Chapter Twenty

21.5K 212 21
                                    

"No relationship is perfect. As much as you would want it to be perfect it will never be perfect." -anon

Song for this chapter:

Almost Is Never Enough by Ariana Grande ft. Nathan Sykes 

Chapter 20

Chapter 20

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARIANA

He's still not around.

Baka nga nakahanap na siya ng babaeng ipapalit sakin.

Siguro nga nagsawa na siya at gusto na ng bagong paglalaruan.

You know what's odd?

This pain I felt.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Nalilito ako.

Ginugulo ako nito.

Hindi ko na tinanong kay Francis kung nagbalik na ba ang amo niya dahil sa itsura niya palang ng Makita ko siya alam ko na ang sagot.

Kitang-kita ko na agad ang pagod sa mga mata niya.

Hindi siya nakatulog kakabantay sa akin at sa bahay.

"Oh kape." Inabutan siya ni Raine ng isang mug.

"Salamat."

"Wala ka bang balak matulog Francis? Tignan mo nga yang eye bags mo ang laki na." Puna ni Raine sa kanya.

Magkasama kaming tatlo sa kusina ngayon.

Umiling si Francis at sinimulan ng higupin ang mainit na kape.

"Oo nga Francis. Umidlip ka kaya kahit saglit lang."

"Hindi pwede." Sagot nito agad.

"Low blood ang aabutin mo niyan." Dagdag ni Raine.

"Hindi ba sumasakit ang ulo mo?" Tanong ko.

"Sasakit ang ulo ko kung hindi niyo ko titigilan." Sabi niya na parang naiinis.

"Hoy concern lang kami sayo." Sabi naman ni Raine.

"Para kang zombie sa itsura ng mukha mo." Dagdag pa nito at nangingiti.

"Sanay ako kahit walang tulugan."

"Bahala ka nga sa buhay mo."

Tumayo si Francis bitbit yung mug at iniwan kaming dalawa.

Nagkatinginan na lang kami ni Raine.

Nainis namin.

Ang naisip kong gawin buong araw tignan ang buong bahay. Ang nakita ko pa lang kasi yung kwarto na dati kong tinutuluyan, kwarto ni Justin, sala, kusina, garahe at yung pool area sa labas.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now