Chapter Forty

18.3K 163 8
                                    

"Count your rainbows not thunderstorms." - Alyssa Knight

Song for this chapter:

Lovin' So Hard by Becky G

NOTE: Pasensya na kung di ako nakapagpost last week inaaasikaso ko kasi yung mga requirements na kailangang ipasa agad. Im sorry. Here's an update for you guys sana magustuhan niyo! Happy reading :-)

Chapter 40

Chapter 40

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARIANA

"Uuwi na tayo."

Ang sinabi ni Justin sa akin matapos kaming maglakad-lakad sa plaza kanina.

Nandon ang disappointment at lungkot ng marinig ko yon.

Babalik na kami ng Pilipinas.

Nakita niya ang pagkadismaya sa mukha ko kaya siya nagsalita agad para sundan ang sinabi niya.

He carressed my left cheek using his thumb.

"May importante akong kailangang asikasuhin..." Paliwanag niya sa akin.

I nodded.

"... Wag kang magalala babalik din tayo dito ulit okay?"

Hinalikan niya ako sa noo bago ako hilain palapit sa katawan niya para yakapin.

Ngayon papunta na kami sa airport para habulin ang flight namin papuntang Manila.

May katawagan siya kanina pa at sa tono ng pananalita at lakas ng boses niya alam kong malaki ang problema.

Ang alam ko lang kailangan na naming umuwi dahil may importante siyang aasikasuhin.

Napapahawak ako sa seat belt ng lumakas lalo ang boses niya na sinisigawan na niya ang kasusap niya sa kabilang line.

Mabilis na din ang pagpapatakbo niya ng sasakyan.

Gusto ko siyang sabihan at sitahin na halos over speeding na kami pero hindi ko nagawa.

Baka kasi madistruct pa siya lalo.

Ano bang problema?

Ang nadinig ko sa usapan nilang dalawa sa phone tungkol sa ilalabas na malaking pera na idedeposit sa account ng isang mataas na official ng custom sa Pilipinas.

Meron din siyang mga instructions na sinabi sa kausap niya na may kinalaman sa drugs.

"Goddamnit just do it!" Halos ihagis niya sa sobrang galit ang cellphone sa dashboard ng sasakyan.

Nasuntok niya rin ang steering wheel kaya bumusina ito ng malakas.

Hinawakan ko ang braso niya.

Ramdam ko kung gaano siya katensyunado.

Sinubukan ko siyang pakalmahin.

Pinadaan ko ng makailang beses ang kamay ko sa braso niya at sa tingin ko umubra naman kahit papaano ng makita ko ang pagsulyap niya sa akin.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now