23: Her Schemes

22.9K 653 16
                                    

HER SCHEMES

Sophia's POV

Niyakap ko si Grey, ang aking mahal. Oo mahal ko siya. Simula bata palang kami pero hindi niya alam. Hanggang tingin lang ako mula sa malayo dati pero ngayon hindi na at hindi ang blonde na babaeng yun ang makakaagaw sa kanya.

Updated ako sa lahat ng bagay, lalo na pag dating kay Grey. At naaasar ako sa babaeng blonde na 'yon.

FLASHBACK

Nasa sasakyan na ako at iniintay ko nalang ang driver ko para ihatid ako sa MPU, ang pinapasukan ni Grey na school.

Habang iniintay ko si manong ay nag facebook muna ako. Pagbukas ko pa lang ng app, post na ni Grey ang bumungad sa akin at halos masira ko na ang phone ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Hindi lang kasi si Grey ang nasa picture kundi picture nila at ng babaeng nakasandal sa balikat niya habang sila ay tulog.

Tinignan ko naman ang mga friends niya sa facebook at may nakita ako na ikinainis ko talaga.

Cold~Grey Fans Club

Nakashare rin doon yung pinost ni Grey.

Ieexit ko na sana ng mapansin kong may bagong post ang Fans Club na yun at tuluyan ko na ngang naibato ang phone ko sa labas ng kotse.

Pano ba naman kasi, may picture na sinusubuan siya nung blonde tapos nagpupuppy eyes siya sa blonde na yun!

Tss, hindi ako makakapayag na makuha niya si Grey dahil akin lang siya.

"MANOOOONG ANG TAGAL MO! MALELATE NA AKO!!!" inis na sigaw ko sa driver namin at nagmamadali naman siyang lumapit sa akin.

Pinagmadali ko siyang magdrive para lang makapunta agad sa school.

END OF FLASHBACK

Papaupo na kami sa upuan ko ng naramdaman ko na tumaas ang balahibo ko. Yung feeling na para bang may nakatingin sayo at paglingon ko sa gilid eh hindi nga ako nagkamali.

Isang pares ng mga malalamig at walang expression na mga mata ang nakatingin sa akin. Tinignan ko ang kabuuan niya at narealize kong siya yung babaeng blonde na nasa picture kasama si Grey.

Hindi ko siya mabasa dahil ni isa ay wala kang makikitang pagbabago sa expression niya. Kaya ba Cold ang pangalan niya sa fb dahil malamig ang ugali niya?

Ako na ang umiwas ng tingin dahil parang di siya papatalo sa staring contest namin.

Sa buong klase ay tahimik lang yung blonde at blanko ang mukha and it makes me hate her more.

LUNCH

Nauna kaming lumabas dahil pupunta na kaming cafeteria para maglunch.

"Bakit di pa tayo aalis?" taka kong tanong dahil hindi pa rin kami umaalis mula sa harap ng room.

"Ah wait lang Phia ha kasama kasi natin sila.  Shawn sabay turo kay blonde pati sa apat niya pang kasama.

"Tara na honeypie!" sabi ng isang babae kay Shawn at saka kinawit ang kamay niya sa braso ni Shawn.

Sino siya? Tss hindi sila bagay! Mas bagay pa yung friend kong si Beatrice sa kanya.

"Ah oo nga pala, Phia si Andrea soon to be girlfriend ko." pagpapakilala si Shawn at inabot naman nung Andrea yung kamay niya sa akin.

Napilitan naman akong kunin 'yon at pasimple ko na lang siyang inisnaban saka tumingin na kay Zach.

"Phia si Hazel pala." Sabay turo niya sa babaeng katabi niya at tipid lang na tumango ang babae sa akin.

Mas better si Kath jan.

"Phia si Raeri nga pala asawa ko, joke." pilyong sabi ni Ian at nginitian lang ako nung tinawag niyang Raeri.

