Chapter Three

35.2K 447 12
                                    


"Don't let someone dim your light, simply because it's shinning in their eyes." -anon

Song for this chapter:

Strip by Chris Brown ft. Kevin McCall

Chapter 3

Nakasakay ako ngayon sa taxi katabi si Vanessa. Pinagmamasdan ko yung mga sasakyan sa labas. Yung mga taong naglalakad sa tabing kalsada.

Tinawagan ko siya kanina at sinabing sasama ako rumaket sa kanya ngayong gabi.

Her offer was so tempting.

Malaking pera ang maiiuwi ko kapag nagkataon na maganda ang magiging performance ko mamaya.

Kailangan ipakita ko na gusto ko ang ginagawa ko kahit ang totoo labag ito loob ko.

Ilang araw na lang kasi simula ngayon ooperahan na si auntie Raquel at hanggang sa mga oras na ito wala pa akong hawak na pera.

Binigyan ako ni Vanessa ng choice at pinili kong sumama sa kanya ngayon.

"Dito na lang kami kuya."

Sagot na daw ni Vanessa ang bayad sa pamasahe ngayong first night ko dito sa club. Ang sabi niya bumawi na lang daw ako kapag kumita na.

Hindi ko alam kong matutuwa ako o makakahinga ng maluwag sa sinabi niya.

Kapag pumasok ako dito ngayon malamang may mga bagay doon sa loob na walang kasigaraduhan pero isang bagay lang ang makukuha ko paglabas ko sa building na to...

Pera.

Kapag hindi ako pumasok sa loob ngayon at sumama kay Vanessa babalik ako sa hospital na walang dalang pera.

Wala akong ipangbabayad sa utang namin at di ko matutulungan si auntie Raquel na gumaling.

Kailangan niya ako.

Kailangan kong gawin to

"Oy, ano na Ariana?"

Hinila na ako ni Vanessa palabas ng taxi bitbit ang bag na ang laman make-up at ilang gamit na masasabi kong akin.

Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang napakataas na building sa harapan ko malayo sa club na naiisip ko.

Yung lugar na maraming ilaw sa labas na patay sindi. Merong mga babae na nakahilera na sa labas nagaabang sa mga customer.

Hindi, hotel ang nasa harapan ko ngayon.

Nilingon ako ni Vanessa ng mapansin siguro na wala ako sa tabi niya.

"Tara na."

"Tama ba tong pinuntahan natin?" Tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga ito.

"Oo. Tara na bilisan mo malalate na tayo. Malilintikan tayo sa ginagawa mo."

Pumasok kami sa loob hindi kami dumiretso sa receiptionist. Meron kaming pinasukan na makitid na daan kasya ang dalawang tao na magkatabi at may sumalubong sa aming malaking lalake.

He look so buff in his fitted shirt.

Lumapit si Vanessa sa kanya at merong sinabi. Tinignan ako nung lalake mula ulo hanggang sa paa. Pakiramdam ko nakahubad ako sa harapan niya ngayon.

Nangiti yung lalake at pinapasok na kami sa loob. Pumasok kami sa isang room kung saan may mga babaeng busy sa pagaayos ng make-up at yung ilan sa kanila doon na mismo nagbibihis na walang pakealam na may ibang tao.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now