51: No One Remembered

17.6K 422 1
                                    

NO ONE REMEMBERED

Cold's POV

Nagising ako dahil sa isang alarm. Hindi naman ako naga-alarm ah. Saturday kaya ngayon walang pasok.

Kinuha ko ang phone ko sa side table at tinignan ito.

"Happy Birthday." Basa ko sa title ng alarm.

"Shit birthday ko nga pala." Nasabi ko nalang ng marealize ko ito.

Nasapo ko nalang ang noo ko. Sa dami kasi ng mga nangyayari lately ay hindi ko naisip na malapit na pala ang birthday ko at ngayon yun na pala 'yon. Ay pati pala sila Cloud at Clifford.

Tinignan ko ang iras at seven palang ng umaga at hindi na ako makatulog uli kaya naligo nalang ako at nagbihis.

Pagbaba ko inaasahan ko na ang malakas na sigaw nila ng HAPPY BIRTHDAY EMPRESS!!! Pero wala, tahimik sa bahay. Baka naman tulog pa.

Dumeretso ako sa ref at binuksan yun pero sinara ko rin ito agad dahil may napansin akong note na nakalagay doon. Kinuha ko ito at binasa.

Dear Empress,

Sorry kung umalis kami ng walang paalam. May lakad kasi kami. HAPPY --------------- BREAKFAST!

~Raeri, Hazel and Ailee

So hindi talaga nila ako grineet. Baka naman pinagtitripan lang nila ako? Tss, matawagan nga sila.

*Ring Ring Ring*

[Hello Empress!] sagot ni Raeri mula sa kabilang linya.

"Wala ka bang natatandaan?" usal ko naman agad.

[Huh? Ano yun emp?] Raeri

"Wala ka bang sasabihin?" tanong ko uli.

[A-hm may nakalimutan ba akong sabihin?] tugon niya naman.

[Wala naman.] rinig kong sagot ni Hazel at Ailee sa kabilang linya.

"Sigurado kayo?" paniniguro ko.

[Ah oo nga pala! Good morning Empress ayan nasabi ko na. Ibababa ko na empress ha nagmamadali kasi kami, byeee!]

Tapos naputol na yung tawag.

"WHAT THE HECK?! KINALIMUTAN TALAGA NILA?" Para akong tanga na sumisigaw magisa.

I feel so down.

Kahit si Grey walang text. Kahit isa walang naggreet sa akin.

Huh! Sige sa susunod na magkikita kami who you sila sa akin. Nakakaasar sila.

BEEP BEEP BEEP

Shet eto na ata yun! Excited kong binasa ang text pero nanlumo ako sa nakita ko.

From: Dad

Sorry princess 'di ako nakapag paalam sa iyo nasa business trip ako ngayon dito sa Vegas. Don't worry I'll be back next week. May pasalubong ka sa akin. I love you princess take care!

Pati ba naman si dad? Hindi niya naalala? Tapos aalis pa siya ng bansa.

I guess I will celebrate my birthday alone.

Pero ayoko namang mabulok lang dito sa bahay diba! Diretso na akong lumabas at sumakay sa sasakyan ko.

Pagkarating ko sa mcdo pinagtitinginan ako. May mali ba sa akin o sadyang maganda lang talaga ako?

Naka white shorts lang naman ako at red shirt na may design na tiger. Umorder ako at kumain lang ng may umupo sa harap ko.

" Miss may kasama ka ba?" biglang epal ng isang lalakeng mukhang ipis.

"Sa tingin mo?" sarcastic ko namang sabi. Tsk, badtrip ako ngayon wag siyang epal.

"Hehe joker ka pala miss." Ipis

"Eh kung gawin ko kayang kamukha ni Joker yang mukha mo." pabalang kong sagot.

"Aba angas mo ah." Tumayo na siya.

"Bakit inggit ka?"

"Talagang---"

Sasapakin na sana niya ako ng dumating yung guard.

"Ma'am may problema po ba?"

"Muntik na niya akong sapakin manong." Dahil sa sinabi ko ay nilabas nila yung lalake.

Lumabas na rin ako dahil tapos na rin naman ako magbreakfast.

Dumeretso ako sa malapit na mall. Maraming napapatingin sa akin pero wala akong pake. Badtrip ako ngayon kaya wag nila akong umpisahan.

Bumili ako ng kung ano ano. Naglaro sa arcade tapos kumain. Ganun lang ang cycle ko. Wala talaga ako sa mood.

Nagdridrive ako hanggang sa mag ring ang phone ko. Sinagot ko yung tawag.

"Oh?" Ako

[One may invitation pong dumating para sa isang party. Pupunta po dun ang head ng mga mafia.] agad na sagot ni Seito.

"Where are you Seito?"

[Dito po sa park malapit sa bahay niyo.]

"Papunta na ako." At pinatay ko ang tawag at nag focus sa pagdri drive.

Agad agad akong nagu-turn kahit alanganin yung posisyon ng kotse ko. Nakarating naman ako agad sa may park.

"Where's the invitation?" Binigay niya naman sa akin ang envelope.

"Anjan na po yung time and place may dress coding po. Nakabili na po pala ako ng gown mo nasa bahay niyo na po." turan niya tapos umalis na siya.

Six PM at Black Palace

Four na rin ng hapon, makauwi na nga. Kailangan ko pang magayos. Para saan naman kaya ang party na ito.

Mas mabuti na to para hindi ko maisip na birthday ko ngayon at wala man lang nakakaalala.

+++

Vote and Comment!

Spoiler!

I graciously walked on the red carpet and as the door opened my mouth was left hanging.

" What the fvck is happening? "

What is he doing here?!

" Welcome my dear. " He said

I just gave him my confused look.

" You're just on time because this is the time to end---------- "

Hep hep hep spoiler palang po yan. Abangan sa next chapter!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now