62: Her Other Side

15.1K 370 0
                                    

HER OTHER SIDE

Ailee's POV

Isa kang duwag Alexius! Ngayon ginalit mo siya kaya harapin mo ang galit niya!

Habang nagaayos kami ng weapons namin tahimik lang si Cold. Seryoso at may malalim na iniisip.

I've never seen her like this before. She seldom comes here in the HQ bacause she just wants to finish matters about the mafia when she's alone. She always kept her feelings and now Grey made her show her true feelings. But Alexius kidnapped the most important person in her life and I'm sure even if she's not showing it, she damn mad.

After naming magayos naglakad kami sa isang part ng HQ kung nasaan lahat nakapark ang kotse ng Moon Park Mafia. Lahat kumpleto dito. Sumakay na kami at bigla namang nagbukas yung ceiling.

Nasa underground kasi kami. Ilang sandali pa ay tumaas yung platform kung nasaan kami at malapit sa highway ang location namin. Kung titignan mo kami ngayon para may gyera na mangyayari. Lahat may hawak ng baril at kung ano ano pang weapons.

Pati mga sasakyan armoured din.

"Before we go I have a special command for all of you. DON'T DIE."

That's our Empress. She's cold but she really cares for us that's why she deserves the respect we are giving her. Kahit nga magkaibigan kami I sometimes call her empress.

Nagumpisa nang umandar ang sasakyan. Nakuha namin ang location ni Grey with the help of the bracelet na nilagyan ng tracking device at sa kampo ng kalaban mismo nandun si Grey.

DSM HQ

Napatumba na namin ang mga bantay ng tahimik at nahack na ang system nila para walang magalarm na may nakapasok.

"Individual gangsters, half of the reapers and half of the assassins to the left ang the others to the right. 10S, Two, Three, Four, BRG, Cloud and Clifford stay." Empress

Naglalakad kami ngayon ng may mapadaan na kalaban. Agad siyang sumugod ng makita kami pero di pa siya nakalapit binaril na siya ni Cold.

Naalarma na rin yung iba dahil sa putok ng baril. Nagsidatingan na ang mga kalaban.

"BRG stay with us. Alam kong hindi niyo kayang pumatay kaya tamaan niyo nalang sila sa weakest spot nila." Ako

Tumango naman sila.

"10S kaya niyo na to." Cold

Habang naglalakad uli kami papunta sa lugar kung nasaan nila nilagay si Grey ay sinusugod lang kami ng mga kalaban pero ni isa walang makalapit dahil inuubos agad sila ni Empress.

"Si Cold ba talaga yan?" Shawn

"Yes and that's her other side." Ako

Timigil kami ng nasa harap namin ang isang pinto.

"We're here." Cold

Sinipa niya yung pinto at bumukas naman agad ito. Nagulat kami sa nakita namin.

Si Grey ang dumi niya at puno ng dugo ang damit niya. Nakablindfold pa siya at putok ang labi. Magulo ang buhok at nakatali siya sa upuan.

Agad na naglakad si Cold dun at lumuhod para mapantayan si Grey.

Cold's POV

Lumuhod agad ako para magkapantay kami at kinalagan ang pagkakatali ng paa niya.

"S-sino ka?" tarantang usal ni Grey.

Malalagot talaga sa akin ang Alexius na yan.

Hindi ako nagsalita basta kinalagan ko nalang siya at pagkaalis ko ng tali niya sa kamay bigla nalang siyang napasubsob sa akin. Hinang hina siya.

Inalis ko ang blindfold niya at nakita kong putok rin ang kilay niya. Unti unti niyang binuksan ang mata niya na singkit na nga mas pinasingkit pa.

"I-Iseah? I-Ikaw b-ba yan?" Pilit siyang tumayo pero hindi niya kaya. 

"Yes, it's me Grey." Niyakap ko siya bilang suporta sa katawan niya.

"Ang drama niyo naman?"

Biglang may nagsalita sa gilid.

Bumitaw ako sa pagkakayak kay Grey at hinarap siya.

"Sabihin niyo na ang gusto niyong sabihin sa isat isa dahil mamamatay na kayo." Alexius

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Pasok na." Sabi ni Alexius at nagsipasok ang mga lalakeng may hawak ng bat, tubo at kung ano ano pa.

"Ian protect Grey kami na bahala dito." utos ko at agad naman inalalayang tumayo ni Ian at Shawn si Grey.

"P-pero Iseah---" Grey

"Trust me Grey nothing bad will happen to me." Ako

Pinalibutan na kami nila Ailee, Hazel at Raeri ng mga kalaban.

Grey's POV

"Zach ano bang nangyayari?" tanong ko kay Zach.

"Hindi ka maniniwala pare." Kaizer

"Oo nga grabe big revelations!" Ian

"Nakakatakot si Cold kanina!" Shawn

"Teka ano bang pinagsasasabi niyo? Pakiexplain nga." saad ko sakanila dahil wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi nila.

"Naalala mo pa yung nagligtas sa atin noon laban sa kalaban nating taga DSM pala? Hindi ba si Fallen Angel or One or Empress yun ng MPM."

Napatango nalang ako. Anong kinalaman niya dito?

"Si One or Empeess or Fallen Angel ay si Cold. Si Cold ang nagligtas sa atin nun at sina Two, Three at Four naman eh sila Ailee, Hazel at Raeri." Zach

Teka,

Loading...

10%

50%

100%

Complete...

"ANO?!"

Baka naman mali lang ako ng dinig pero Cold talaga yung rinig ko eh. Kasama pa sila Ailee, Hazel at Raeri.

"Ganyan din ang reaction namin kanina pero sa loob loob lang namin. Nakakatakot kasi guluhin si Cold kanina eh." Ian

Si Iseah Coldeigh Moon Park ay ang Empress ng Moon Park Mafia. Oo nga naman bakit 'di ko yun naisip, apilido palang halata na.

"Hala kaya ba talaga nila lahat yan?" kabadong usal ni Shawn.

"Hindi sila tatawaging pinakamagaling kung yan lang 'di nila kaya." Nagsalita si Cloud sa likod at kasama niya pa si Clifford?

"Ah oo nga pala Grey kasali rin sila sa mafia at sila rin si Sword at Arrow ng Gangster World." Kaizer

Di na ako magtataka, basta Moon Park.

"Ge mga pare may aasikasuhin pa kami sa labas kayo na bahala dito." Clifford at umalis kasama si Cloud

Napalibutan na sila Iseah ng kalaban at imbes na ako sana yung magpoprotekta sa kanya ako pa yung pinoprotektahan niya.

Hayy Empress siya ano namang laban ko sakanya.

+++

Vote and Comment!

Ano kayang mangyayari sa labanan nila? Sinong mamamatay? Sinong mabubuhay? Alamin na next chapter?

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now