"You lose yourself trying to hold on to someone who doesn't care about loosing you." -anon
Song for this chapter:
New Flame by Chris Brown ft. Usher & Rick Ross
Chapter 9
Masakit ang ulo.
Mapait ang panlasa.
Hindi maganda ang pakiramdam ko paggising ko kanina siguro dahil wala akong kinain kagabi at dahil na din sa sunod-sunod na araw na walang tulog.
Hindi na naman ako nakatulog kagabi.
Bakit?
Hindi maalis sa isip ko kung bakit hindi tinuloy ni Justin ang gusto niya gawin sakin.
Pinigilan niya akong hubarin ang natitirang saplot sa katawan ko.
Niyakap niya ako.
Siguro nakonsensya na siya sa ginawa niya kaya hindi niya tinuloy ang kababyuan na naisip niya pero hindi ibig sabihin non kakalimutan ko na ang ginawa at sinabi niya sa akin.
Totoo naman ang sinabi niya kagabi.
Nagtanong ako kung anong pwede kong gawin para pakawalan at makita ko na ulit ang auntie Raquel ko.
Binigyan niya ako ng sagot.
Binigyan niya ako ng choice.
Choice na tinggap at kinuha ko kahit labag sa loob ko.
Sa huli hindi ko naman inaasahan na si Justin pa mismo ang magpapahinto sa sinabi niyang gawin ko.
Maybe he cares?
Bakit?
Ginagawa niya to siguro para mapalapit ako sa kanya.
Para isipin ko na merong katiting na kabutuhihan meron siya.
Hindi.
Ayokong maniwala sa pinapakita niyang malasakit kung meron man dahil sa taong katulad niya hindi siya mapagkakatiwalaan.
Hindi ako pwedeng magtiwala.
Lalo na sa taong nagdala at nagkulong sakin dito.
Kung may malakasakit siya dapat pinakawalan niya na ako.
Hindi itong nakakulong pa rin ako dito sa apat na sulok ng kwarto na to.
May kumatok sa pinto.
Si Justin.
YOU ARE READING
MOONLIGHT (Season 1) Completed
RomanceMOONLIGHT (Season 1) COMPLETED Written by: ilovemitchietorres "Mamahalin mo ko sa ayaw o sa gusto mo. Magsasama tayo hanggang kamatayan dahil akin ka lang Ariana. I own every inch of you. You're mine. Only mine." He's the bad guy. The guy who claim...