58: Halloween Party

14.5K 367 1
                                    

HOLLOWEEN PARTY

Cold's POV

Nakabalik na kami ngayon sa bahay namin dahil maayos na ito uli. Nagulat nga rin sila mom at dad nung nagpunta kami sa mansion.

It's been a week since the incident at mamaya Halloween Party na kaya walang pasok ngayon para makapagready ang mga estudyante para sa event mamaya.

Six ang start ng party hanggang 12 AM. Four thirty na ng hapon kaya naghahanda na kami.

Naligo ako, blower ng buhok, suot ng costume, konting ayos ayos, then I'm done. Ah wait ano kayang gagamitin kong sapatos?

Namili ako at ang bumagay ay isang close na high heels. Kinuha ko ang black na pouch ko at nilagay ang phone, panyo, dagger, revolver at kung ano ano pa.

Pagkababa ko nasa baba na rin sila.

"Wow ang ganda mo talaga empress!" tinanguhan ko lang si Raeri.

"Yeah you look like an angel with that wings." Hazel

"A fallen angel." pagtatama naman ni Ailee.

"Kayo rin naman." Ako

Si Raeri ay nakadamit na parang isang witch. Si Hazel naman ay isang haunted doll. Si Ailee naman ay isang black lady.

Nagpasundo kami kay butler at ilang minuto lang ay nakarating na kami.

Pagdating namin sa tapat ng hall, madami dami na ring tao. Papasok na kami ng makasabay namin si Julia, Andrea at Allyssa papasok.

Oo dito nagaaral si Julia kaya lang ibang section. Si Clifford naman ay hindi na nagaaral. Kuntento na siya sa modelling career niya, pero matalino naman yun. Tinatamad lang magaral.

"Ang ganda niyo girl!" salubong ni Andrea sa amin.

"Yeah sobra!" pagsangayon pa ni Allyssa.

"Bagay sayo Cold!" Julia

Si Andrea naman ay parang kulto na maganda. Nakacloak kasi tapos itim pa. Si Allyssa naman ay mukhang pinatay. May props kasi siyang kutsilyo sa nakatusok sa ulo niya. Si Julia naman mukhang batang multo.

"Maliit na bagay haha joke!" Hazel

Habang naglalakad kami papasok all eyes are on us. Well 'di ko rin naman sila masisisi ang ganda kasi namin.

Psh, nahahawa na ako sa pagiging mahangin ni Grey!

Speaking of Grey, asan kaya yun ngayon.

Grey's POV

Naguusap usap kami ngayon habang iniintay sila ng biglang napatulala sila.

"Oy problema niyo?" tanong ko pero parang wala silang narinig.

Nakatingin sila sa likuran ko meaning sa may entrance. Nakatalikod kasi ako sa entrance ng hall.

Lumingon ako and I was frozen when I saw an angel in front of me. To be specific, a fallen angel.

"Wow." Yan lang ang nasabi ko.

"Grey!"

Ang ganda niya. She looks so innocent.

"Grey! Huy!"

Nasa heaven na ba ako.

Paak

"Aray!" Napahawak nalang ako sa batok ko ng batukan ako ni Iseah.

"Ayan nagising ka rin! Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka jan!" walang gana niyang sabi.

"Ang ganda mo kasi eh!" Ako

"Ayieeh." pangaasar naman nila sa akin.

"Ikaw rin kaya ang gwapo ng costume mo." usal niya naman.

"Costume ko lang? " pamgaasar ko.

"Oo, joke syempre pati ikaw." At napangiti naman ako sa sagot niya.

Cold's POV

"PDA oh PDA!" malakas na sabi ni Kaizer.

"Inggit lang?" Grey

"Halika dito Kaizer para 'di ka mainggit." tawag naman ni Ailee sakanya.

"Ikaw rin Zach dito ka." Hazel

"Ian tabi tayo!" Raeri

"Honeypie!" Andrea

"Babe Cloud come here." Allyssa

"Ahm Clifford lika dito." Julia

Andito si Clifford kasi pwede maginvite ng outsider pero 1 per student lang.

"Good evening beautiful and handsome students of Moon Park University!" Denie

"We are here to celebrate our most awaited Holloween Party!" Denie

Talagang pinsan ko pa ang host nitong party na 'to.

"By the way I'm Denie Park your host for tonight." pagpapakilala niya sa sarili niya

"What are we waiting for? PARTY PARTY!" Sigaw niya.

Party girl talaga siya. Marami ng nagsasayaw sa dance floor. Pop kasi yung pinapatugtog at ako eto nilalantakan yung mga pagkain.

"Mukhang enjoy na enjoy ka sa pagkain ah." May nagsalita sa tabi ko.

Isang lalaki at halata kong matanda na ito. Familiar ang boses niya pero hindi ko masabi kung sino ito..

"Guessing my identity One."

I hightened my senses as I recognized who's voice it was. Tss, what a party crasher.

"How did you get in here?" malamig kong tugon.

"Someone invited me."

"Are you connected with that someone here?" tanong ko.

"Yes."

Who's that someone?

"What are you doing here this time Alexius."

Yeah, Alexius is here. Kung titignan mo kami parang normal lang kaming naguusap pero deep inside kating kati na kaming patayin ang isat isa.

"Nothing important, I'm just enjoying the party." sagot niya.

"Tss, I gotta go." saad ko at nginitian niya lang ako.

"Fine, then see you soon."

Wala siyang gagawin ngayong gabi sigurado ako. I know Alexius and I know that he's planning something big.

"Hoy lalim ata ng iniisip mo Iseah my labs?" Grey

"Wala lang 'to."

"Sino pala yung kausap mo kanina."

Napansin niya pala 'yon.

"Bisita din, outsider."

"Ah tara na sa table." Napatango naman si Grey.

"Mauna ka na idala mo na rin itong plato ko. Kukuha pa ako."

"Takaw ah." Grey

+++

Vote and Comment!

Sino kaya si Someone? Bakit andun si Alexius? Curious kayo no? Ano nga kayang plano ni Alexius? Basahin sa next chapter!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now