Chapter Seventy Seven

3.7K 85 17
                                    

"I love you as certain dark things are to be loved, in secret, between the shadow and the soul." - Pablo Neruda

Songs for this chapter:

god is a woman (swt live) by Ariana Grande

Breathin (swt live) by Ariana Grande

r.e.m (swt) by Ariana Grande

NOTE: Not proof read yet!!!

CHAPTER 73

March 1, 2017

Justin's birthday.

Birthday na ng boyfriend ko at isa lang ang ibig sabihin non kailangan ko ng maghanda para sa event mamayang gabi.Malaking event na dadaluhan ng mga kilala at makapangyarihang tao hindi lang ditto sa Pilipinas kundi pati na din sa ibang bansa sabi ni Ryan sa akin nung isang araw.

Kakayanin ko ba?

Kaya ko bang makihalubilo?

Kaya ko bang humarap ulit sa mga mapanghusgang mata ng mga taong iyon?

"Ari..."

"..."

"Psssttt..."

"..."

Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.

"Uy, ayos ka lang?"

"Uh... Oo..." Sabay buntong hininga.

Lumapit siya sa kinauupuan ko. Nasa kitchen kami ngayon naghahanda na ng pananghalian.

Idinampi niya ang kamay niya sa leeg at noo ko.

"Okay lang ako Raine."

"Are you sure?"

I nodded.

"Kanina ka pa kasi tulala diyan..." Puna niya at sinabing. "... Teka,nag-away ba kayo ni Sir kagabi?"

"Hindi." Sagot ko agad at umiling.

Alam kong naghihinala na siya sa akin.

"Ari, alam mo naman na pwede kang magsabi sa akin ng kahit ano pa yan... Handa akong makinig."

I know.

"Okay kami ni Justin."

Nginitian ko siya para mapanatag na ang loob niya.

"Uhh... Nagiiisip kasi ako kung... Magugustuhan niya yung regalo ko mamaya..."

"Sus, yun ba ang pinoproblema mo ha?" Nangiti na rin siya ng mga oras na yun.

"Kahit ano naman magugustuhan ni sir basta galing sayo. Sa tingin ko nga... Nginitian mo lang si sir at batiin solve na siya."

Bumalik na siya don sa hinihiwa niyang gulay.

"Seryoso ako Ari... Ikaw lang sapat na kay sir kaya wag ka na masyadong magisip sa regalo na yan kung magugustuhan niya o hindi okay?"

Sana nga magustuhan niya.

Kaninang umaga inalarm ko pa yung phone ko para magising ng maaga pero pagdilat ng mga mata ko nakita ko ng nakabihis na si Justin.

Paalis na siya.

Bumangon ako agad.

Sinalubong niya ako agad ng yakap ng makita akong nakatayo.

"Good morning baby."

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now