuya at Allyssa. Sama sama kaming maglilibot para walang mawala sa amin at walang maligaw.

"Tara sa kusina na muna tayo."

Nagumpisa na kaming magvideo video.

"Ang kusina ng mansion ay merong mga antique na mga bagay. Tulad nalang nitong mga upuan, lamesa, kutsara, tinidor, plato, baso at marami pang iba." Andrea

"Nangangalawang na nga eh." bulong ni Ian.

"Antique nga diba! Syempre luma na yan no!" Raeri

Nagulat lang kami ng biglang nahulog yung baso sa tabi ko.

"Hindi ko ginalaw promise." Tinaas ko pa yung kamay ko.

"Eh bakit nahulog?" kabadong tanong ni Grey.

Tapos nagsigalawan yung mga kutsara at tinidor. Sunod na gamalaw yung mga kutsilyo?!

"Takbo!" sigaw ko.

Hinila ko agad ang kamay ni Abo at nagsiliparan yung mga kutsilyo. Tumakbo lang kami ng tumakbo hanggang sa makalayo na kami.

"M-muntik na tayo dun." hingal na usal ni abo.

"Nahiwalay tayo." Napansin ko kasing kami na lang ang magkasama at wala na ang iba.

Hindi ko alam kung saang part kami ng mansion pero may mahabang hallway at mga magkakaharap ng pinto.

"Tara." yaya ko sakanya at nagumpisa ng maglakad pero napatigil ako ng hindi ko mahila ang kamay niya kaya nilingon ko siya.

"Ihhh ayoko na Yelo baka mamaya lumilipad na kama na ang makita natin eh." reklamo ni abo.

"Okay sige maiwan ka jan." Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na sa hallway.

"Sige na sasama na wag mo lang ako iiwan." Tapos hinawakan niya uli yung kamay ko.

"Sige na sasama na ako wag mo lang ako iiwan."

"Sige na sasama na ako wag mo lang ako iiwan."

"Sige na sasama na ako wag mo lang ako iiwan."

Parang double meaning yung sinabi niya. Tss, bahala na nga.

"Tara na." Abo

"Ah sige."

Nagumpisa na kaming maglakad at ang higpit ng pagkakakapit niya sa akin. Nagvivideo uli ako para naman may sense pa rin ang paglalakad lakad namin dito.

*Eeeeennnnnkkk*

Napatigil kami ng mag bukas yung pinto sa both side namin tapos biglang parang may humila sa amin sa loob at nabitawan namin ang isat isa. Ako sa may left room at siya dun sa may right.

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now