Mas maputi lang yan kay Jean.

"Si Ailee nga pala Phia." pagpapakilala ni Kaizer sa babaeng hindi man lang akong binigyan ng isang tingin.

What a bitch!

Kay Jean pa rin ako.

Napatingin naman ako sa babaeng blonde na 'to at iniintay siyang magpakilala pero hindi siya nagsalita.

"Phia siya si Cold." Bakit si Grey ang nagpakilala para sa kanya? Ano bang meron sila.

Cold pala ang totoong pangalan niya. Kasing cold niya ang pangalan niya.

Tinignan niya lang ako na para bang hangin at saka nagsimula nang lumakad.

Nainis naman ako bigla sa inasta niya.

Sumunod naman na ang iba at may kanya kanya silang mundo.

Ako, si Grey at yung Cold lang ang hindi naguusap. Nahuhuli ko si Grey na nakatingin sa Cold na yun habang naglalakad.

Pagdating namin sa caf, biglang tumahimik ang paligid.

"Kami na magoorder." Pagpepresinta ng mga lalake at kanya kanya naman sila ng lapit pero ang ikinagulat ko eh hindi sa akin lumapit si Grey kundi kay
Cold.

"Yelo ano sayo?" tanong ni Grey kay Cold.

"Galit ka diba?" walang ganang sabi niya habang nakatingin sa kawalan.

Yelo? Ano yun endearment nila?

"Grey ako na ang tanungin mo!" asar na sabi ko.

"Ah wait lang Phia ha si Yelo muna." mahinanon na sabi ni Grey at saka ibinaling uli ang atensyon kay Cold.

Talagang uunahin niya pa yang babaeng 'yan kesa sa akin.

"Siya na ang puntahan mo Abo. I can order my own  food." Pati ang boses niya ay napaka lamig. Abo at Yelo? Bakit ganun ang tawagan nila?

"Ano sayo Phia?" Para namang napipilitan lang na tanong sa akin ni Grey.

"Spaghetti at juice lang." Umalis na sila para magorder at kami kami lang ang natira dito sa table.

May sari sarili silang buhay. Si Andrea at Raeri eh naguusap , si Ailee at Hazel naman may pinagkakaabalahan sa mga phone nila at si Cold naman, may kausap sa phone.

"Chef Laurence bring me lots of food now." sabi ni Cold at ibinaba na ang phone niya at tumingin sa akin.

Nagkatitigan kami pero ako yung unang umiiwas dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. She's something.

"Oh Cold bakit di ka pa umoorder?" tanong ni Zach ng makabalik sila.

"Nagorder na ako parating na." malamig niyang sabi at bigla namang bumukas ang isang door sa gilid ang lumabas ang lalakeng nakaapron at sumbrero ng chef habay may hawak hawak na tray. Kasunod niya ang lima pang mga cook na may hawak ring tray ng mga pagkain.

"Ms. Cold here is your food." magalang na sabi ng Chef at inilapag na sa table ang pagkain niya.

"Inutusan mo sila?" manghang tanong ni Kaizer.

"Madali lang naman silang kausap eh." Si Cold habang kinukuha ang spoon and fork niya 

"How did you do that? Alam mo bang ikaw palang ang estudyanteng nakapagutos sa kanila." usisa naman ni Zach.

Hindi niya pinansin ang mga sinasabi nila. Dahil busy siya kakatingin sa pagkain niya

"Chef I think you forgot something." sabi ni Cold at saka tumingin sa chef.

"Ah your steak is coming right up ms Cold." Tapos bumalik naman sa loob ang Chef at kinuha ang steak ni Cold.

"Ms here is your steak. Enjoy your lunch." sabi ng chef ng makabalik siya at saka umalis na.

"Talagang pinabalik mo pa siya?" amazed na sabi ni Ian.

"Nakalimutan niya yung steak ko eh." sagot naman ni Cold at kumain na siya.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now