17: Girl Power

25.9K 722 6
                                    

GIRL POWER

Grey's POV

Ngayong umaga na yung game ng volley ball at mamayang hapon yung basketball.

Nagwawarm up na yung girls sa baba at ganun rin yung makakalaban nila from Burnley. Undefeated sila dahil magaling talaga sila pero may pagka bitchy nga lang sila.

"Ladies please come here in front so we can start the game." Host

Pumunta naman sila sa harap at nagshake hands na sila.

Unang nagtoss si Andrea at inispike naman agad 'yon ni Cold at tumama mismo yun sa gilid ng mukha ng captain ng Burnley U.

"Nakapuntos ng isa ang Moon Park U."
Host

Lamang na kami ngayon dahil puro spike ang ginagawa nila at lagi nila yung di naaabutan.

Pero di inaasahan ni Andrea na tatama pala sa mukha niya yung bola kaya di siya nakaiwas.

"Sinadya ng babaeng yun! Mabubugbog ko talaga yan." galit na sabi ni Shawn.

Nagpatime out muna sila dahil dumudugo ang ilong ni Andrea. Nakasmirk naman yung kabilang team.

"Bitawan niyo ako at masasapak ko yang babaeng yan." Hawak ni Ian, Zach at Kaizer si Shawn na malapit ng manapak ng tao.

"Wag kang make alam Shawn. Away babae yan." turan ko sakanya.

Ng tumigil na sa pagdudugo yung ilong ni Andrea ay tuloy na uli yung game.

Tinoss ni Ailee yung bola at inispike ni Cold yun ng pagkalakas lakas at sakto yun sa mukha nung nagpatama kay Andrea.

Nakita ko namang napangiti si Ailee, Raeri at Hazel habang si Andrea naman ay gulat.

Halata mong masakit yun dahil napahiga talaga siya at nawalan ng malay. Nagsubstitute naman sila.

"Go Cold isa pa nga yung mas malakas! Yung Cruz naman." sigaw ni Shawn.

Para talagang tanga tong si Shawn buti nalang di siya naririnig dahil malakas yung sigawan.

Tuwing si Cold ang magseserve or ang titira ng bola eh laging may natatamaan sa mukha at katawan. Tsk tsk puro pasa ang mga kalaban nila.

After ilang minutes eh natapos narin ang laro at nanalo kami bababa na kami ng mapatigil ako.

Bigla kasing tinaas ni Yelo ang damit niya at pinampunas sa mukha niya. One word. Hot.

Dug Dug Dug Dug Dug Dug

Eto nanaman yung paghu hurumentado ng puso ko.

Cold's POV

Naramdaman kong may nakatingin sa akin at nilingon ko ito. Si Abo at namumjla siya. May sakit ba ito o sadyang mainit lang.

Nagpatuloy siyang bumaba.

"Congrats!" sabi ni Ian at pumunta kay Rae.

"Thanks." Ngiti naman ni Rae. Meron ba akong hindi alam dito?

"Okay ka lang ba Honeypie?" nagaalalang sabi ni Shawn.

"Medyo masakit pa mukha ko eh." paawa effect naman ni Andrea.

"Ano resbakan ko na ba?" Shawn

"No need ginawa na ni Cold yun." Andrea

Hay itong dalawang love birds naman halos di na mapaghiwalay.

"Oy libre mo ako uli mamaya." biglang sambit ni Ailee ng makalapit sakanya si Kaizer.

"Kawawa naman ako. Mauubos nanaman yung laman ng wallet ko." Kaizer habang umiiling iling pa.

Tinignan ko si Hazel at umaasang normal pa siya tulad ko pero mukhang siya ata ang pinaka weirdo. Nagkikopagtitigan kasi siya kay Zach. Staring contest ba yan? Natuod siya sa pwesto nila at hindi nagsasalita.

Napailing na lang ako at naglakad nalang paalis para magshower sa kwarto.

"Cold san ka pupunta?" tanong ni Rae.

"Room.Shower." Maikli kong sabi at naglakad na uli. Sumunod naman sila sa akin.

Nang makarating kami sa harap ng kwarto ay bubuksan na sana ni Andrea ang pinto ng pigilan ko siya.

Tinignan niya ako pero sinenyasan ko siyang tumahimik lang.

"Kunin niyo siya." bulong ko at tumango naman si Hazel at Raeri.

Pagalis nila binuksan ni Ailee ang pinto at may nagpaulan na agad ng Shuriken sa amin pero nasalo ko iyon at ibinalik sa nagbato. Apat sila at mga ninja sila.

Kinuha ko ang dagger ko sa sapatos ko at agad na sinaksak ang papasugod sa akin.

Sinaksak naman ni Ailee ang isa at inumpog ang ulo ng isa sa sahig ayun patay na. Kumuha na ako ng damit ko at lumabas na kami.

Tinawagan ko si Butler.

[Yes young lady.]

"Clean our mess."

"[Right away.]

Pagtapos nun ay dumeretso na muna kami kung nasaan sila Andrea.

"Oh anong nangyari?" takang tanong ni Andrea.

"Wala, nililinis kasi nila yung kwarto natin kaya dun na muna tayo sa Shower room. Nagdala na ako ng mga damit niyo." Sabay inabot ni Ailee ang mga gamit nila.

"Ahhh, akala ko naman kung ano na. Tara na nga!" masayang sabi ni Andrea.

They're so desperate but I won't let them get me. I need to finish this as soon as possible.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang