30: Scare Prank

23.6K 651 22
                                    

SCARE PRANK

Cold's POV

After 25 mins, nakabalik na siya dala ang mga pagkain ko.

"Ano bati na ba tayo?" sabi niya habang hinihingal siya at saka pinakita ang mga pinamili niya.

"Oo." Nilapag na niya sa harap ko ang mga pagkain at inumpisahan ko na itong lantakan.

Umupo lang siya sa upuan sa tabi ko.

Sarap talaga kumain.

Natapos na ako kumain at hawak ko na ang ice cream ko ng mapatingin ako kay Abo. Antahimik niya kasi bigla at nakatulog na pala siya at nakapatong ang ulo niya sa gilid ng kama.

Binaba ko sa table ang ice cream ko ng may maisip ako. Kinuha ko ang phone ko sa table at pinicturan siya.

100+ na ata ang nakukuha kong shots. Tinigilan ko na dahil nagmumukha akong stalker ni abo sa kapipicture sakanya. Imbes na exit ang mapindot ko ay aksidente kong napindot ang switch to front cam.

Nagulat ako ng makita ko ang sarili kong nakangiti. Isang malapad na ngiti.

Feeling ko mapupunit na ang mukha ko sa ngiti ko. And unconsiously pinicturan ko ang sarili ko. Tinignan ko ang picture at sinuri ito ng mabuti. Talaga ngang nakangiti ako kaya crinop lang ang bibig kong nakangiti. Remembrance, baka ito na ang huling beses na ngingiti nanaman ako.

But this is a new feeling.

Binuksan ko ang facebook ko at pinost ang pic na bibig ko lang ang kuha. Para kung sakaling masira man ang phone ko, may ebidensya pa rin na ngumiti ako.

Wala pang five mins, maraming naglike at nagcomment.

Ms Cold kayo po ba yan?

Naiimagine ko palang po na nakangiti kayo eh ang ganda niyo po!

Lagi po kayong ngumiti ms Cold! Bagay niyo po kasi!

Puro compliments ang comment nila.

Binaba ko na uli ang phone ko at kinain na ang ice cream ko bago pa matunaw.

Ako ngingiti lagi? Yung kanina nga lang hindi ko ineexpect eh.

Humarap ako sa salamin at sinubukan uling ngumiti pero nagmumukha lang akong nagpipigil ng tae.

Hay makakain na nga lang uli.

Alas tres palang ng hapon at walang magawa.

Ano kayang pwedeng gawin? Gusto ko sana yung may thrill.

Light Bulb!

Sorry Grey pero kailangan mong makipaglaro sa akin ngayon. Sigurado akong manginginig ka sa takot.

A smirk formed on my lips, a one hell of an evil smirk.

Grey's POV

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang kalabog ng sliding door dahil siguro sa lamig ng hangin. Pero ang nakakapagtaka walang ilaw. Gabi na siguro dahil madilim na rin sa labas. Nakatulog pala ako.

Lumingon lingon ako pero wala si Yelo sa loob. Tinaas ko ang kamay ko para magunat pero parang nanigas na ang buo kong katawan ng marinig ko ang mapanindig balahibong pagbukas ng pinto ng cr.

Lord wag naman po sanang ganito. Maawa naman po kayo sa gwapong katulad ko. Isa po akong malaking kawalan sa mundong ito.

T^T Ang lakas ng kabog ng dibdib ko yung para bang feeling ng mga kinikilig pero iba yung akin eh. Aatakihin na ata ako sa puso sa dahil sa matinding takot.

Parang gusto ko yatang bumalik sa sinapupunan ng nanay ko!

Cold's POV

Planado ko na lahat ng mangyayari at handa na rin ang lahat. Sinilip ko ang orasan at oras na para maglaro. This will be fun.

Pinatay ko na ang ilaw at nagtago sa balcony. Sinadya kong medyo igalaw ang sliding door para umingay at umayon nga ang nangyari sa plano ko.

Nagising si Abo at naginat pero napatigil  siya bigla at dahan dahang lumingon sa nagbubukas ng pintuan ng cr.

Nagbukas yun dahil naglagay ako ng manipis na manipis na sinulid at tinali yun sa door para ma manipulate ko siya.

Mukha siyang tanga dahil nakataas parin ang kamay niya at pinagpapawisan na.

Sunod ko namang hinila yung tali sa doll shoe na puti. Ang labas ay parang may naglalakad na sapatos sa sahig..

Maputla na ang mukha niya pero di pa ako tapos abo.

Hinila ko naman na yung bola at nagstop ito mismo sa paa ni abo. Nanginginig ang mga kamay niya at maraming beses na siyang lumunok.

Kinuha ko na ang remote at binuksan ang tv pero walang nagpapakita dahil inalis ko lahat ng nakaconnect sa tv. Plinay ko ang recording.

"Tara laru tayo."

Tapos binitiwan ko na ang huling tali at may nahulog sa harap ni Abo na life size doll pero binihisan ko para mag mukhang nakakatakot. Yung itsura niya parang nakabigti.

Dahil dun eh nahulog sa upuan si abo sa gulat at nagsisisigaw.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH TUULLOONNGGGGGG MMAAAYY MULTOOOOOO!"

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at tumayo eksakto sa nakabukas na sliding door habang si abo naman ay naglalakad patalikod at pag harap niya ako yung tumambad sa kanya.

Napahiga na siya at sigaw ng sigaw. Ikaw ba naman kasi makakita ng babaeng punong puno ng dugo ang suot na hospital gown na puti which is ketchup at may hawak na kutsilyo.

Hindi ko na kinaya at napatawa na ako at napaluhod pa dahil sa sakit ng tyan dahil sa kakatawa. Hindi pa ako marinig ni abo dahil sigaw pa siya ng sigaw kaya inayos ko na ang sarili ko at tumayo na. Pinunasan ko ang mukha ko dahil puna ito ng ketchup.

Haha tumawa ako for the first time! New achievement nanaman to!

Binuksan ko na yung ilaw at pinigilan ang matawa dahil sa itsura niya. Para siyang nawalan ng kaluluwa. Nakatulala at nakahiga pa rin sa floor.

"Abo!" tawag ko sa kanya at parang bumalik naman na siya sa katinuan.

"A-Ah?"

Na bangag na ata siya kaya sinampal ko siya.

"Aray para sa'n yun?" gulat naman niyang tanong.

"Para magising ka." sagot ko naman.

"Ikaw may gawa nun?" nagtataka niyang tanong.

"Oo." tipid kong sagot.

"Papatayin mo ba ako ha? Pano kung may sakit ako sa puso edi na chugi na ako nyan!"

"Eh wala ka namang sakit sa puso so ok lang yan." At umayos na ako ng tayo kaya napatayo na rin siya.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito.

From: AiLEEBAG

Emp punta kami jan with BRG. Dalhan ka na namin ng foods k? Be there in 30!

"Maghanda ka Abo." Tapos binigyan ko siya ng isang tingin.

"Bakit?" kabado niya namang sabi.

"May tatakutin tayo."

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now