Chapter Thirty Four

19K 189 15
                                    

"If life knocks you down try to land on your back because if you can look up you can get up. And if you can get up you can stand up. And if you can stand up you can fight for your dream once again. You have something special. You have greatness within you." - Les Brown

NOTE: The video at the top was the "One Love Manchester" concert you can watch it if you want. And this chapter is about healing and finding yourself to get back up once again.

Chapter 34

Chapter 34

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARIANA

Halos dalawang Linggo na ang nakalipas ng ilibing si auntie Raquel. Ramdam ko pa din yung sakit at bigat sa dibdib ko na parang kahapon lang siya nagaagaw buhay.

Hindi ko pa din matanggap na wala na siya.

Iniwan na niya ako.

Ayokong maniwala na patay na ang kaisa-isang taong mahalaga sa akin.

Nitong nakaraang linggo wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto.

Tandang-tanda ko pa yung gabing halos malagutan ako ng hininga ng sabihin ng doctor ang masamang balita.

May kulang sa akin at alam kong hindi na mapapalitan iyon ng kahit ano.

Hindi ko na magawang kumain.

Hindi ko na magawang lumabas sa kwarto.

Wala akong gana.

Wala akong lakas.

Nanghihina ako.

Sa araw-araw na dumaan ang bigat-bigat sa pakiramdam.

Pakiramdam ko wala ng dahilan para mabuhay pa dito sa mundo.

Nawalan na ako ng silbe.

Nawalan na ako ng saysay.

Ayoko na.

Hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko pakiramdam ko sasabog na sa sobrang sakit.

"Ari..."

Pumikit ako agad.

"Ari... Kumain ka muna tara sa baba may niluto ako."

Hindi ako kumibo.

Hindi ako gumalaw habang pinapakiramdaman ang taong nagsasalita.

"Magkakasakit ka sa ginagawa mo niyan. Nagaalala na ako sayo."

Gusto kong mapag-isa.

Ayokong makakita ng ibang tao.

"Kumain ka na please kahit konti lang... Nangangayayat ka na." Pakiusap nito sa akin pero hindi pa din ako kumibo.

Araw-araw niya akong pinupuntahan sa kwarto.

Ilang beses siyang kumakatok.

Pinipilit akong kumain.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now