1: Meet the Black Royal Gang

40.7K 1.1K 41
                                    

MEET THE BLACK ROYAL GANG

Cold's POV

I'm in our mansion and it's currently 10:30 in the evening. I can't seem to sleep kaya naisipan kong lumabas muna at magpahangin.

Pumunta agad ako sa closet ko at nagpalit ng dami. A black tshirt , black jacket , black jogging pants and black rubber shoes.

Yes, obviously, I am an enthusiast of black.

Lumabas ako ng mansion and I didn't even bother to tell butler James na lalabas ako. Baka nga tulog na yun, jetlag siguro.

Nang makalabas ako ay nagumpisa ako maglakad lakad sa loob ng subdivision hanggang sa hindi ko namalayan na sa kalalakad ko ay nakalabas na pala ako ng area ng subdivision. Pero imbes na bumalik, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at napatigil ako ng mapadpad ang mga paa ko sa harap ng isang madilim na kalye. Iba ang vibe ng kalye na to, parang may nagsasabi sakin na delikado rito and my inner self is telling me to explore the area.

"13th street." basa ko sa sign nakalagay sa may poste.

At dahil nga bored ako at gusto ko rin naman, hinayaan kong dalhin ako ng mga paa ko sa madilim na kalye.

Wala akong makitang mga tao, parang ghost town dito. Sira sira ang mga bagay at bahay na nadadaanan ko. Tanging ilaw lang sa mga iilang gumaganang street lights ang gumagabay sa daan ko. Nang magsawa na ako sa kalalakad ay akmang babalik na ako sa pinanggalingan ko ng makarinig ako ng mga boses.

At dahil na curious ako kung saan ito galing ay sinundan ko ang tunog hanggang sa umabot ako sa isang lumang court. May mga tao sa court pero mukhang hindi sila andito para maglaro ng basketball. Parang andito sila para maglaro hanggang kamatayan.

Nahahati ang mga tao sa court sa dalawa. Kung tatantyahin ko ay 20 ang isang grupo ay li-lima ang isa namang grupo.

Umakyat ako sa isang malapit na puno at komportableng umupo sa mga sanga nito. Nae-excite ako dahil baka makapanood ako ng laban.

"Mabuti naman at dumating na kayo, Black Royal Gang akala ko nag back out na kayo dahil sa takot na matalo namin kayo." rinig kong sambit ng isang malaking lalake.

"Tss,backing out is not in our vocabulary, dimwit." sagot naman ng isa sa mga limang lalake.

"Talagang nakuha mo pang insultuhin ako, tignan natin ang tapang niyo." galit na sabi ng malaking lalake at sinenyasan ang mga kasamahan nito, na ibig sabihin ay umpisahan na ang gulo.

Sumugod na nga ang mga lalake dala ang mga armas nila habang ang limang lalake sa kabilang parte ng court ay nakatayo lang at inaantay ang tuluyang paglapit ng mga lalake.

Akmang hahampasin na ng isa ang isang sa mga lalakeng prenteng nakatayo lang pero sa isang iglap, nakita ko na lang ang pasugod na lalake na nakabulagta na sa sahig at wala ng malay.

Five vs twenty? Not bad, it's rather entertaining.

Base sa obserbasyon ko, magaling lumaban yung lima dahil ni isa ay wala man lang silang tama. Napatutumba nila lahat ng sumusugod sa kanila pero hindi napansin ng isa sa kanila ang paglapit ng isang kalaban kaya nasaksak nito sa braso yung isang lalake.

Narinig ko ang pagmura ng lalake pero agad din naman itong nakabawi at sinipa ang lalakeng sumaksak sa kanya.

Ilang minuto pa ay natapos din ang laban at nanalo ang limang lalake. At dahil tapos na nga ang laban, aalis na ako.

"Shit!" pabulong kong mura ng biglang magring ang phone ko at nakita kong tumatawag si butler James pero agad ko itong pinatay.

Nilingon ko ang limang lalake at nakakunot noo silang lumilingon kung saan saan, parang may hinahanap.

Looks like I'm in trouble. Sabi ko sa sarili ko habang hindi gumagawa ng anumang ingay at gulo.

"May iba pang tao bukod satin dito."
rinig kong sabi nung nasaksak kanina.

"DAMN, SHOW YOURSELF!" sigaw ng lalaki na parang leader nila.

Dahan dahan akong tumayo at tahimik sanang aalis ng puno kaya tumalon ako at di ko inaasahang may bote sa ibaba kaya nabasag ito ng maapakan ko. Malakas ang ingay ng pagkakabasag at alam kong alam na nila kung nasaan ako.

Grey's POV

"DAMN SHOW YOURSELF!" sigaw ko habang lumilinga kung saan saan. Pinanatili kong alerto ang sarili ko dahil baka may biglaang sumugod.

Sigaw ko habang palinga linga

Magsasalita nanaman sana ako ng bigla kaming nakarinig ng tunog ng pagkabasag at sabay sabay kaming naoatingin sa isang puno sa 'di kalayuan at doon ko naanig ang isang babae.

Agad ko itong binato ng dagger pero nagulat ako ng nasalo niya lang ito gamit ng kanyang dalawang daliri. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat pero nakabawi rin naman ako agad at napalitan ito ng isang seryosong tingin.

"Not so fast mister." the girl said in a creepy way and for the first time, nakaramdam ako ng matinding kilabot.

At dahil sa kaiisip ko ay hindi ko namalayan na ibinato na niya pabalik ang dagger ko. Hindi ako naka react agad dahil sa bilis ng pangyayari at naramdaman ko na lang ang pagtulo ng dugo sa pisngi ko kaya napahawak ako dokn ay nakaramdam ng hapdi.

Narinig ko rin ang pagsinghap nila Zach sa tabi ko pero hindi rin sila nakagalaw.

"Who are you?" galit kong sabi sa babaeng ngayon ay hindi ko maaninag ng buo.

Naglakad ito papalapitsa pwesto namin at nakaramdam ako ng kaba, pero tumigil din siya ng ilang metro at nakita ko nga ang kabuuan niya.

Her cold eyes na parang hihigupin ka papunta sa kung saan and her blonde hair.

"Me? I'm Cold." And I felt chills when she mentioned the word 'Cold'.

And before we could even utter a single word, tumakbo na siya paalis ng court at iniwan kaming nakanganga at puno ng pagtataka.

What the fvck was that? What just happened? I have a lot of questions running in my mind as of the moment pero mukhang wala akong makukuhang sagot dahil umalis na siya.

Who is that mysterious blonde girl? I unconsciously asked myself.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now