Chapter Thirty One

19.8K 198 8
                                    

"Crying is the only way your eyes speak when your mouth can't explain how things made your heart broken." - anon

Song for this chapter:

Dead by Madison Beer

When you're gone by Avril Lavigne

Chapter 31

Chapter 31

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ARIANA

Nakabawi na ako ng tulog kahit papaano pero nagising ako ng ilang beses dahil napapanaginipan ko pa rin yung nangyare nung gabing iyon lalo na ang putok ng baril.

Nagawa ko pang bumangon at bumaba para uminom ng tubig.

Hindi umuwi si Justin.

May parte sa isip kong nagsasabing ito yung mas makabubuti na hindi ko muna siya makita lalo na't sariwa pa rin para sa akin ang mga ito.

Nagawa ko na ring bumalik sa kwarto ni Justin.

Ang weird kasi pagpasok ko biglang nagflashback sa akin ang nangyare sa aming dalawa dito sa loob pero nung humiga ako sa kama pakiramdam ko naging komportable at narelax agad ang katawan ko sa hindi maipaliwanag na rason.

Yung familiarity na nasanay na ako na dito natutulog.

Halos kakadating lang ni Raine ng makababa ako galing sa second floor.

Meron siyang bitbit na maliit na paper bag.

"Good morning."

"Morning."

"Ano yang dala mo?" Tanong ko.

"Hot pandesal. Merong naglalako sa daan kaya bumili ako."

"Namiss ko to." Kumuha ako agad ng isa at kinain.

"Magtitimpla muna ako ng inumin natin."

Nag-aya ako na pumunta sa garden para don na kami kumain ng almusal.

Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin.

Ang ganda ng sikat ng araw.

Ang aliwalas tignan ng kalangitan.

Walang mga ulap.

"So anong balak mo sa mga rose?" Tanong niya sa akin.

I shrugged my shoulders.

Sa totoo lang hindi ko rin alam.

Gusto ko sana na idisplay at hayaan kung saan ito nakalagay pero nakakasagabal sa daraanan at isa pa nilalaro ni Esther kaya ang gulo ng tignan.

"Ang dami naman kasi. Pinakyaw na ata ni sir lahat ng flower shop sa Manila." Pagbibiro na sinabi niya.

Mahal ang bawat isang piraso non at alam kong hindi basta-bastang rose lang yon na binibenta sa mga bangketa.

Gumastos na naman siya ng napakalaking halaga sa isang iglap lang.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon