14: Ms. Genius

25.4K 700 4
                                    

MS. GENIUS

Cold's POV

Mahimbing ang tulog ko ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya napamulat ako at kinuha ito sa bulsa ng jogging pants ko.

Ba't naman tumatawag si Raeri? Tanong ko sa sarili ko ng makitang tumatawag nga siya.

Sinagot ko naman ito at nilagay ang cellphone sa tapat ng tenga ko habang nakahiga pa rin.

[Empress asan ka ba?]

"Sa puno."

[Malapit ka na nilang idisqualify kasi late ka na.]

Napabangon ako mula sa pagkakahiga ng marinig ko ang sinabi ni Raeri mula sa kabilang linya ng tawag.

Pinatay ko agad ang tawag at saka tumalon pababa sa puno. Tumakbo agad ako papuntang conference hall, kung saan gaganapin ang quiz bee.

Nang makarating ako ay nakita ko naman sila sa venue.

"Cold nakipag marathon ka ba?" naguguluhang tanong ni Andrea ng makita ang itsura ko.

Di ko masagot ang tanong ni Andrea dahil hinihingal pa ako dahil sa pagtakbong ginawa ko kanina.

"Tumakbo ka?" takang tanong ni abo.

"Hinde gumapang ako, try mo." At ng mahabol ko ang hininga ko ay sinagot ko ng bored kong si abo at pumunta na sa harap, kung nasaan ang ibang contestants.

"So ngayong complete na ang mga participants magstart na tayo." Emcee

"Ang objective dito ay paramihan ng masasagot na questions at unahan kayo. So ready?"

"Yes." sabi ng mga contestants maliban sakin kasi tamad ako.

"So here's your first question. Kailan namatay si Diego Silang?"

Ailee's POV

Ngayon na ang Qiuz Bee Contest at unang tanong pa lang ay masasabi kong magiging madali ito para kay Empress.

Hindi Filipino si Cold pero matalino siya, yan lang ang basehan ko.

"Boards up." Emcee

Nagtaas silang lahat ng boards at si Cold lang ang tama. 1763 ang tama pero nagiba ang expression ng mukha ni Cold habang nakatingin sa pambato ng Clinton. Yung tingin na para bang may gagawin siya and I hate that look.

"Next question. Sa isang painting kapag nakataas ang dalawang paa ng kabayo ay namatay ang tao sa anong dahilan?"

"Boards up."

The answer was 'Namatay sa labanan' at tama 'yon ni Cold. Nakuha ni Cold lahat ng questions kaya 1st kami sumunod naman ang Clinton na 7 ang nakuha.

"Moon Park university is sure lucky because they have a one heck of a genius girl. Congratulations winners!"
Emcee

Lumabas na ang lahat hanggang sa kami nalang ang natira dito.

"Ang talino mo Cold!" manghang usal ni Andrea.

"Oo nga congrats Cold." bati naman ni Kaizer kay emp.

"Pano mo nalaman yung mga sagot dun? Ang hihirap nun ah!" sabi naman ni Ian.

"Hindi mahirap yun sadyang di mo lang talaga alam ung sagot!" pangaasar naman ni Shawn kay Ian.

"Ikaw alam mo rin ba?" pagbabalik naman ni Ian ng tanong kay shawn.

"Hinde! Tss, pake mo ba!" sagot naman ni Shawn.

"Hep hep tama na yan! Magmeryenda muna tayo kasi magchicheer tayo mamaya para kay Cold!" awat ni Andrea sa dalawa at tumigil nga sila.

"Ikaw nalang. Sa lakas naman ng boses mo eh parang isang batalyon ang sumisigaw." Shawn

*pak*

Isang batok ay natanggap ni Shawn mula kay Andrew.

"Bad ka! Di na kita bati!" Sabay talikod ni Andrea.

"Joke lang yung Andrea. Bati na tayo please?" panunuyo naman ni Shawn.

"Mmhh sige na nga!" Tapos nagyakapan sila.

"Grabe ang tamis niyo! Baka mamaya ma diabetes na kayo jan ha!" bitter na sabi ni Kaizer.

"INGGIT KA LANG!" sigaw nung dalawa.

"Tara na guys!" sigaw ni Zach pero hindi kami gumalaw ni Cold.

"Uy tara na daw!" paguulit ni Rae at saka nagumpisang maglakad palabas.

Nang makaalis na sila ay napansin kong dalawa na lang kami ni Cold ang natira dito sa hall. Ba't hindi pa gumagalaw si Cold? May problema ba siya?

"Hindi ka ba sasama?" I asked Cold dahil hindi siya nagsasalita.

Pero iba ang naging sagot niya sa tanong ko.

"They should fucking know their place and they should behave well. They're too naive to not know that they're messing with the Fallen."

"Who are you talking about Emp?" curious na tanong ko pero binigyan niya lang ako ng iling bilang sagot.

Tapos umalis siya bigla at iniwan niya akong nagtataka. Sino ang tinutukoy niya?

Hahayaan ko mo na muna siguro, magpapalamig lang yun ng ulo.sambit ko at bigla akong nakaramdam ng gutom.

Makapunta na nga lang sa kanila at naglakad na nga ako papunta sa cafeteria.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now