33: She saved me! Twice

22.7K 595 16
                                    

SHE SAVED ME! TWICE

Grey's POV

Ang lakas niya. Yung dating niya kakaiba. Akala ko talaga mamamatay na ako kanina pero dumating siya para iligtas ako. Ibang klase siya. Malayong malayo ang agwat ng lakas niya sa akin.

Hindi parin ako makapaniwalang nagsama saman ngayon dito ang mga pinakamalalakas na gangsters, assassins, reapers, elites at si Fallen Angel. Hindi ko inaakalang siya rin pala si One ng Moon Park Mafia. Ang Empress ng Moon Park Mafia.

Matinding kaba ang gumagapang sa dibdib ko at purong katahimikan ang bumabalot sa GA. Lahat nagiintay ng mga papasugod na kalaban.

Bumasag sa katahimikan ang isang nabasag na bintana at kasabay nito ang paglabas na ng mga kalaban. Nagsign of the cross muna ako.

Sana hindi po ako mamatay sa laban na ito kasi kakarealize ko lang po na mahal ko si Yelo tapos hindi pa ako nakakapanligaw, tapos hindi pa nagiging kami, tapos ikakasal pa kami, tapos magkakaanak pa kami ng madaming madami!

Hay mabubuhay ako para sayo Yelo!

Nakita ko sina Two, Three at Four na nakikipaglaban na sa may entrance pero kahit tatlo lang sila eh kayang kaya nilang patumbahin lahat ng kalaban nila.

Sumugod na rin ako sa mga kalaban at pinagbubugbog sila.

30 mins na rin ang nakalipas at hindi maubos ubos ang mga kalaban. Nakakatakot si Fallen Angel dahil gigil na gigil niyang pinagsusuntok ang mga humaharang sa kanya at lahat tulog.

May mga pasa narin ako sa katawan ko. Napapagod na rin ako pero parang walang katapusan ata ang pagdami ng mga kalaban namin.

Habang may binubugbog ako eh hindi ko napansin na may humampas na pala ng baseball bat sa likod ko kaya napaluhod ako sa sakit.

"Acckk!"

Tapos may sumuntok naman sa tyan ko kaya tuluyan na akong napahiga.

Papaluin na ako sa ulo uli ng baseball bat at napapikit ako. Inintay ko ang paghampas sa akin pero wala akong naramdaman. Pagmulat ko tumba na yung kalaban at nasa harap ko si Fallen Angel.

"Watch your back." malamig niyang sabi. Parang hinihigop ako ng mata niya ng mapatitig ako sa mata niya.

Brrrr lameeegg!

Ailee's POV

Magiisang oras narin ang laban.

Ubos na namin ang mga kalaban sa entrance kaya tumulong na rin kami sa iba para matapos na agad sila.

Alam kong pagod na ang iba dahil hindi sila sanay sa mga ganitong matagalang bakbakan. Hindi katulad namin nila Raeri, Hazel, Cloud, elite, ang 10S at lalo na si Cold.

"Four check the perimeter." sabi ni Cold sa earpiece. Agad namang umalis si Raeri at lumabas.

Onti nalang naman ang natitira hanggang sa maubos na sila. Nagsalita na rin si Raeri.

"Empress clear na."

Hayy sa wakas tapos na rin. May pasok pa bukas hayy parang gusto ko lang matulog magdamag.

KINABUKASAN

Grey's POV

Last subject na namin ngayong umaga at wala parin sila. Kung itatanong niyo kung sino eh si yelo my love and friends + masamang ulap.

Kami nga dapat yung absent kasi puyat kami dahil sa laban kagabi pero heto kami ngayon nagaaral parin! Seh ang drama ko naman hahaha nalate nga rin ako sa katunayan haha.

"So class for your project you will be grouped. So kailangan niyong gumawa ng isang power point presentation about a certain place. Kailangan niyo mismong pumunta sa lugar na yun para makakuha ng actual pictures and videos." Ma'am

"Ma'am what about our groupings? Choose your own po ba?" excited na tanong ni Ian.

