15: Childhood Friend's Confession

26.5K 703 7
                                    

CHILDHOOD FRIEND'S CONFESSION

Hazel's POV

"Asan si Yelo?" tanong ni Grey ng mapansin niyang hindi sumunod sa amin si Cold.

"Nagpaiwan kasama si Ailee susunod daw sila." sabi ni Andrea.

Nagtinginan kami ni Rae na para bang naguusap kami.

They're talking about something. Sa aming apat silang dalawa ang nakakatakot. Tahimik sila pero hindi mo lang alam pinplano na pala nila yung pagmurder sayo. Sila yung tipo ng tao na wala gaanong pakealam sa mundo pero pag nagalit kakaiba.

"Guys una muna kami ni Andrea!" Sabi ni Shawn tapos nagthumbs up siya sa likod ni Andrea.

"San tayo pupunta?" inosenteng tanong ni Andrea kay Shawn.

"May ipapakita ako sayo." Tapos hinila na niya si Andrea papunta sa kung saan.

Biglang tumahimik.

"Anyare?" sabay na sabi ni Ian at Rae tapos nagkatinginan sila.

Namula naman si Ian.

"Ian anyare sayo? Okay ka lang ba?" tanong ni Raeri sabay lapit niya kay Ian.

"A-ah nakakahiya mang sabihin pero kinikilig ata ako." Sabay yuko niya.

"Weh? Parang ako rin! Hahaha! " parang tangang sagot ni Rae.

"Tara!" aya sa kanya ni Ian at tumayo na sila.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Kaizer.

"Dyan lang sa tabi tabi, magdedevelop ng feelings!" sabi ni Rae at tuluyan ng umalis.

"Crazy." bulong ko habang nakatingin sa dalawang paalis na tao. Ang weirdo talaga ng dalawang yun kapag nagsama.

"Kala ko ba susunod siya? Ang tagal naman ata?" mahinang sabi ni Grey.

"Uy hinahanap niya!" Pasundot sundot na sabi ni Kaizer kay Grey.

"Hindi no tss, jan na nga kayo." At tuluyan na siyang umalis.

S

I

L

E

N

C

E

Ilang sandali pa ay dumating na si Ailee, walang Cold na kasama.

"Ehem." pagpapapansin ni Kaizer at napatingin naman sakanya ang bagong dating na si Ailee.

"Sorry pala dun sa pagsigaw ko sayo kagabi." sabi ni Kaizer.

"Okay." tipid na sagot ni Ailee.

"Parang hindi pa naman ata okay eh." hindi siguradong sagot ni Kaizer.

"Okay na nga!" inis na sabi ni Ailee.

"Weh?" pagsisiguro ni Kaizer at halata kay Ai na asar na asar na siya.

"Gusto mong maging bati tayo? Libre mo ako." sabi ni Ailee.

"Yun lang ba? Sige ba! Kung hindi lang kita gusto eh." Tapos may binulong si Kaizer na hindi namin marinig.

"Huh? Anong sabi mo?" Ailee na nagiintay na ituloy ni Kaizer ang sasabihin niya.

"Wala sabi ko order na po tayo madam." Tapos naglakad na sila paalis.

Do I really have to witness all that shit?

Wow at naiwan kami dalawa dito. Ako si Zach. Cold asan ka na ba, save me from this scene. Fvck ang awkward dito, I need to escape.

Andrea' s POV

Hindi ko alam kung anong ipapakita ni Shawn sakin kaya nagpahila na lang ako sakanya.

Naglalakad lang kami hanggang sa makarating kami sa isang garden at nagulat ako dahil may ganito pala dito. Ang ganda, isa itong butterfly garden.

"Ang ganda dito Shawn!" amazed kong sabi habang nakatingin sa mga paru parong lumilipad.

"Teka bat pala tayo andito?" tanong ko kay Shawn at tinignan ko siya.

"May sasabihin sana ako sayo Andrea." kinakabahang sabi ni Shawn.

Ano ba ang sasabihin ni Shawn at mukhang siyang di makatae.

"Ano?" inip kong tanong dahil sa pananahimik niya.

"Uhm Andrea, I l-love you!" sabi niya at yumuko.

Ako? Eto naglulupasay na sa kilig de joke lang, I'm still in the state of processing dahil sa sinabi Shawn.

"Andrea?"

Di ako makapagsalita sa gulat kaya tumalikod na siya at parang bumuntong hinga.

"Shawn."

"Alam ko namang di mo ako gusto eh. Nagtry lang ako kahit alam kong wala talaga akong pagasa." Napangiti ako sa inaakto niya.

"Dumagdag ka na pala sa mga linya ng bakla ngayon Shawn. Sayang mahal pamandin kita." Napatigil siya at liningon ako. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.

"Excited ka kasi masyadong umexit eh ayan tuloy na Columbia Zone ka!" pangaasar ko pero niyakap niya nalang ako ng mahigpit.

"Thanks Andrea! YESS GRADUATE NA AKOOOO!"

Huh? Graduate? Saan naman?

"Sa'n?" taka kong tanong at nginitian niya lang ako.

"Sa Torpe University hahaha."

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon