Chapter Ten

28.4K 306 6
                                    

"No one loses their innocence. It is either taken or given away willingly" - Tifanny Madison

Song for this chapter:

Everyday by Ariana Grande feat. Future

  #701 in ROMANCE 2/9/17 thank you!  

Chapter 10

Chapter 10

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

JUSTIN

"Maawa ka sakin Boss."

Basag ang mukha.

Luha na walang tigil na umaagos sa mga mata niyang halos pumikit na sa tama ng nakuha nito sa bawat suntok kanina.

Kasabay ang pag-agos ng dugo sa mga sugat na natamo ng katawan niya.

Kulang pa ang sakit na dinadanas niya ngayon.

"B-Boss... Maawa ka sakin."

Nakaluhod siya ngayon sa harapan ko.

Ang gagong sumira sa tiwala na binigay ko.

"Awa?"

"H-hindi na mauulit pangako ko yan sayo b-boss. M-maawa k-ka..."

Isa siya sa taong pinagkakatiwalaan kong humawak at magpatakbo ng drug dealing sa isa sa mga nasasakupan kong lugar sa Luzon.

Kaya pala halos bumagsak ang income na natatanggap ko sa poder niya dahil may kasabwat siyang maimpluwensyang tao na binabayaran siya para matiktikan ang laboratory na pinaghahanguan ng drugs na binibenta.

Nalaman kong isa sa mga kalaban ng angkan namin ang nasa likod ng lahat ng ito.

Gusto nila kaming sirain.

Gusto nila kaming patumbahin.

Gusto nilang kunin ang kapangyarihan at posisyon na hawak namin lalo na dito sa loob ng Pilipinas.

Pwede nilang subukan pero hindi sila magtatagumpay.

Mark my word.

Hindi ako nagtrabaho ng ilang taon at ibinigay ang buhay ko para gampanan ang tungkulin ko bilang tagapagmana para lang sa wala.

Hindi ako magdadalawang isip na itaya at isakripisyo ang buhay ko para protektahan ang nasimulan ng angkan namin.

Tinutok ko sa kanya ang baril na hawak ko.

"J-Justin... B-boss utang na loob... Nagmamaka-awa ako sayo..."

Naririndi na ako sa boses ng hinayupak na to.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga hideout.

Nasa isang magarang building na kung titignan parang may isang kasiyahan na magaganap.

Tinawagan ko siya mismo para makipagkita.

Hindi siya nagdalawang-isip na pumayag na parang asong naghahabol sa buto.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora