Chapter Seven

29.1K 365 6
                                    

"I refuse to be broken, unappreciated, used or disrespected. I will handle myself in a way that no one can ever do those things to me." - Massy Arias

Song for this Chapter:

Touch by Little Mix

Chapter 7

Pagdilat ng mga mata ko doon ko nalaman na hindi talaga ako nagtagumpay makatakas kagabi. Bumalik sa isip ko ang takot ng maalala yung baril na nakatutok sakin.

Akala ko mamatay na ako kagabi.

Maliwanag ang kwarto kung saan ako nakahiga ngayon.

Dalawang araw na ako sa bahay na to.

Gusto ko ng maka-alis dito.

Paano?

Paano ko magagawang labanan sila at makatakas dito na alam kong may baril silang hawak na pwedeng iputok sa katawan ko.

Mabubuhay pa ba ako?

Natatakot ako pero kailangan ko pa ring lakasan ang loob ko dahil wala naman saking makakatulong kundi ang sarili ko.

May pag-asa pa at hindi ako susuko.

Kagabi pinigilan niya na mabaril ako nung lalakeng dumating.

Kung mabuting tao siya dalawang beses niya na akong natulungan at magpapasalamat ako ng taos puso pero hindi.

Siya rin ang dahilan kung bakit ako nakakulong dito.

Siya ang dahilan kung bakit hindi ako makabalik sa auntie Raquel ko.

Paano niya naaatim na gawin ang mga bagay na tulad nito?

Hindi ba siya nakakaramdam ng kahit konting konsensya?

Hindi ko maintindihan sa lahat ay kung bakit niya ako kinulong.

Hindi ko maintindiha kung bakit ba dinala niya ako dito sa bahay na ito.

Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niya akong pakawalan.

Ilang minuto akong nakatitig sa pinto.

Inaantay na makita ulit siya.

Walang dumating.

Sa tagal ng pag-aantay ko nainip na ako't tumayo.

Naglakad ako palapit sa pinto.

Nakabukas.

Anong binabalak niya ngayon at iniwan niya tong nakabukas?

Siguro gusto niyang malaman kung anong susunod na gagawin ko?

Kung ito na yung chance na binigay sa akin at kung papalarin ako hindi ako magdadalawang-isip na kunin to.

Kailangan kong makalabas dito.

Tinignan ko kung may ibang tao sa labas.

Wala akong nakita.

Naglakad ako palabas at tinignan ang paligid ko.

Ang tahimik.

Wala akong makita na tao ni isa.

Nakakapanghinala.

Nakaramdam ako ng takot at kaba.

Na saan siya?

Umalis kaya siya?

Nandoon yung pag-asa na sana wala siya dito ngayon at the same time takot dahil baka nagtatago lang siya sa isa sa mga sulok ng bahay na ito at inaantay niya lang na may gawin ako bago siya lumabas.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now