Chapter Sixty One

4.4K 70 4
                                    

"He saw the darkness in her beauty. She saw the beauty in his darkness." - anon

Song for this Chapter:

Mundo by IV of Spades (My heart still hurts about the fact that Unique left the band TT___TT but anyways wishing all the best to the boys. One of my fav opm band. #SupportOPM)

Hey Barbara by IV of Spades

PS Short update lang to guys target ko na kasi na every Saturday/Sunday makapagupdate ako dito sa wattpad sana masundan agad hahahaha

PPS Hope you guys like it! 

Chapter 61


Ilang beses na kaming nakabalik sa bahay ampunan simula nung una naming pagdalaw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ilang beses na kaming nakabalik sa bahay ampunan simula nung una naming pagdalaw. Hindi ko na mabilang kung ilan basta ang alam ko lang naeexcite pa din ako at natutuwa na makita ang mga bata.

Naging parte na sila ng buhay ko.

My little angels.

Sa kanila ko naramdaman ulit na hindi ako nagiisa.

I feel like being home once again.

Sa kanila ko rin naramdaman ang saya na hindi kailangan ng kahit anong materyal na bagay.

Makita ko lang ang ngiti sa mga mukha nila sobrang solve na ako.

Nawawala ang pagod at natutumbasan ng saya.

Ilan sa mga activities na ginagawa namin tuwing dumadalaw kami sa bahay ampunan ay story telling o di kaya feeding program.

"Pwede po ba kaming magpaparty dito?"

Naisip namin ni Raine ang tungkol sa mini party na gusto naming gawin.

Alam namin na magugustuhan to ng mga bata lalo na sa mga games na ipapalaro namin.

Bago mangyare iyon kailangan magpaalam kami sa nakatataas kaya ngayon heto nandito kami sa office ni nanay Theresita para ipaalam ang tungkol sa bagay na ito.

"Party?"

"Maliit na salu-salo lang po sana nanay. Naisip po namin ni Ari na magkaroon ng mini party para sa mga bata." Sabi ni Raine na kaharap ko ngayon sa upuan.

Tinignan ko ang reaction ni nanay sa sinabi naming dalawa.

Nandon yung enthusiasm sa mukha niya at interisado itong makinig.

"Bale po ang concept na naisip namin magkakaroon ng mini program which is magpaparticipate po ang mga bata na by groups po." Paliwanag ni Raine kay nanay.

Sinulyapan ako ng kaibigan ko na nagsisignal na ako naman ang magsalita.

"Magkakaroon din po tayo ng feeding program katulad ng ginagawa natin parati. Adittional po ang mga games na may mga prizes silang makukuha. Gusto lang po namin na magkaroon ng interaction ang mga bata." Pagpapatuloy ko.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now