"Yes, but 4 groups only. Now group yourselves."

Nakabuo na ng group yung iba at sinulat na sa paper saka pinasa kay ma'am.

Nasulat na rin si Ian. Nang ipapasa na niya eh hinablot ko muna at tinignan yung sinulat niya.

Ian
Grey
Zach
Shawn
Kaizer
Cold
Ailee
Hazel
Raeri
Andrea
Cloud

So all in all 11 kami at 35 lang kami sa klase hahaha kami ata ang may pinakamadaming members.

"Bakit kasali yang ulap na yan?" nababanas kong tanong habang inabit sakanya pabalik ang papel.

"Syempre kaibigan natin yan." sagot niya naman.

"Tss kaibigan niyo lang."

Pinasa na nila yung paper.

"Magbubunutan kayo para sa lugar na pupuntahan ninyo. First group start na."

Bumunot na ang leader nila at ang nabunot niya eh Streisand Beach and Resort.

Yung next group naman eh David's Museum

Tapos sa susunod eh Knight's Resto Bar.

"Hoy Ian ikaw na bumunot tutal naman ikaw pumili ng mga members natin!" utos naman ni Zach.

"Oo na ako na. Sisiguraduhin kong magandang lugar ang pupuntahan natin at mageenjoy tayo doon!"

Tumayo na siya at shinoot ang kamay niya sa fish bowl. Inikot ikot niya muna yung kamay niya bago siya may madampot na isa.

Binuksan niya yun at hindi muna sinabi. Nagbago ang expression ng mukha niya tapos napalunok siya.

"Ah ma'am pwede isa pa? Blangko itong papel eh." Ian na mukhang natatae.

"Wala akong nilagay na blangko jan mr. Ian." Ma'am

"Hoy Ian san ba tayo pupunta!" takang tanong ko sakanya.

"Ah sa l-libingan n-natin." nauutal niyang sambit.

"Huh? Wag mo sabihing sa sementeryo tayo pupunta?" gulat na sabi ni Shawn.

Sementeryo? Naiisip ko palang na dun kami pupunta eh kinikilabutan na ako.
Hindi naman siguro dun diba?

"Ma'am hindi na ba talaga pwedeng palitan?" nagmamakaawang usal ni Ian.

"Sorry hindi na pwede kung anong nakasulat jan yang ang pupuntahan niyo. Patingin nga." Binasa ni ma'am ang nakasulat.

"Lemperouge's Mansion."

Isang mansion lang pala eh, kala ko naman kung sa sementeryo na.

"Hoy Ian pinakaba mo kami dun akala namin yung saan na eh!" sigaw ni Kaizer.

Napailing lang si Ian at mukha siyang nalugi.

"Excited na akong pumunta dun!" Si Zach naman at mukhang nagiimagine na siya.

"Oo nga siguro may pool dun tapos magswiswimming tayo!" excited na sambit ni Shawn.

"Tapos maraming pagkain!" Ang baboy talaga nitong si Kaizer.

"Parang camping!" dagdag ko naman.

"Ah wait may hindi pala ako nabasa sorry." Napatingin naman kami bigla kay ma'am tapos kay Ian na hanggang ngayon nasa harap parin at nagbuntong hininga siya.

"Lemperouge's HAUNTED Mansion. That's all goodbye. Deadline of your project is before exam. " huling sabi ni ma'am bago lumabas ng room.

"Haunted lang pal------ ANO? HAUNTED? YUNG PUPUNTAHAN NATIN HAUNTED???!!!!" Ako

Nawasak yung pagiimagine ko dahil sa narinig ko. Ito ba yung sinasabi ni Ian na magandang lugar kung saan kami mageenjoy?

Sa isang haunted mansion?!

+++

Inimbento ko lang po yung mga lugar!

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum