Chapter Thirty Three

18.8K 173 7
                                    


"We all have someone we never speak of. Someone who meant so much that even breathing their name makes your soul tremble with memories and pain." - Nikita  Gill

Song for this chapter:

Catch Me/ Don't Forget  (An Intimate Performance) by Demi Lovato

Nightingale by Demi Lovato

Chapter 33

ARIANA

May kakaiba akong napansin agad ng magising ako kanina dahil walang brasong nakadagan sa bewang ko. Hindi ko rin naramdaman ang katawan ng taong katabi ko sa pagtulog gabi-gabi.

"Justin?"

Lumingon ako at nakitang wala na akong katabi sa kama.

Malamig na ito ng hawakan ko kaya matagal na siyang naka-alis.

Saan siya nagpunta?

Anong oras na ba?

Inabot ko ang cellphone na nasa side table ng higaan para tignan ang oras.

6:05 a.m.

1 unread message.

Galing kay Justin.

I'll meet you at breakfast babydoll.

Bakit maaga siyang umalis?

Saan kaya siya nagpunta?

Bumangon na ako agad para makapag-ayos ng sarili at makaligo na din.

Tinignan ko yung mga damit na nasa cabinet.

Nakita ko yung cute floral dress at tinernuhan ko ng white heels.

Inayos ko din ang buhok ko at tinalian.

Matapos kong makapaglagay ng natural look na make-up dumiretso naman ako sa gamit na dadalhin ko pagkatapos lumabas na agad ako.

Nandon na sila Raine at Francis.

Nagyakapan kaming dalawa ni Raine bago maglakad.

"Oh, na saan si sir?"

"Hindi ko alam e... pero ang sabi niya sakin sabay daw kami kakain ng agahan?"

"Pinapasundo ka niya sakin." Sabi ni Francis na sumingit sa pinaguusapan naming dalawa.

Pumasok na kami agad sa SUV at umalis.

Malamang sa aming tatlo na nandito alam ni Francia kung saan kami magkikita ng boss niya kaya ako nagtanong.

"Saan tayo pupunta?"

"Ihahatid kita kay boss."

Alam ko yon ang gusto kong malaman kung saang lugar.

"Saang lugar?"

"Sa coffee shop."

Napasandal na lang ako sa headrest ng inuupuan ko at napapikit.

Coffe shop? Sa dami ng coffee shop dito sa Manila wala akong idea kung na saan ang boss niya.

Hindi ako manghuhula.

Narinig ko na lang yung mahinang tawa ng katabi ko na nagpipigil kaya ako napadilat.

Tumatawa si Raine.

"Yaan mo na yan may pagkapilosopo tasyo."

Hindi na namin inistorbo sa pagddrive si Francis kaya nagkwentuhan na lang kami ni Raine sa backseat.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon