25: Cloud Ace Park

24.2K 621 6
                                    

CLOUD ACE PARK

Grey's POV

Nagsimula na ang klase pero wala parin si Yelo. Napatingin naman ako sa nga kaibigan niya pero parang wala lang sakanila na wala siya ngayon.

Nagsulat ako sa papel at ibinato yun kay Rae. Napatingin naman siya sakin ng masalo niya ang papel at sinenyasan ko lang siya na buksan ang papel.

Hindi papasok si Yelo?

Matapos niyang mabasa ang sulat ko ay nagsulat din siya tapos itinapon 'yon pabalik sa akin.

Mamayang hapon pa siya papasok sinundo niya sa NAIA si Cloud.

Ah kaya pala sinundo niya si Cl---

"WHAT THE HECK?" Napatayo ako ng marealize ko ang nabasa ko.

"Do you have a problem mr. Axel?" Hindi ko na sinagot pa ang teacher ko at agad na umalis na ng room. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at nagdrive papuntang NAIA.

Pagkadating ko dun agad kong siya hinanap. Naglakad lakad ako kung saan saan. Halos naikot ko na ang ang buong NAIA at hindi ko parin siya nakikita. Baka nakaalis na siya? Tss, makaalis na nga din.

Tatalikod na sana ako ng mahagip ng mata ko ang isang nakatalikod na blonde na babae at nakayakap sa isang lalake. Nagslow motion habang papaharap siya at si Yelo nga.

Nagtama ang mga tingin namin pero agad akong umiwas at nauna na paalis. Makabalik na nga sa school.

Nakakaasar! Teka bakit ba ako naaasar? Ano naman kung kasama niya yung ulap na yun!

Selos ka lang eh!

Hindi ah! Ako magseselos? No way!

Okay sabi mo eh!

Hmmmppphhh hinanap hanap ko siya tapos andun lang pala kayakap yung ulap na yun!

Mas gwapo naman ako dun ng ilang paligo no! Tss, bakit ko ba kinocompare ang sarili ko sa kanya? I'm better than that Cloud guy.

Cold's POV

Pagkakita ko sa kanya agad niya akong niyakap.

How I miss my kakambal. Yes kambal ko siya pero mas nauna siya sa akin ng 2 minutes kaya kuya ko siya.

Lumingon ako sa likod ko dahil may naramdaman akong nakatitig mula doon at hindi ko inaasahang makita si Abo doon.

I saw anger and sadness in his eyes. I hate to see that look. Ewan ko ba pero ayoko lang talaga. Para bang may effect. Tch, ano ba tong sinasabi ko? Ano to may super powers siya?

"Kilala mo yun?" Napansin din ni Cloud si abo.

"Ah yeah, just a friend." Friend? Kailan pa kami naging magkaibigan? Tsk, kung ano anong lumalabas na bunganga ko.

"Tara na muna sa bahay para maiayos yung mga gamit mo tapos mamayang hapon tayo papasok." sabi ko at naglakad na.

Cloud's POV

Andito na ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo sa balat ng gwapo! Presenting myself... Cloud Ace Park!

17 years of age. Gwapo. Gwapo. Gwapo at Gwapo.

Nakita ko kanina yung tingin nung lalake at parang naaasar siya na ewan. Sino ba 'yon? Ano niya ba ang kambal ko?

"Oy tama na ang daydream." sabi ng robot kong kapatid. Robot kasi wala man lang emotions!

"Hindi ka ba masaya na kasama ako?" tanong ko sakanya.

"Masaya." -_- <--- Cold

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now