29: The Truth

22.5K 594 13
                                    

THE TRUTH

Grey's POV

Lumabas ako para magpahangin at makapagisip isip. Sumasakit kasi ang ulo ko dahil sa mga nangyayari ngayon. 'di ko na alam ang dapat kong paniwalaan.

Napadaan ako sa isang room at nakita ko si mang Dany. Isa siyang guard ng school. Magkakilala kami dahil since elementary, dito na ako nagaral at siya rin ang guard simula noon.

"Mang Dany!" At lumapit nga ako sa kinarooronan niya.

"Iho ikaw pala yan, kamusta na?" tanong niya sa akin ng makita niya ako.

"Ok lang po kayo po? Mukhang problemado kayo ah?" Napansin ko kasing parang medyo malalim ang iniisip niya at nagkakagulo ang ibang guard na nasa loob ng room.

"May nanghack kasi sa system ng school at di namin matrace ang hacker."

Nakakapagtaka? Ang tindi ng system lock ng school na ito at kahit si Kaizer nung triny niyang ihack ito ay nasira lang ang laptop niya. Depende nalang kung talagang pro o expert ang nanghack dito.

"Mang Dany pwede po bang pakita?"

Pumayag naman agad siya at pinapasok ako. Umupo ako sa harap ng isang computer at nagtype ng mga code pero hindi ko talaga malaman yung IP address ng hacker.

"Meron bang nawala?" curious kong tanong.

"Meron sir." sagot naman ng isang guard.

"Ano yun." dagdag na tanong ko.

"Yung katuloy ng video na kuha kanina sir."

Pinakita naman nila sa akin ang video na tinutukoy nila at nagulat ako dahil si yelo ang nakita ko. Lumabas siya sa pinto ng cr at naglakad lang ng sunod na lumabas si Phia at bigla niyang sinabunutan si yelo.

Inalis naman ni Yelo ang kamay ni Phia sa buhok niya ng akmang susuntukin na siya ni Phia pero tanga nga naman oh. May bato pero di niya nakita ayun tumama yung ulo niya sa pader. Boom tulog.

Tapos bigla na lang tumigil yung video, hanggang doon na lang tapos nag black na lahat.

Bakit nagsinungaling si Phia? Ang dami kong sinabing masasakit na salita kay yeli kanina. Tapos nasa ospital pa siya ngayon.

Pero bakit naman kaya siya nasa ospital?

Tumayo na ako at nagpaalam kay Mang Dany.

Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko at nagdrive papuntang ospital.
Teka saang ospital nga ba yun? Bahala na nga.

Ang una ko na lang na pupuntahan ay ang pinakamalapit sa school. Ang Moon Park Hospital.

Pagdating ko tinanong ko agad sa nurse kung may Cold Park bang nakaconfine dito at meron nga. Mukhang sinuwerte ako.

Room 227 siya at aa 3rd floor yun. Pumunta naman agad ako sa elevator at pinindot ang button na may three. Pagkarating ko sa third floor naglakad agad ako papunta sa kwarto niya.

Nang makarating na ako sa tapat ng kwarto niya napatigil ako. Ano nga pa lang sasabihin ko?

Kasalanan ko rin naman kasi. Aish ang tanga tanga ko kasi. Pero walang mangyayari kung tatayo lang ako rito.

Bumuntong hininga muna ako at saka ko hinawakan ang door knob. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tahimik ng sinilip ko ang loob.

Pumasok ako at nakita ko sa kama ang nakatalukbong na tao. Lalabas na sana ako dahil parang mali naman ang pinasukan kong kwarto pero nakita ko ang ilang strands ng blonde na buhok ni yelo.

Dahan dahan akong lumapit at umupo ako sa katabing upuan ng kama niya.

"Cold?" Hindi siya sumagot mukhang tulog ata siya.

Hahawakan ko sana siya sa balikat niya ng mabilis niyang kinuha ang kamay ko at inikot.

"A-ahh aray yelo!" Nang marealize niyang ako yun, binitiwan na niya ang kamay ko.

Ang sakit nun, grabe parang mababali na ang kamay ko sa gawa niya.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang sabi at umupo.

"Ah eh, gusto ko lang sana magsorry sa mga sinabi ko sayo kanina." nakayuko kong sabi.

"Okay." maikli naman niyang sagot.

"Bati na tayo?" Inangat ko naman na ang tingin ko.

Cold's POV

"Bati na tayo?" Para siyang batang binigtan ng candy. Ang cute. Joke ang pangit pala. Ang sakit niya sa mata.

"Hinde." sagot ko naman.

"Huh? Eh diba sabi mo oo." nagtataka niyang usal.

"Sa isang kondisyon." Napakunot noo naman siya.

"Anong kondisyon? Kahit ano gagawin ko." sagot niya sakin.

"Bili ka ng pagkain ko. Mcdo ah damihan mo kung hinde lagot ka sa akin. Tapos isang gallon ng ice cream cookies and cream ang flavor." walang gana kong sabi dahil gutom na talaga ako.

"A-ah yun lang?" utal niyang tanong.

"Sa totoo lang kulang pa yun eh----" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil kumaripas na siya ng takbo palabas.

Baliw talaga ang abo na yun kahit kailan.

Pero gumaan ang pakiramdam ko, sobra.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now