Chapter Sixty Eight

4.6K 86 8
                                    

"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage." – Lao Tzu.

Song for this chapter:

Malibu Nights by LANY

This Feeling by The Chainsmokers

All We Know by The Chainsmokers

Middle by DJ Snake ft. Bipolar Sunshine


Dedicated to my Jariana babies :)

Chapter 68

Chapter 68

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Francis...."

Kanina ko pa siya hinahanap sa buong bahay dito ko lang pala siya makikita sa pool area.

Nakita ko yung pinagkakaabalahan niyang punasan.

Baril.

Napansin ko din ang ilang bala nito na nakalapag lang sa lamesa.

Nilingon niya ako ng tawagin ko ang pangalan niya.

Tumayo siya agad ng makita ako.

"Anong kailangan mo?"

Di ko maalis sa isip ko yung masamang bagay na nagagawa ng baril sa isip ko. Nakakaramdam ako ng kaba at takot sa tuwing makakakita ako nito.

Ibinaling ko na ang tingin ko sa kanya bago magsalita.

"Uhmm... May itatanong lang sana ako."

"Ano?"

"Alam mo ba kung saan yung hospital na tinutuluyan ng nanay ni Raine?"

"Bakit mo naman naitanong?"

Bakit ba tanong din ang ibinalik niya sa akin imbis na sagot?

"Gusto ko sana silang dalawin." Sagot ko agad.

Yun naman talaga ang pakay ko at gusto kong makita ang nanay ni Raine. Madalas rin kasi niya sa akin itong naikwkwento.

Ang nagpakirot sa puso ko ay yung malaman na may sakit ito.

Isa sa rason kung bakit siya naninilbihan sa poder ni Justin di lang sa utang na loob kundi para matustusan ang pangangailangang medical ng ina niya.

Wala si Raine dito sa bahay.

Nasa bakasyon ito.

Ako na mismo ang nagsabi kay Justin na wag na munang papuntahin dito sa bahay si Raine pagdating namin kahapon galing sa Lucena.

Paskong-pasko malalayo siya sa pamilya niya.

Gusto kong sulitin niya ang pagkakataon na magkakasama sila.

Alam ko yung pakiramdam at katayuan niya kasi gaya niya napagdaanan ko rin ito.

December 28.

MOONLIGHT (Season 1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon