Chapter Seventy Two

3.8K 88 15
                                    

"Eventually you'll end up where you need to be, with who you're meant to be with, and doing what you should be doing." - anon.

Song for this chapter:

Wherever You Are by One Ok Rock

In The Stars by One Ok Rock featuring Kiira

Chapter 72

ARIANA

Pang-apat na araw na ni Justin at hanggang ngayon mahimbing pa rin siyang natutulog.

Sa bawat araw na nagdaan nadadagdagan ang tinik sa dibdib ko habang nakikita siyang nakahilata at walang malay.

Pakiramdam ko unti-unti na siyang kinukuha sa akin.

Di ko kaya.

Ayoko.

Lalaban pa siya para mabuhay.

Lalaban siya para saming dalawa.

Di ako umalis sa tabi niya. Gusto ko na nakikita siya dahil hindi ako mapalagay kapag nawala siya sa paningin ko.

Araw-araw pinagdarasal ko na sana magkaroon ng milagro at magising siya.

Sana mailigtas siya ng tuluyan.

Walang mapaglagyan ang kaba na nararamdaman ko sa bawat paglipas ng segundo, minuto at oras.

Gusto ko na siyang makita na dumilat para mapanatag na ang loob ko na di niya ako iiwan.

Ilang gabi na rin akong di makatulog ng maayos dahil natatakot ako na baka may mangyareng hindi maganda kapag naidlip ako.

Napaparanoid na siguro ako na pati nurse na nagccheck ng vital signs ni Justin gusto kong awayin.

Tinitignan kong mabuti kung anong gagawin nila sa pasyente.

Natatakot ako na baka may gawin silang mas magpapalala ng lagay ni Justin.

Ayokong may lumalapit kay Justin maliban sa doctor na nagopera sa kanya.

Nababaliw na siguro talaga ako.

Physically,mentally at emotionally drain na ako.

Bigla kong naalala ang parents ni Justin hanggang ngayon kasi di pa sila dumadalaw rito.

Alam ba nila ang lagay ni Justin ngayon?

Kinausap ko si Ryan dahil dito. Lumabas kami saglit ng kwarto para makapagusap kaming dalawa ng masinsinan.

"Sinabi mo na ba sa parents niya ang nangyare?" Tanong ko.

"Sa erpat niya? Hindi."

Kaya naman pala wala sila rito ngayon.

"Bakit?"

"Hindi pa kailangan." As if natural lang na isagot nito sa akin ang tono ng boses niya.

Uminit na ang ulo ko.

"Anong hindi pa kailangan ang pinagsasasabi mo?" tanong ko habang tinitigna ang reaction niya.

"Ryan nakita mo ba ang lagay ng kaibigan mo don? Nakaratay si Justin. Comatose siya. Hindi mo man lang ipapaalam sa tatay niya na ganun ang lagay ng anak niya?"

Blangko ang expression ng mukha niyang nakatingin sa akin.

"Karapatan ng pamilya niya na malaman ang nangyare." Diin ko.

"Sorry princess pero di kita pwedeng sundin."

Pinanliitan ko siya ng mata.

Anong sinabi niya?

MOONLIGHT (Season 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon