26: Got you!

22.9K 598 3
                                    

GOT YOU!

Grey's POV

"So class, may bago kayong classmate. Can you please introduce yourself." sabi ng teacher namin at saka bumaling ng tingin sa lalake na nasa harap din.

"Yes ma'am. Good afternoon classmates, I'm Cloud Ace, glad to meet you." Tss, nagsitilian naman yung mga babae sa classroom.

"Quiet class! Hindi tayo magklaklase today kasi may emergency meeting ngayon. Just keep yourself busy, goodbye class." Tapos umalis na nga ang teacher namin at ilang sandali pa ay umingay na nga ang room.

Nagsitayuan na ang iba at lumipat sila ng upuan para makipag usap sa mga kaibigan nila. May ibang naggi gitara na sa isang tabi habang ang iba natutulog na.

Napansin ko ko naman ang biglang pagtayo ni Yelo at mukhang palabas siya ng room. Tatanungin ko pa lang sana kung saan siya pupunta ng may mauna ng magsalita sa akin.

"Baby Cold san ka pupunta?" Napalingon ako sa nagsalita at napakunot noo na lang ako ng makita kong si ulap pala ang nagsalita.

Baby Cold? Endearment nila yun? Kadiri ha! Ang baduy!

"CR." maikli namang sagot ni yelo at saka deretso ng umalis ng room.

"Grey punta lang rin ako ng CR ah." Nagulat naman ako ng magpaalam bigla sakin si Sophia.

"Geh." sagot ko na lang at umalis na rin siya.

Maraming nagiba kay Sophia, alam ko 'yon. Siguro dala na rin ng mga nagdaang panahon. Pero yung mga pagbabago sa kanya ay medyo kakaiba. Yung feeling na sa sobrang daming nagbago sakanya parang hindi ko na siya kilala.

Tulad ng masyado na siyang clingy ngayon, dati naman halos batukan niya na lang ako lagi. Minsan din ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero hindi ko na lang siya pinapansin.

Pero winawaksi ko na lang lahat ng mga naiisip ko, bakit ko ba paghihinalaan si Sophia na matagal ko ng kaibigan?

Normal lang na nagbabago ang tao, yan ang pilit kong nilalagay sa utak ko.

Cold's POV

Pagkatapos kong gawin ang dapat gawin ay naghugas ako ng kamay ng may pumasok rin sa cr.

Tumabi siya sa akin at naghugas rin ng kamay niya ng may mapansin ako na nakasuot sa bandang pulsuhan niya.

Isang bracelet na may initials na SC. Naikuyom ko ang mga kamay ko at dahan dahang inangat ang tingin ko.

Tumitig ako sa salamin para makita kung sino siya at mukha ng isang ahas ang tumambad sa akin. Joke, si Sophia ang nakita ko.

So siya pala si Fallen Wanna Be, sabi ko sa isip ko.

Pinatay ko ang faucet at hinarap siya. Tinignan ko siya ng mabuti na para bang sinusuri ko siya.

"What are you looking at?" tanong niya ng mapansin niya ang pagtitig ko sakanya pero di ko iyon pinansin.

I'm sure nakita ko na ang mukhang ito. Hindi man sa personal pero sa picture.

"Oh, now I remember you." malamig kong sabi ng matandaan ko kung sino siya.

"Anong sinasabi mo?" nagtataka niya namang tanong at humarap na rin sa akin.

"I know you Sophia or should I say Sophie." Nagulat siya sa sinabi ko at napanganga.

"S-sinong So-phie?" nauutal niyang sagot.

Got you Sophie!

"Sophie Clemson twin of Sophia Clemson. Tumakas siya galing sa Indonesia dahil  desperada na siyang makuha si Grey na kailan man ay hindi mangyayari." walang gana kong sambit habang nagpupunas ng kamay gamit ang tissue.

"Walang makakapigil sa akin! Akin lang si Grey!" sigaw niya pero soundproof naman ang cr kaya walang nakakarinig sa kadramahan niya.

"You're obsessed Sophie." seryoso kong sabi.

"Hinde! Mahal ko si Grey!"  She's really hopeless and wala akong magagawa sa mga taong may problema sa utak.

Naglakad na ako paalis ng bigla niya akong hinawakan sa braso and that ticked me off.

"Hands.Off.Sophie." malamig kong sabi at saka siya binigyan ng isang seryosong titig.

Pero hindi siya natinag at mas diniinan niya pa ang pagkakahawak sa akin.

"Know what I hate the most? It's when someone touches me with their filthy hands." Tapos inikot ko ang kamay niya at ako na ngayon ang may hawak sa kanya.

"A-aah" impit na sigaw niya.

"Touch me again and your dead." Binitawan ko na siya at naglakad palabas ng cr pero hinila niya ang buhok ko dahilan para mapaatras ako.

"You don't know me!" Tsk, baliw na talaga ang isang 'to at malapit na akong mapuno sakanya.

"Of course I don't know you." bored kong sabi.

"How dare you!" Iuuntog na niya sana ako sa pader pero inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko kaya nabitawan niya ang buhok ko.

Sumugod nanaman siya at akmang susuntukin ako ng bigla siyang natumba nalang dahil napatid ang paa niya sa bato kaya ayun tumama ang ulo niya sa pader.

May narinig naman akong mga kaluskos kay luminga linga ako. Naging alerto ako sa paligid ko at pinakiramdaman kung ilan sila.

Lima sila.

May nagbato sa akin dagger pero nasalo ito at ibinalik sa nagbato. Kinuha ko ang dagger na nasa sapatos ko.

May papalapit sa akin at sasaksakin niya ako pero umilag ako. Sinaksak ko siya sa puso at hinugot uli ang dagger.
May dalawa nanamang papasugod magkabilaan. Nang makalapit na sila sa akin ay tumalon ako ng mataas kay nagsaksakan silang dalawa.

Dalawa nalang ang natitira. May dala silang katana. Sumugod sila ng sabay.
Iniilagan ko lang ang lahat ng atake nila at ng makahanap ako ng tyempo, sinipa ko ang isa sa kanila sa likod at sumuka siya ng dugo at saka ko siya sinaksak sa bandang dibdib.

Bigla namang naglabas ng baril ang natitirang kalaban at ipinutok niya yun. Hindi sa akin pero kay Sophie.

Mahal na mahal siya ng kakambal niya at ng pamilya niya and I can't let her die because of me.

Iniharang ko ang katawan ko bago pa siya matamaan kaya ako ang natamaan. Binato ko naman ang natitirang lalake ng dagger at sakto yun sa dibdib niya.

Natamaan ako sa balikat kaya napahawak agad ako sa nagdurugo kong sugat. Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan konaman  agad si Ai.

"Cr now." buong lakas kong sabi at saka binaba ang phone ko.

Nauubusan na ako ng dugo. Napatingin naman ako kay Sophie na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Sakto namang paglingon ko ag dumating na nga sila at kasama pala pati si Kuya.

Isinuot niya agad sa akin yung jacket niya para matakpan yung dugo.

Pinalinis na rin nila yung kalat kay butler.

Nagulat na lang ako sa bigla ring pagsulpot ni Grey at pinuntahan niya si Sophie.

"Sophia! Anong nangyari?" nagaalala niyang sabi.

"Cold anong nangyari?" galit na sigaw niya.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon