38: Nicole Briones

21.7K 546 10
                                    

AUCTION

Isipin niyo nalang po na nakawig ng brown si Sandara!

Cold's POV

"KYAAAAAAAHHHHHHH!"

Sigaw ko ng makita ko ang isang babaeng duguan sa harap ko. Ngayon lang uli ako natakot ng dahil sa multo.

Tumayo agad ako at sinubukang buksan ang pinto pero ayaw magbukas. Papalapit na siya ng papalapit sa akin.

Ayan na siya sobrang lapit na! Shit malalaglag na ata yung puso ko sa kaba dahil ayaw pa rin bumukas ng pinti.

Pero sa awa ng Diyos, bumukas rin yung pinto at kasabay nun ang pagbukas ng katapat na pinto. Lumabas din dun si abo at hawak yung tagiliran niya.

Naghawakan kami ng kamay at sabay na tumakbo pababa. Basta tumakbo lang kami ng tumakbo ng...........

BLAG

3rd Person's POV

Lahat sila ay tumatakbo at hindi inaasahan na pareparehas silang lahat ng direksyon na pupuntahan.

*BLAG*

Nagkabanggaan sila lahat at sabay sabay na napahiga lahat sa sahig.

"Waaaahhh nagkita kita rin tayo!" mangiyak ngiyak na sabi ni Andrea.

"Ayoko na dito! Alis na tayo!" natatarantang usal ni Cloud.

Tumayo na sila at agad na nagtakbuhan papunta sa pinto at ng makalabas na sila ay nakita nila agad si manong Erny na nagwawalis sa labas.

"Oh aalis na kayo?" tanong ni manong Erny.

"Ah o-opo." utal na sagot naman ni Allyssa.

"Sige ingat kayo! Balik kayo sa susunod!" Nakangiti pa ang matanda habang kumakaway sa kanila.

Never! Hinding hindi na ako babalik dito! Yan ang iniisip nilang lahat.

Pumasok na sila sa coaster at umalis na sila para magcheck in sa hotel.

HOTEL

Cold's POV

Isa isa kami ng kwarto at ngayon kakatapos lang namin kumain ng dinner.

"Guys ehem my mahalagang announcement! " Si Shawn habang abot tenga ang ngiti tapos hawak niya yung kamay ni Andrea na siya namang namumula.

Tumahimik naman kami at inaantay ang susunod na sasabihin ni Shawn.

"Kami na ni Andrea!"

"Congrats pare!" Ang mga boys tapos nag man hug sila.

"Hoy ikaw pag pinaiyak mo si Andrea patay ka sa amin!" Mga girls naman except sakin kasi tamad akong magsalita.

"Yes ma'am!"

"This calls for a celebration!" sigaw ni Kaizer.

Parang may birthday sa dami ng inorder nila. Umorder din sila ng hard drinks pero milk shake lang yun aming apat dahil may mission pa kami mamaya.

Nagsimula na rin silang maginuman at after an hour bagsak na si Andrea at Allyssa except sa aming apat at yung mga boys.

"Guys tama na. Akyat na kayo sa mga room niyo kami na bahala dito sa dalawa." pagpresenta ni Ailee dahil kailangan na naming maghanda.

"Aish lumelendol bash?" Ian

"Hendi paresh... Lumilipad ata *huk* tayosh haha." Shawn

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now