32: Dark Shadow Mafia

26.1K 610 7
                                    

DARK SHADOW MAFIA

Cold's POV

Everything was back to normal and one month na rin pala ang nakalipas. October na ngayon. Isang buwan ang nakalipas matapos ang insidente namin ni Sophie Clemson. 'Yon ang huling araw na nakita namin siya. I contacted her parents at sinabing andito siya kaya kinuha siya ng sapilitan ng magulang niya. They said sorry sa inconvenience na nagawa ng anak nila.

10 pm na pero gising parin ako habang kaharap ang computer ko. Kalat na kasi ang balita na pinupuntirya ng Dark Shadow Mafia or DSM ang Gangster World na pinamumunuan ng mafia namin which is Moon Park Mafia.

Illegal ang ginagawa nila at isa itong hudyat ng isang digmaan. Walang kinalaman ang Gangster World sa away ng mga mafia pero dahil may kaugnay ito sa mafia na pinamumunuan ko kaya idadamay nila ito.

Inggit at galit ang ugat ng away ng MPM at DSM. Noon nanan, organisado, maayos at legal ang DSM at sila ang nangunguna sa lahat.

Pero hindi inaasahan na nalamangan ng lolo ko ang DSM. Walang kibo ang DSM nuon pero yun pala ay nagkikimkim na sila ng galit sa amin. Naging masama ang mafia nila at simula nuon itinuring na namin silang kalaban.

Well kung iisipin ding mabuti walang mabuting mafia dahil nga sa mga ginagawa ng mga taong kasapi nito pero ang mafia na pinamumunuan ko ay kakaiba. Hindi kami nandadamay ng mga inosenteng tao para sa mga schemes namin and kalahati ng nakukuha namin sa mafia ay naidodonate sa mga nangangailangan.

Ang main goal nila ay mapabagsak lahat ng nasa rank at mga elites ng Gangster World. Inuna na nila ang Rank 10 to 7. Isusunod na rin nila ang iba kaya kailangan ng makagawa ng paraan para matigil ito. Pababagsakin ko rin sila pero not now, masyado pang maaga para gumalaw.

Hinack ko ang system nila at nagopen ako ng mga files. Inopen ko yung file na nakalagay ang date ngayon at napatayo ako sa nabasa ko.

Bumaba ako at naabutan ko silang kaharap ang mga gadgets nila at may ginagawa rin.

"Kilala ko na yung 7 Heads ng DSM emp." seryosong sabi ni Haze.

"Next time na natin aasikasuhin yan. Anong meron ngayon sa Gangster Arena?" tanong ko naman sakanila.

"Ah sa pagkakaalam ko, laban ngayon ng BRG." Habang nakatingin pa rin sa laptop niya.

"Bakit mo natanong emp?" Napatingin lang ako kay Rae habang nagiisip.

"Wag mo sabihing nagaalala ka?" natatawang sambit ni Ai.

"Small group lang naman yung challenger. Kakayanin naman nila yun." chill na usal ni Haze at nginitian lang ako na para bang sinasabi niyang 'kaya na nila 'yon'.

"Shit we gotta go now." madiin kong utos at naalarma naman sila.

Itataon nila ang pagsugod nila kung kailan meron ang isa sa pinakamalakas na gang at kung kailan maraming gangsters ang pupunta. Marami ang pupunta dahil syempre rank 1 ang lalaban.

Rank 1 ang BRG sa group category at ako naman ay rank 1 sa individual.

"Emp anong meron?" nagtatakang taning ni Ai.

"Susugod ang DSM ngayon sa GA." malamig kong sagot.

Nakaninja outfit uli kami at ng makarating kami sa GA eh kasalukuyan ng nakikipaglaban ang BRG.

Naghiwahiwalay kami para magobserba pero sa laban ng BRG ako nakatutok.

Malakas ang kalaban nila walang duda. Mukhang fake ang nakuhang info ni Ai. Familiar sa akin ang mga galaw niya. Tinitigan ko ng mabuti ang kalaban ni Grey at ng makita ko ang tattoo niya sa batok ay dun lang ako natauhan.

Siya si Tarantula, isang assassin ng DSM.

"Nakapasok na sila. DSM ang kalaban ngayon ng BRG." bulong ko sa earpiece.

Nasuntok si abo at natumba siya pahiga. Naglabas na ng baril si Tarantula pero bago paman niya maiputok yun eh tinalon ko ang bleachers pababa kung saan sila naglalaban at sinipa ang baril sa kamay ni Tarantula.

"Four (Raeri) inform the elites." May communication device kami. Numbers ang codename namin sa mafia world.

Mabilis na nakabawi si Tarantula at sinugod naman ako. Mabilis ang mga galaw namin at alam kong hindi na ito makita ng iba.

"Hindi ka parin nagbabago Fallen Angel or should I call you One." malakas na sabi ni Tarantula sa kalagitnaan ng laban namin.

Nakarinig ako ng samut saring mga reaksyon dito sa arena. Kahit ang BRG ay napamura. Hindi nila ineexpect na darating ako. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya.

Agad ko siyang sinipa sa mukha at sinuntok sa tyan dahilan para umubo na siya ng dugo.

"Nahanap ka na nila One! Papatayin nila kayong lahat!" Nilabas ko na ang baril ko at binaril siya sa dibdib. Masyado siyang maingay, tsk.

"Shit pinatay mo siya!" rinig kong sabi ni abo kaya nilingon ko siya.

"Pampatulog yan." Pinababa ko ang boses ko para hindi niya ako mahalata.

"Three (Hazel) kunin mo si Tarantula ikaw na bahala wag mo lang patayin. Kakailanganin natin siya." usal ko sa communication device namin bago nagumpisang maglakad.

Umakyat sa may platform at kinuha ang isang mike sa gilid.

"Silence Gangsters. We will be attacked today." seryoso kong sabi. Nakikita ko ang kaba sa mga mata nila.

"Rank 6, 5, 4, 3, 2 and 1 stay."

Bumaba na sila papunta sa pwesto nila Abo. Group at individual ang natira. Pinaalis ko na ang ibang gangsters dahil baka madamay pa sila.

"Tayo lang ang lalaban." bigkas ko sakanila at pansin ko ang mga paglunok nila pero mababakas ang excitement sa mukha nila.

Lumabas rin ang mga Elite. Tatlo lang sila.

Si Sword which is ang Kuya kong kambal, si Arrow at si Sphere. Sila ang gumagawa ng mga batas ng Gangster World. Sila ang taga parusa.

Dumating na din ang 10S at humarap sa platform kung saan ako ngayon. Nagbow sila.

"Kasama rin ang 10S mga assassins ng MPM." dagdag ko.

"Two (Ailee) stand by kayo jan sa entrance isama mo na rin si Three (Hazel) and Four (Raeri)."

Gangsters, get ready. We'll have a bloody party now." Kasabay nun ang pagpasok ng mga DSM.

I hope no one dies in this bloody battle.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang