31: Scare Prank Part 2

22.9K 664 25
                                    

SCARE PRANK PART 2

Cold's POV

"Magtago ka na nasa baba na sila." bulong ko kay abo.

"Ok ok." Nagtago na rin naman siya.

Si Abo ang taga hila ng mga tali ngayon at ako naman ang lalabas. Nasa labas kami pareho ng balcony at nagtatago ako ngayon para sa plano namin.

Narinig ko na ang pagclick ng knob ng pinto.

"Baby Cold dito na kami!" rinig kong sabi ni kuya.

"Cold? Sa'n ka?" Palinga linga naman ni Raeri.

"Sira ba yung mga ilaw dito? Bakit ayaw sumindi?" nagtatakang sambit naman ni Hazel.

"Teka ipacheck ko lang sa guard sa labas." At akmang lalabas naman si Ailee pero 'di niya mabuksan ang pinto. Naka auto lock 'yon at kasama 'yon sa plano.

Tinaas ko ang thumb ko meaning igalaw na niya yung unang tali.

Gumalaw yung pinto sa cr ng mabagal.

"Nasa loob ata siya ng cr." sabi naman ni Zach ng mapansin niya ang paggalaw ng pinto ng cr.

Lumapit si Rae sa cr at binuksan ito.

"Wala siya dito."

" Then bakit gumalaw kung walang tao jan?" Kaizer

"Hala! Baka naman kinain na siya ng bowl?" oa na sabi ni Shawn.

Binatukan siya ni Zach at Kaizer.

"Aray ko naman!" daing ni Shawn.

"Pero may point ka dun." sabi naman ni Ian habang kunwari nagiisip pa. Ayun binatukan rin ni Zach at Kaizer.

"Isa ka pa!" sabay nilang sabi.

"Saan naman kaya nagsususuot si Cold." Andrea

"Iniwan niya pang nakabukas tong tv sayang sa kuryente." Hazel

Kinuha niya yung remote para patayin pero inalis ko yung battery nun kaya di yun gagana.

"Ba't ayaw mapatay?" tanong ni Hazel.

"Saksakin mo Hazel para mamatay." pilosopong sagot naman ni Rae.

"Baka sira yung remote." Ailee

Habang pinagkakaguluhan nila yun at hindi sila nakatingin sa balcony eh dahan dahan akong naglakad at umupo sa may rocking chair sa tapat mismo ng sliding door. Naka side view ako para maganda yung effect. Hawak ko na rin yung manika ko at kunyari sinusuklayan yung buhok ng manika.

Plinay na ni Abo yung kanta na Ili Ili.

Ili Ili
Tulog anay
Wala diri
Imong nanay
Kadto chenda
Bakal papay
Ili Ili
Tulog anay

Kasabay ng tugtog ang katahimikan.

"W-white la-dy?" utal na sabi ni Kaizer.

"D-diba yun yung meron si P-pauline L-luna?" kinakabahang sabi ni Zach.

"H-hindi w-white l-lady mga pare." sabi ni kuya at alam kong nakatingin siya sa direksyon ko ngayon. Matatakutin si kuya at ayaw na ayaw niyang nanunuod ng horror movies.

"C-conjuring a-ta 'to." sabi naman ni Shawn at nanginginig ang boses niya. Nakatingin rin siya sa part ko.

"Anabelle is dat chu?" inosenteng tanong ni Ian habang nakaturo pa ang daliri sa part ko.

Napalingon naman yung iba para tignan yung tinuturo ni Ian at ako naman eh dahan dahang lumingon sa direksyon nila.

Nanlalaki ang mga mata nila at halata mong natatakot na sila. Tumayo ako at humarap sa kanila at binato ang manika sa harap nila. Napatingin sila sa manika sa paanan nila at ng di na sila nakatingin sa akin eh nagtago na uli ako.

Kinuha ko na ang remote control sa bulsa ko at pinindot yun. Gumalaw ang manika at kumapit sa paa ni kuya at sumigaw ang manika ng napakalakas. Halos lumipad na ang manika sa lakas ng sipa ni kuya at nagsigawan na sila.

Si Zach nakakapit sa likod ni Hazel habang si Kaizer naman, binuhat ni Ailee ng bridal style. Si Shawn at Ian naman eh magkayakap at sumisigaw. Si Rae at Andrea naman eh halos sirain na yung pinto sa kakasipa at hampas nila.

"Lord maawa ka!"

"Mame, Dade Help me!"

"KYAAAAAAAHHHH!"

Andami nilang sinisigaw pero yung kay kuya ang pinakanangibabaw sa lahat.

"AAAAAAHHHH CHANAK IMPAKTOOOO!" With matching talon talon at duro yan ha.

Kinuha ko na ang flashlight sa tabi at inon na yun. Napatigil naman na sila at nanahimik na din. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at sumunod na rin si Abo.

"COLD? GREY? KAYO?" sabay sabay nilang sabi.

"Hindi naman ata kayo nagpractice no?" bored kong sabi sakanila.

"Yaaah alam mo bang halos maglupasay na ako jan sa takot dahil akala ko meron talagang Anabelle dito!" sigaw ni Kuya.

"Ang saya kaya nun diba abo?" Sabay lingon ko kay abo na tawang tawa.

"Sobra hahaha enjoy yun!" Abo

Binatukan siya ng buong BRG.

"Tsaka bakit nandito si Grey? Diba inaway mo si Cold kanina." seryoso namang sabi ni kuya.

"Nagsorry na siya kuya tsaka nakaganti na ako." Ako

Napangiti ako ng maalala yung nangyari kanina.

"Cold!!!!!!!" Andrea sabay yugyog sa akin.

"Ano?" taka ko namang tanong.

"Ngumiti ka! Nakita ko yun!"

Parang baliw 'to. Masama ba ngumiti?

"Oh tapos? Big deal ba yun?" Parang timang talaga, ang oa nila.

"Shocks ang ganda mo Cold!" Ailee , Raeri at Hazel.

"Isa pa nga!" sabay sabay na sabi naman ng boys.

"Abuso kayo." malamig ko namang sabi.

Grey's POV

Parang tumigil ang oras ng ngumiti siya. Siya lang yung nakikita ko kanina. Kung pwede ko lang ivideo sana sayang pero may narealize ako sa ngiti niya at ngayon alam ko na.

I have fallen in love with her, partida ngayon lang siya ngumiti..

Wala knaman siyang ibang ginawa kundi ang barahin ako pero ewan ko dito sa puso ko, namagnet sa kalamigan niya.

+++

Vote and Comment

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now