Chapter One

62K 593 39
                                    

"Being weak is a choice, so is being strong." -anon

Song for this chapter:

My Everything by Ariana Grande

 Chapter 1

Lutang ang isip.

Masakit ang ulo ko.

Namamanhid ang mga binti.

Ang mga nararamdaman ng katawan kong pakiramdam ko susuko na at maya-maya lang babagsak na ako.

Ilang oras akong gising na di na kilala ng katawan ko ang magpahinga at matulog.

Hindi na sumasagi sa isip ko ang magrelax at gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang normal na 17 years old.

Ilang buwan na lang naman din 18 na ako legal age para magtrabaho. Ang nakakalungkot lang sa murang edad sabak na ako makipagsapalaran. Mahirap ang buhay lalo na kapag di ka pinalad na ipinanganak sa mundong ito na mayaman.

Kailangan doble kayod sa pagtratrabaho at yun ang ginagawa ko ngayon.

Nasa College na dapat ako.

Siguro isa na lang din yon sa mga pangarap ko ngayon.

Wala akong pera.

Palarin man magkaroon ng trabaho gipit pa din lalo na't hindi ang bagay na iyon ang priority ko.

Hindi ko na priority ang sarili ko.

Kakatapos lang ng screening ko kanina inabot na ako ng gabi para lang mabigyan ng chance na makapasok. Hindi pa sigurado kung matatawagan ako ng agency na pinilahan ko simula kaninang umaga pa. Sa dami naming nagpasa ng resume malaking himala na yung makatanggap ng text galing sa kanila.

Tinignan ko kung may laman pa yung ATM card. Ito na lang yung natirang bagay na dala-dala ko nung na-endo ako sa trabaho sa isang laboratory. May kakilala lang ako don na laborer at pinakiusapang ipasok ako kahit ilang buwan lang.

Wala na akong mapagkuhaan na pera panggastos sa araw-araw.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Gusto kong umiyak pero wala namang mararating yon.

Kailangan kong magpakatatag.

"Miss, bibili ka ba o hindi?"

Kanina pa ba nakatayo si manong guard?

"Kanina ka pa nakatayo diyan hindi lang ikaw ang customer."

Kinuha ko na agad yung isang mineral bottled water at mabilis na umalis.

Dumaan ako sa convenient store bago dalawin si auntie na nasa hospital.

Isang plastic ng biscuit at mineral water ang nabili ko para sa sarili ko ngayong araw.

Hindi pa ako kumakain.

"Forty-two and seventy five cents."

Nagbayad na ako agad bago lumabas at nagantay ng masasakyang taxi mas mabilis at mas practical kesa magdalawang sakay pa ako.

"Bakit ngayon pa umulan?"

Malakas na buhos ng ulan ang sumalubong sakin ng makarating ako sa hospital. Wala akong dalang payong kaya nagtatakbo ako hanggang sa makapasok sa building.

Mainit.

Ang daming tao siksikan.

May mga pasyente na nakapila sa labas at ilang kamag-anak na nagbabantay.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now