Chapter Two

40.3K 463 16
                                    


"Money is a good servant but a bad master." -french proverb

Song for this chapter:

Chasing Cars by Snow Patrol

Chapter 2

"Here's the current bill ma'am. Make sure lang po na mabayaran sa due date bago po natin maisalang ulit ang pasyente sa next session." Inabot sakin ng nurse yung kapirasong papel.

Nanlamig ako ng makita yung 5 digits.

53,267

Saan ako kukuha ng ganito kalaking halaga?

Hindi ko naman pwedeng kunin sa pera na nasa ATM halos kulang-kulang limang libo na lang yon at nabawasan pa ang laman dahil pinanggastos na namin nung nakaraan para sa pagkain.

Mababaliw ako sa kakaisip kung paano ko maiipon ang fifty thousand ng ilang araw.

Napahawak ako sa kwentas na suot ko.

Ang lamig sa pakiramdam nito sa mga daliri ko.

I close my eyes while sighing deeply.

Tinupi ko agad yung papel at nilagay sa wallet.

Gagawa ako ng paraan.

Bumili ako ng lugaw at ilang prutas bago puntahan ulit si auntie Raquel. Sabi ng doctor maganda daw sa kalusugan yon para kahit papaano may natural vitamins na nakukuha ang katawan puro kasi gamot ang sinasaksak sa kanya.

Pinakain ko siya.

Ito na lang yung bonding moment naming dalawa bago siya maiwan dito na mag-isa.

"Kumain ka na ba?"

"Opo."

"Sigurado ka ba nak?"

"Wag niyo kong alalahanin mama malakas pa ako kaya pa ng katawan ko mas kailangan niyo to."

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

"Hindi mo na kailangan pagaksayahan pa ako ng panahon at oras."

Ayoko yung idea kung saan na naman mapupunta ang usapan naming dalawa madalas kasi sa kanya ko naririnig yung mga salitang ayaw kong lumalabas sa bibig niya.

Yung parang namamaalam na siya.

Yung sa kanya ko naririnig na pagod na siya.

"Gagaling ka pa." Diin na sabi ko.

"Alam mo bang hiyang-hiya ako sayo. Dapat ako ang nagaalaga at nagaasikaso sayo pero heto kabaliktaran ang nangyare."

Binaba ko yung plato at nilapag sa katabing lamesa.

Iniiwasan kong lumuha.

Ayoko na makita niya akong ganito.

"Hayaan mo nak konting panahon na lang naman mawawala na ako. Hindi ka na mahihirapan."

I bite my lip trying so hard to fight back those tears.

"Ma'am ako na pong magpapakain sa kanya."

Dumating na yung nurse na nagbibigay ng gamot kay auntie Raquel tuwing tanghali.

Hindi na ako nagdalawang-isip na tumayo.

Tumalikod na ako agad.

"Ma, alis na po ako." Paalam ko bago lumabas ng room niya at doon ko naramdaman yung patak ng luha sa pisngi ko.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon