27: It Hurts Like Hell

22.6K 590 2
                                    

IT HURTS LIKE HELL

Cold's POV

"Cold anong nangyari?" galit niyang sigaw.

First time niya ata akong tawagin sa pangalan ko at nasabi niya yun dahil galit siya sa akin.

"Wala." tipid kong sagot at pinilit na tumayo..

"Anong wala?! Bakit may sugat si Phia sa ulo? Paanong walang nangyari eh walang malay si Sophia?" sigaw niya pa.

Hindi ko na magawang magsalita pa dahil nanghihina na ako. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa sugat ko at napakapit ako bigla kay kuya dahil nanginginig na ang tuhod ko.

Nilingon ko si abo at nakita ko na lang siya na inaalalayan ang kagigising na si Sophia.

"Sophia are you okay? Anong nangyari?" nagaalalang tanong ni abo.

Napatingin naman siya sa akin at nagsimula ng umiyak. Fvck, mukhang ako pa ang lalabas na masama rito. Tch, I don't give a damn kung magalit sila sa akin.

"Si Cold! Tinulak na niya lang ako bigla tapos nauntog ako sa pader."

Naiyukom ko nalang ang kamao ko at napabuntong hininga nalang. Hindi ko sila masisisi kung ganito ang tingin nila sa akin. Ano nga bang laban ng mga salita ko kumpara sa salita ng 'kaibigan' nila.

"Pano mo nagawa yun Cold? Akala ko pa naman iba ka. Walang ginagawang masama sayo si Sophia tapos sasaktan mo lang siya." inis na sabi sa akin ni abo at ang sama ng tingin niya sakin.

Bakit ganun siya makatingin? Iba yung epekto sakin, imbes na maasar ako parang mas sumasama lalo yung pakiramdam ko.

Hindi ko alam kung bakit, but damn, the way he treats me and his words hurt like hell.

Hindi ko nalang yun pinansin at pilit na tumalikod. Inalalayan naman ako maglakad ni kuya at sumunod din naman sila Rae.

HOSPITAL

"Anong nangyari kanina baby Cold?"
tanong ni kuya matapos akong magamot.

"They attacked me." bored kong sabi habang nakatingin sa malayo.

"I mean yung sa inyo ni Sophia." At naalala ko naman bigla ang galit na mukha ni abo.

"Wala akong ginawa. Siya yung babarilin pero hinarangan ko." mahina kong sabi.

"What? Are you out of your mind? Ikaw naman yung nasaktan dahil sa ginawa mo." galit na sigaw sa akin ni kuya.

"Wala siyang alam kuya tsaka kambal yun ni Sophia." pagpapaliwanag ko.

"Huh? Diba siya si Sophia?" naguguluhang tanong ni Rae.

"No nagkakamali kayo. She is Sophie Clemson twin of Sophia Clemson. Obsessed siya kay Grey kaya niya ginagawa lahat ng ito." sabi ko.

"Ano resbakan na ba namin?" At tumayo bigla si Haze.

"Wag na, sige na alis na kayo. Balik na kayo ng school. Gusto kong magrest."

Wala naman silang nagawa at nagpaalam na lang bago umalis.

Tinawagan ko na si Sophia, ang totoong Sophia Clemson at sinabi sa kanya ang nangyari nagpapasalamat naman siya dahil maiuuwi na niya ang kambal niya sa Indonesia. Nagaalala na rin daw kasi ang parents nila.

Ng matapos kaming magusap ay binaba ko na ang tawag at naalala ko ang nangyari kanina.

Silence filled the room. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ang lakas ng impact ng sinabi sa akin ni abo kanina.

Ganun ba kahalaga para sa kanya si Sophie? Kung alam ba niyang hindi siya si Sophia ganun parin ang magiging reaction niya?

Hmmph itutulog ko na nga lang to.

Grey's POV

"Grey sa tingin mo hindi ba sobra yung ginawa mo kay Cold?" rinig kong sabi ni Zach.

Ewan ko, naguguluhan din ako pero si Sophia yung nasaktan dito.

"Dapat lang yun, sinaktan niya si Sophia." sagot ko naman at uminom ng juice.

"Siya ba talaga ang may kasalanan?" Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi ni Kaizer.

"Oo sabi ni Sophia." usal ko naman.

"Kung iisipin mo kasi ng mabuti, hindi yun gagawin ni Cold." Napaisip naman ako sa sinabi ni Andrea dahil may point nga siya.

"Oo nga tsaka hindi nga sila close ni Phia, ano namang pagaawayan nila?" gatong pa ni Shawn.

"So ang gusto niyong sabihin, nagsisinungaling si Sophia ganun?" sambit ko sakanila.

"Hindi naman sa ganun, naguguluhan lang rin kami." sagot ni Ian.

Nanahimik ang buong room. Kami kami lang ang nandito ngayon dahil break na.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang door at ang seryosong mukha nila Raeri, Hazel at Ailee ang nakita ko.

"Raeri san kayo galing?" tanong ni Ian.

"Sa ospital." sabi niya habang kinukuha ang naiwan niyang gamit.

"Huh? Bakit sa ospital? May nangyari ba sayo?" nagaalalang tanong ni Ian.

"Kay Raeri wala pero kay Baby Cold meron." Sabat ng bagong dating masamang ulap.

Pero ano raw? May nangyari kay yelo?

"Anong nangyari?" tanong naman ni Zach.

"Bakit hindi niyo tanungin dun sa Sophia niyo? Sabagay 'di naman yun magsasabi ng totoo. "

Pagkasabi niya nun, umalis na sila bigla.

"Something smells porky." biglang sabi ni Shawn.

"May pupuntahan lang ako." Saka ako tumayo at lumabas din.

I need to unwind. Maraming mga bagay ang tumatakbo sa utak ko and I can't think straight.

Dahil sa sinabi ng ulap na yun na curious ako. Ano ba talagang nangyari? Hay, sumasakit ang ulo ko dahil dito.

Zach's POV

Lumabas si Grey at naiwan kami sa room.

"Tara sundan natin si Ailee baka pupuntahan nila si Cold!" Napatango na lang kami sa sinabi ni Andrea.

Kinuha rin namin yung bag namin at tumakbo para habulin sila Ailee, Hazel at Raeri.

+++

Vote and Comment!

Gangsters Meet The Mysterious Blonde GirlWhere stories live. Discover now