Chapter Sixty Five

3.9K 66 7
                                    

"But the worst thing about losing you was that you took my heart with you." - Nikita Gill

Song for this chapter:

Dance to This by Troye Sivan featuring Ariana Grande

God is A Woman by Ariana Grande

Chapter 65

Masakit ang ulo ko paggising ko kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Masakit ang ulo ko paggising ko kanina. Naalimpungatan ako lalo na't hinahanap ko yung unan na yakap-yakap ko sa pagtulog. Pagbangon ko wala na akong naabutang katabi sa kama.

Ako na lang mag-isa.

Wala na siya.

Wala na si Justin.

Alam kong umuwi siya kagabi dahil naaalala ko kung paano niya ako buhatin paakyat rito sa kwarto.

Naaalala ko rin kung paano niya ako tinulungang magpalit ng damit.

I was wearing his shirt right now like I always did every night.

Vivid lang ang natatandaan ko sa mga nangyare.

Ibig sabihin lang non maaga siyang umalis.

Napansin ko agad ang gamot na nasa side table katabi nito ang isang bottled mineral water.

Ininom ko ito agad bago tuluyang bumangon at dumiretso sa bathroom.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang reflection ko sa salamin.

Hawak ang suklay sa kamay ko.

Pinagmasdan ko ang suot ko ngayon.

T-shirt na halos hanggang hita ko ang haba.

Tinatamad akong kumilos ngayong araw at kung ako ang masusunod ayaw ko pang gumalaw-galaw.

Gusto ko sana na mahiga na lang ulit sa kama at matulog.

Wala akong ganang magpalit ng damit. Gusto ko yung faint na amoy ng pabango ni Justin na hanggang ngayon andito pa din sa damit na suot ko ngayon.

Kahit na tinatamad kumilos pinilit ko ang sarili ko na mag-ayos. I tried to freshen up as fast as I could. Nagpalit ako ng floral dress at sinuot yung isa sa mga flats na dala ko.

Suot ko ngayon ang pinakaspecial na bagay para sa akin.

Maliban sa hikaw na nakakabit ngayon sa tenga ko itong kwintas na pinama sa akin ng mga magulang ko ang suot ko ngayon.

Pagkatapos kong magapply ng make-up lumabas na ako ng bathroom at sumunod naman na inayos ang mga dadalhin ko.

Nakita kong may isang text akong natanggap.

From: Justin

Call me babydoll when you wake up.

Nakita ko agad ang pangalan ni Justin sa list ng phonebook ko.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now