Chapter Twenty Five

21.5K 197 16
                                    

"While seeking for revenge, dig two graves  one for yourself." - Douglas Horton

Song for this chapter:

Be Alright by Justin Bieber

Hold Tight by Justin Bieber

CHARACTERS:

Ariana Lopez as main leading lady

Justin Calix Bennington as main leading man

Francis as Ariana's personal bodyguard

Lauraine as Ariana's friend/Justin's personal maid and housekeeper

Raquel Lopez as Ariana's auntie/step-mom

Chapter 25

Chapter 25

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ARIANA

Nagprepare kami ni Raine ng mga pagkain na dadalhin sa hospital mamaya. Humiling ako kay Justin na bisitahin siya at tinanong ko din kung gusto niyang makita si auntie Raquel at natuwa ako ng pumayag siya.

"Teka maghahanap pa ako ng bag na paglalagyan." Sabi ni Raine puno na kasi yung isang bag ng mga tupperware na may laman ng pagkain.

Alam ko namimiss na ni auntie Raquel kumain ng lutong bahay.

Naisipan kong ipagluto siya para hatiran mamaya.

Hindi na ako makapaghintay na makita siya.

I miss her so much.

"Raine, paki-ayos na yung mga prutas na dadalhin ko."

"Okay."

Merong kausap sa phone si Justin kaya nakakagalaw ako ng maayos ngayon.

Walang nangungulit at walang dikit ng dikit sakin.

Excited na akong makita si auntie Raquel at syempre nakakaramdam ng kaba kasi ngayong araw din na to makikita na niya si Justin.

Kinakabahan ako sa first impression ni auntie Raquel kay Justin.

Niremind ko na ang sarili kong kausapin si Justin mamaya sa sasakyan tungkol don sa sinabi kong white lies na magkatrabaho kaming dalawa sa casino para hindi maghinala si auntie Raquel.

"Raine, babalik ako hahanapin ko lang si Esther." Paalam ko sa kanya bago lumabas.

Hinanap ko na ang alaga ko agad.

Gusto ko rin syang ipakita kay auntie Raquel dahil alam kong ikatutuwa niya rin to.

Napangiti ako agad ng makita si kulit na naglalaro kasama yung bola.

"Hello baby..." Kinuha ko si Esther at binuhat para halikan.

Pagbalik ko sa kitchen nandon na din si Justin.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedWhere stories live. Discover now