Chapter Thirty Five

19.2K 200 22
                                    

"Embrace the glorious mess that you are."  - Elizabeth  Gilbert

Song for this chapter:

Welcome to My Life by Chris Brown

Down by Fifth Harmony

Chapter 35

Chapter 35

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Canada.

Nandito kami ngayon sa Canada nalaman ko lang ng narinig kong nagsalita ang flight attendant mula sa speaker.

Nasa ibang bansa ako ngayon ng ganun-ganun na lang.

Ni hindi ko nga alam kung saan ang destination namin dahil ayaw sabihin sakin ni Justin.

Kailan niya pa balak itago na lumipad kami mula sa Pilipinas papunta dito?

Kakalabas lang namin ng arrival area at hindi na ako nagdalawang kulitin siya kung bakit kami nandito ngayon.

"Justin, anong gagawin natin dito?"

Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nauuna siyang maglakad kesa sa akin.

He was dragging me behind him.

Hindi niya ako kinibo at patuloy pa rin kami sa paglalakad.

Nagmamadali siya na parang may hinahabol.

Ang hirap sabayan ng galawa niya lalo na't ang taas ng heels na suot ko dahil sa bawat isang hakbang niya kailangan kong doblehin ang hakbang ko para lang makasunod sa kanya agad.

Hindi ko na magawang tignan ang paligid namin ngayon.

Bigla kong naalala yung mga dala naming bags.

Ako lang naman halos ang may dala sa pagkakatanda ko ng isang luggage na hila-hila ni Justin papasok sa airport kanina.

Wala naman akong napansin na bitbit niyang gamit para sa kanya.

Teka na saan yung gamit ko?

Maliit na bag lang ang dala ko ngayon na ang laman sa loob phone at wallet.

I tugged his hands to get his attantion.

Nilingon niya ako.

"Yung gamit ko?"

Nakasuot siya ng sunglasses kaya hindi ko makita ang mga mata niya.

Tinaasan niya lang ako ng dalawang kilay.

"Yung bag ko..." Paalala ko sa kanya malayo na kami sa nilabasan namin kanina at malamang nakalimutan niyang kunin ang gamit ko don.

Lumingon ako at nakita yung mga taong may kanya-kanyang business na ginagawa.

Saan ba kami nanggaling kanina?

Hinila ako ni Justin hanggang sa makalapit ako sa gilid niya at inakbayan ako nito.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now